CHAPTER 14

2.2K 58 0
                                    

14. WEDDING AGAIN

Nasa mall kami ngayon dahil bibilhan nya daw ako ng damit. Pumasok kami sa isang chic boutique at sumilip-silip. Ang mga sales lady halos tumulo ang laway. Ay naku.

"Try this one"

Inabot nya sa akin ang isang plain na red dress, 2k something ito eh parang skater skirt lang. Nang maisukat ko na ay tsaka ko lang naramdaman na backless pala ito. Ang lalaking yun talaga!

"Eto na"

Naka-awang lang ang bibig nya habang palapit ako sa ulo nya. Naku baka dalhin na naman ako nun sa salon, ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko.

"Jerico. Ako na lang mag-aayos sa sarili ko" umupo ako sa tabi nya.

"Bakit?" kinuha na naman nya ang kamay ko pero binawi ko, pero kinuha nya pa din.

"Mas sanay ako" namula na ata ang pisngi ko.

"Eh bakit dito hindi ka masanay?" pabulong nyang tugon.

"Saan?"

"Wala! Tara na!" oh bakit galit?

Dumiretso kami sa sasakyan nya at agad din nya sinimulang magpaandar. Kumuha ako ng brush at pressed powder. Ganito lang ako kasimpleng mag-ayos, walang salon-salon.

"Dito na tayo"

Paglabas ko ay hindi nya man lang hinawakan ang kamay ko o ang baywang ko, nagtampo ata. Inuunahan nya lang akong maglakad at ang bilis nya pa! Halos mapudpod itong sapatos na suot ko.

"Wait lang naman" sinukbit ko na agad ang kamay ko sa braso nya kaya nahinto sya sa paglakad at tumingin sa akin. "Ang bilis mong maglakad"

"Sorry. Hay naku. Tara na" hinawakan nya ang kamay kong nasa braso nya at pumasok na naman kami sa isang vip room.

"Hi Lo" nagmano sya sa lolo nya at ako din.

"Goodevening po" nakangiti pa ko sa kanya.

"You look gorgeous tonight" nginitian nya din ako. "Have a seat"

Umupo na kami sa tapat ng lolo nya at kumain muna kami. Pagkadating ng dessert ay tsaka lang kami nagsimulang mag-usap.

"I'm so glad that my grandson finally found a girl" hinawakan nya ang kamay ko kaya ngumiti ako.

"I'm so lucky Lo" tinignan ko sya at kita ko ang lungkot sa mata nya. Shocks. Baka mahalata kami.

"Mas swerte po ako sa kanya" humarap ako sa kanya at nginitian ko sya kaya lumiwanag kahit papaano ang mukha nya.

"That's great. Siguro ay pwede na nating asikasuhin ang kasal nyo?"

Parehong nanlaki ang mata namin ni Jerico sa sinabi ng lolo nya.

"Lo. Akala ko after 3 months pa?"

Nginitian lang kami ng lolo nya kaya nagtaka kami lalo. Parang napabilis ata ang kasal? Tsaka handa na ba kong magkasal-kasal na yan? Sariwa pa ang mga alaala sa akin, pre-nup, invitations, gowns, location at kung ano-ano pa. Parang kakadaan ko lang sa ganun tapos babalik na naman ako?

Nagpaalam na din ang lolo nya sa amin after sabihin yun kaya pauwi na din kami.

"Is that ok to you? I'm sorry. Alam ko talaga na after 3 months pa kaya ang plano ko sana ay magbibreak tayo after 3 months" ginulo nya ang buhok nya at ako ay nakatingin lang sa kanya.

"It's ok" tatlong araw pa lang kami nagkakasama pero ok lang sa akin ang lahat. Bakit ganito.

"Ok na magpakasal ka ulit? Sa akin? Kahit na-" hindi nya tinapos ang sinasabi nya at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

"Ewan ko nga eh" ngumiti ako habang ibinaling ang tingin sa daan kaya nagulat ako ng bigla na naman syang huminto.

Tinignan ko sya, at tinignan nya din ako.

"Wedding again?" nakangisi lang sya sa akin pero ewan ko at natutuwa na lang ako sa ngisi nya at hindi na naaasar.

"I think so"

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon