21. MAS MASAKIT
"Mauuna na ko dun sa baba. Sa labas nitong hotel ang meeting ko ha. Dun sa may garden, ayan ang suotin mo" kinindatan nya ako at umalis na.
Puting dress? Anong meron dun at bakit puting-puti itong suot ko. Naligo na ako at nag-ayos, lumabas din ako pagkatapos. Pagkapasok ko ng elevator ay namukhaan ko agad itong babaeng katabi ko.
"Ready ka na?"
Narinig ko syang magsalita pero hindi ko sya pinansin sa pagbabakasakaling hindi ako ang tinatanong nya.
"I'm asking you Krishna"
Shit. Sabi na nga ba't unang kita pa lang ni Xyla sa akin ay alam nya ng ako ito.
"Ready for what?"
Nakatingin lang ako sa mga buton at hinihiling kong bumilis ang pagbaba namin.
"Your wedding. Ooh! Hindi mo alam?"
Pinanatili kong blangko ang expression ng mukha ko kahit sa loob-loob ko ay tumatalon ang puso ko. Ang lalaking yun talaga.
"Ang bilis mo namang makapagmove-on. Dahil ba mas mayaman sya kay Wayne kaya iniwan mo ang kapatid ko?" tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya.
"Hindi dahil mayaman sya kaya ko sya mahal" matigas kong pagkakasabi.
"Really?" ang babaeng ito talaga! Parang nanay nya!
"Mahal ko sya eh. Wala ka ng magagawa, nagawa ko na eh" lumabas agad ako pagkabukas ng elevator at hinanap ko agad si Jerico. Ay nandun na pala sya sa garden!
Agad akong tumakbo pero bago pa ko makalabas ay biglang may humila sa akin. Si Wayne!
"Krish!" sigaw nyang tawag sa pangalan ko kahit magkalapit lang kami.
"Wayne! Bitiwan mo ako! May importante akong lakad!" pumipiglas ako sa pagkakahawak ni Wayne sa akin.
"Mahal kita Krishna! Hanggang ngayon! Please, sorry sa nasabi ko. Come back to me babe. Please" lumuhod pa sya sa harapan ko kaya nagtinginan ang mga tao sa amin. Nag-angat sya ng tingin sa akin.
"Please?"
Nagkantyawan ang mga tao at sinabi nilang pagbigyan ko na sya. May lumapit pang matanda sa akin. May nagbigay pa ng mga rosas. Hinila ko sya patayo at malamig na tinignan.
"No"
Binalik ko sa kanya ang mga bulaklak at tumakbo palabas. Ayokong may isiping iba si Jerico kaya agad ko syang hinanap. Nasan ba ang garden na yun, pambihira naman kasi at hindi ko tinanong sa kanya ang pangalan ng lugar. Ng makita ko ang puting kotse nya na may puting mga lobo, ribbon at bulaklak ay kumaripas ako papunta dun. Nagtaka lang ako nang humarurot yung kotse, baka mali ako ng naging daan kaya itatago nya muna.
Bumagsak ang mukha ko ng makitang walang tao dito, nagliligpit na din ang mga tao. Baka mali ako ng napuntahan! Lumapit ako sa mga nagliligpit at itatanong ko kung may iba pa bang garden dito.
"Excuse lang ho. May iba pa po bang ganito dito? Yung parang garden po? Kailangan ko pong pumunta dun"
Tinignan lang nila ako ng ilang minuto bago sinagot.
"Naku Madam, nag-iisa lang ho ito" nanlaki ang mata ko sa sagot nya.
"Nasan si Mr. Hidalgo?!" taranta kong tanong.
"Kakaalis lang po madam. May dumating pong babae dito at may pinakita kay Sir. Galit na galit pong umalis si Sir, tinaob nya pa po ang ibang mga mesa"
Nanlamig ako sa sinabi nya. Si Xyla at Wayne! Mga hayop talaga ang lahi nila! Mga walang hiya! May nakita akong kumikinang sa sahig kaya agad kong pinulot. Shit! Singsing! Tinignan ko ang buong lugar at umupo ako sa isa sa mga upuang nandun.
"Madam. Eto pa po, naiwan ata ni Sir"
May inabot din syang isang kahon sa akin at nang buksan ko yun ay nakita ko ang isang letter J at C na pendant. Hindi ko na napigilang maluha. Pucha! Bakit pa ba ako nakihalubilo sa mga yun! Nagsisisi ako at nakilala ko pa sila.
Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko at pagtitig ko sa pendant at singsing. Akala ko ok na, magiging masaya na ko pero di pa din. Tumayo na ako at binun ang buhok ko. Hindi ako makapaniwalang mas masakit pa pala ang iwan ka kaysa mang-iwan ka, karma ko na ito. But his my good karma. Mas masakit sa loob ko na iiwan nya ko. Nagpaalam na ako sa mga naglilinis at nagmartsa na paalis. Habang naglalakad ako ay may nagsalita galing sa likuran ko.
"Mas masakit ano?"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...