17. UNPREDICTABLE
Nagulat ako kung saan nya ko dinala, sa isang karinderya. Pinagmamasdan ko syang sarap na sarap na kumakain at hindi ko mapigilang matuwa, isang mayamang tulad nya makikita mong kumakain sa isang karinderya.
"Oh bakit di ka kumakain? Ayaw mo ba sa ganito" kita ko kung paano sya sumubo kaya napasubo na lang din ako.
"Hindi. Natutuwa ako sayo" natigil sya sa sunod-sunod nyang subo at tumingin sa akin.
"At bakit?"
Nginitian ko lang sya at tinuon ang atensyon ko sa pagkain. Umalis din kami pagkatapos at pumunta sa isang park, medyo madilim na dito pero may mga lovers in park pa rin. Napansin nya din siguro.
"Akala ko tayo na lang ang nandito"
Tahimik lang kaming nakaupo sa isang bench na malapit sa fountain. Pareho kaming nagsi-cellphone, ako inaayos ko itong facebook.
"I-delete mo yung mga info mo. Ayokong may malaman sila tungkol sayo" ang isang ito nagpi-facebook pala.
"Ahm. Ok" dinelete ko yung mga nilagay ko at nagpalit na lang ng picture.
"Kelan ito?" nakatingin pa din sya sa cellphone nya.
"Kanina lang"
"Ah. Dapat next time, dalawa naman tayo"
Tinignan ko sya at napangiti. Ang lalaking ito, corny talaga.
"Sige. Ok yun"
Kinabukasan ay dito ko na lang sya sa Xavier hinintay, 3-in-1 pala itong school na 'to gaya sa Manila. Pagkabukas ko ng facebook ay agad kong nakita sa notifications ko yung picture na nakatag sa akin.
'The best night of my life, best woman in my life' #findways #straighttoyourheart
Ang sirang yun, kinandid shot ako! Nilike ko na lang at nagcomment.
'same here <3'
Nakita ko ding nilike nya yung picture nyang ginawa kong cover photo. Nakakatuwa namang isa lang ang friend mo sa facebook tapos na sayo pa ang atensyon. Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Hon?!" napatakip ako ng bibig ko ng marealize kung ano yung sinabi ko.
"Nakaupo ka lang dyan. Magsisimula na ang klase ko" rinig na rinig ko ang saya sa boses nya. Napatayo naman agad ako.
"Nasan ka ba? Kanino pa ko dito. Hahaha"
Nagpalinga-linga pa ako hanggang sa makita ko sya na nakasandal sa kotse nya at looselyng hawak-hawak ang bulaklak.
"Bet. You already noticed me" ayan na naman ang ngisi nya.
Alam kong maraming nakatingin sa kanya, kaya binaba ko ang phone ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Iba na naman ang itsura nya ngayon, naka-uniporme sya which is very unusual. Bumanat agad ako ng joke nang makalapit ako sa kanya.
"Mukha akong prof mo" tuwing nakatayo ko syang tinitignan palagi akong nakatingala, hanggang balikat nya lang kasi ako.
"Hmm. May ganoong kaso naman na dito kaya okay lang" inakbayan nya ko at inabot sa akin ang mga bulaklak na agad kong kinuha. "I like your cover photo, hope you'll like mine"
Pagkarinig ko nun ay agad kong viniew ang profile nya. Ang sirang ito talaga, yun pang 3 years ago ang kinuha.
"18th birthday ko pa ito" parang napaluha naman ako ng maalalang may mga magulang pa ako nito, nilapit nya kong maigi sa kanya.
"Eh ang ganda mo dyan eh. Can't help myself" at may binulong sya sa tenga ko "I'll always be your family"
May hikbing lumabas sa akin kaya lalo akong natuwa. I can't believe my luck right now, this guy is a blessing. Hindi ko inexpect na after nung gabing mag-isa ako sa side walk ay makikita ko ang lalaking ito. Ang nakakapagtaka ay paano nya ko nagustuhan? What's with me? Totohanan na kaya sya o nagpapanggap pa din kami? Kung ano man ang meron kami ngayon, masaya na ako.
"You are so unpredictable" ngumiti ako at pinunasan ang luha sa mata ko, mula sa akbay ay hinawakan nya ang kamay ko.
"Yan din ang tingin ko sa sarili ko ngayon"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...