CHAPTER 13

2.4K 67 0
                                    

13. NGSB

Pareho kaming goodvibes ng makarating kami sa school nya. Ewan ko ba, pwede ko bang bawiin yung bawal ang holding hands sa harap ng iba? Eh kasi naman super lambot ng kamay nya!

"Eto pala yung Ateneo dito. Xavier?" nakatingin ako sa pader kung saan nakalagay ang pangalan ng school.

"Ikaw ba?" palakad na kami papuntang classroom nya siguro.

"Ahm. Dating UP tapos lumipat akong Ateneo de Manila" hindi talaga ako proud at asiwang-asiwa pa din ako pag sinasabing lumipat ako.

Magsasalita na sana sya ng may lumapit sa amin, sino pa edi tropa nya.

"Whoa! For real na ba talaga ito!?" sigaw ni blue-haired.

"Tigilan mo ko Arthur, ganitong good mood ako"

Nagulat ako and at the same time ay natawa ng biglang lumuhod silang tatlo sa harap namin.

"Magbigay pugay sa Hari ng Xavier!" sabi ni Drake.

"Alayan ng bulaklak" si Martin naman.

"Halikan sa paa!" sigaw ni Arthur kaya napatayo yung dalawa, tawa naman ng tawa itong katabi ko.

"Dude, 'kaw na lang. Babae lang ang hinahalikan ko, hindi kasama paa" hinawi ni Martin ang buhok nya.

"Gross man!" sinuntok naman ni Drake ang balikat ni Arthur.

"Oh male-late pa tayo sa kagaguhan nyo. Tara na" hinila na nya ko at nauna na kaming maglakad, magkahawak kamay pa din kami.

Ayan na naman yung mga death glare ng mga tao. Hays, hindi katulad nung kay Wayne noon na mga ka-org at blockmates nya lang ang pumapansin sa'min, dito buong campus. Ang laki nitong school pero agaw na agaw namin ang atensyon, hallways at corridors halos mabali ang mga leeg ng mga tao.

"Ako ba magsusulat sa notes mo?" tinanong ko na lang sya para maalis ko ang atensyon ko sa paligid.

"Of course not. We'll just listen, I'll take a test and you'll sit beside me. Clear? Mamaya kung saan-saan ka na naman uupo" pumasok kami sa isang classroom na maingay. Halos lahat ng tao ay nakipaghigh-5 sa kanya.

"Ok class. Go home" banat ni Martin ng pagpasok nya sa classroom kaya nagtawanan ang lahat.

"Gago! Ayun na si Mam oh" tinulak na ng dalawa siya papasok.

Agad din namang dumating ang prof kaya umayos na sila ng upo. Nasa dulo ang grupo nila kaya hindi siguro ako mapapansin nitong matandang prof. Pagkapwesto nya sa table ay binaba nya ang salamin at tumingin sa lugar namin.

"Is she your fiancé?"

Napatingin ang lahat sa akin at tumawa naman yung tatlo. Nakangiting sumagot itong si Jerico.

"Yes ma'am. I told you, the only beautiful girl in the campus" at kumindat pa ang loko!

Ibig sabihin na ipagkalat na nya sa lahat ng tao? Bigla ding nagtinginan ang mga kaklase nya sa pwesto namin.

"Hmm. Perks of being Hidalgo huh? Anong course mo sa Manila?" sa akin na naman natuon ang tingin nya.

"Public relation ma'am" pinilit kong sa kanya lang tumingin dahil kung nakakapatay man ang tingin, patay na ko sa talim ng titig ng mga babae dito.

"Graduate?"

"Isang sem na lang po" napisil ko na ng sobrang pisil ang kamay ko.

"Ma'am. Hindi naman po siguro yung fiancé ko ang topic natin ngayon di'ba?" nakangiting sabi ni Jerico habang hawak nya ang mga labi. Ang hayop na 'to, sumosobra na sa pagkagwapo!

"Oh. Im sorry to barge in Mr. Hidalgo. Back to our topic"

Naglecture na ang prof nila pero yung mga kaklase nyang babae ay panay pa din ang tingin at irap sa akin. Ganun hanggang matapos ang klase.

"Be ready for a long test on Wednesday"

Nagliligpitan na sila ng gamit pero ganun pa din yung mga babae, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lumapit ako ng unti kay Jerico.

"Hindi kaya sumasakit ang leeg nila sa kakairap sa akin?" tumingin ako sa kanya dahil baka sakaling sagutin nya ko pero tumawa lang sya ng malakas.

"Observer huh?" pinadausdos nya ang kamay nya sa baywang ko at sinuot nya ang backpack nya at sinukbit ang shoulder bag ko. "Hayaan mo na sila"

Narinig ko ang singhap, gulat at mura ng mga babae ng halikan ako sa noo ng sirang ito. Bahagya ko syang tinulak, ang pda nito! Halos magkayakap na kami!

"Ang pda mo!"

Tumawa lang sya at lumabas na kami ng classroom, kasunod lang namin yung tatlo.

"Finally, alam na ng hari ang salitang pda!" at nagtawanan silang tatlo

"Fvck you Martin! Go get your own!" hindi nya tinitignan ang tatlo sa likod at proud na proud lang syang naglalakad.

"Dati rati. Tsk" kunwaring umiiyak si Drake.

"Dude. Dati rati, kami ang may babae! Ngayon, ikaw na lang. Sobrang ganda pa!" umiiyak na din kunwari si Arthur. Nag-init ata ang pisngi ko dun sa sinabi nila.

"Well, not the NGSB anymore" at tumawa sya ng malakas.

"Ngsb?" pabulong kong tanong sa sarili ko.

"No girlfriend since birth" bulong nya sa tenga ko.

What?! Di nga!?

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon