15. DUMMY ACCOUNT
Kaka-isang linggo ko lang dito ay kalandian na naman ang inaatupag ko. Kakagaling ko lang sa isang bangungot na kasal ay eto na naman ako at magpapanggap na magpakasal. Baka magalit na ang Diyos sa akin nito. Ay!
"Anong iniisip mo?"
Nagulat pa ko ng tanungin ako nitong si Jerico habang nagla-lunch break kami.
"Wa-wala. Parang nahihiya lang ako sa Lolo mo" sumubo ako ng isang embutido ata ito.
"Bakit?"
"See. We're faking things. Pwede ba tayong pumirma ng kontrata then babaliwalain lang natin?" tinignan ko na sya at parang tumalsik ang puso ko ng mag-angat sya ng tingin, why so gwapo?
"Divorce"
Bumalik sya sa pagkain at mabilis na nginuya lahat at tumayo.
"I'll go to school. Dito ka na lang muna, magfacebook ka, twitter kahit ano. I'll fetch you by 4" binitbit nya na ang backpack nya at padabog na lumabas ng pinto.
Umupo ako sa computer nya at magbubukas sana ng facebook para i-deactivate. Pagka-open ko ay account nya ang lumabas. Natawa naman ako sa direct picture nya, anime ata ito. At kamusta naman ang sumasabog na mga notifs? Ok lang naman siguro kung silipin ko ang account nya.
"Lord Jerico Hidalgo, Studies at Xavier University, owner at H.J. Group of Companies" napaawang talaga ang bibig ko sa sunod kong nabasa.
Engaged with Colline delos Reyes?
Pagkaclick ko nung pangalan ay lumabas naman agad ang account at ako talaga ang picture? My goodness, gumawa pa sya talaga ng dummy account? Sinearch ko ang pangalan ko at lumabas nga, ang lalaking yun. Stalker talaga. Pero teka, ako din naman.
Tinignan ko ang mga albums nya at nagulat ako sa isa sa mga nakaprivate na album nya, tinolang hilaw! Puro mga mukha ko! Tinignan ko din ang iba at puro reunion, get together, silang apat at mga private albums na picture nya. Tangina, ay sorry sa mura pero etong may album title na Lord Jerico ang gagwapong selfie nya! May nakahubad, todo porma, nakaformal, lahat na. Perpekto tapos no gf since birth?
Pagkabalik ko sa account nya ay nabasa ko agad ang pinakalatest nyang post as in minutes ago pa lang.
'Ilang minuto pa lang miss na kita'
May isang like at si Colline ang naglike. Pano nangyari yun? May comment pa!
'I miss you more'
Fvck! Ang gagong yun talaga! Abnormal! Pero natawa din ako sa kalokohan nya. I can't deny it, I'm really starting to like him hindi sya mahirap magustuhan. Nagbasa pa ko ng ibang post at talagang puro ganun, magsasabi sya ng cheesy lines then magko-comment ako. Grabe na ang tawa ko, nasira lang ng may tumawag.
"Hi" yung tuwa ko rinig na rinig ko pa.
"Mukhang masaya ka pa atang wala ako. Tss" oh? Nagtampo na naman ito.
"Hindi katawa kasi itong mga nababasa ko sa twitter"
"Ooh. Suspended ang class dahil may meeting, pabalik na ko"
Pagkababa nya ng tawag ay agad akong naglog-out at nagbura ng history. Nag-eenjoy pa lang ako eh, ano ba yan. Hindi din yun ang browser na ginamit ko, nagmozilla ako pero pag-open ko ng facebook ay yung dummy account ko agad ang nakita ko. Dalawang browser talaga? Nagbalik loob na lang ako sa google chrome at dineactivate ko agad yung account ko, kahit anong mangyari, kukunin ko sa kanya itong account na ginawa nya.
Hindi ko alam pero masaya ako at kinikilig sa ginawa nyang yun. Timing naman na tapos na ko ng pumasok syang may dalang mga bulaklak. Ano namang drama namin?
"I'm back" malamig nyang sabi. Tumayo ako para salubungin sya pero inabot nya lang ang mga puting rosas sa akin. "Kaasar yan. Mali ang ginawa"
"So dahil mali, sa akin na lang"
Umupo muna sya sa trono nya bago ako sinagot.
"No. Iyo talaga yan"
Umupo ako sa sofa at nasa lap ko lang ang mga bulaklak. Tinitignan ko sya habang nagcocomputer at hindi ko mapigilang ngumiti. I think I'm not okay in pretending. I want us to be real. Hindi ako makapaniwala na kaya nyang gumawa ng corny things for me kahit nagpapanggap lang kami, pano kung totohanan na?
Never akong naka-experience ng ganitong kilig. Nung sa amin kasi ni Wayne ay puro pda lang, wala syang mga ganung korni na ginagawa para sa akin. Hindi naman sa gusto kong magkumpara pero hindi ko din mapigilan. This guy is so different. Natigil lang ako sa pagtitweetums ng magsalita sya.
"You stalked me?"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...