10. DANGEROUS & SAFE
Gaya nga ng sabi nya ay iniwan nya ako sa isang sikat na salon. Umalis sya ng may mag-attend ng bakla sa akin.
"Ano pong gusto nila ma'am?" nakahawak sya sa balikat ko at tinitignan ako sa salamin.
"Hmm? Paki-dye na lang siguro ng black then trim lang, ayusin mo na lang itong bangs. Do not make it short. Ok? Mawawala yung waves eh"
Kumuha na ko ng magazine at hinayaan syang magtrabaho. Ewan ko pero since 4th year high school ay dark brown na ang buhok ko, hindi ko alam kung bakit gusto kong kulayan. Ilang oras din akong nakaupo lang, nakaidlip na nga ako. Ng maramdaman kong tapos na ay dinilat ko na ang mata ko, una ko agad nakita sa salamin ay ang isang gulat ng Jerico.
"Done! Oh there you are Mr. Hidalgo! Your fiancé looks superb!" hinarap pa ako ng bakla sa kanya. Pareho kami nitong katabi ko na hinihintay ang hatol ng Hari.
"Great" lumapit sya sa akin. "Here's your new phone. My sim na din at sinave ko na ang number ko" inabot nya sa akin ang isang brand new na 5s. For real?
Tumayo na ako at sinundan sya sa cashier. Bawat sulok dito ay may salamin kaya hindi ko maiwasang hindi tignan ang sarili ko. Naninibago ako. Lumabas na din kami ng salon.
"Thank you dito ah. Parang hindi ako" hawak ko lang ang cellphone na bigay nya.
"Hindi nga kita nakilala" natawa din sya at huminto sa Figaro. "Let's have some coffee" hinila nya ko papasok.
Ayan na naman ang bulungan ng madla! Umupo ako dun sa malapit sa bintana. Tinititigan ko lang itong phone na bigay nya. Hmm? Makapagselfie nga! May front cam naman ito kaya hindi halata. Todo picture lang ako, grabe kamukha ko ang mama ko. Parang naihi ang pusit sa itim ng buhok ko.
"LJ!" biglang may tumiling babae sa loob ng shop. Balik-bayan ba si LJ?
"Hi Xyla" pagkarinig ko sa pamilyar na boses ay napalingon ako.
Lj? Ah! Oo nga naman. Wait? LJ? Parang nabasa ko na ang initials na yun.
"How are you? Long time no see!" habang papalapit ng papalapit ang boses matutina sa table namin ay naaasar ako.
"Have a sit" nilapag ni Jerico ang mga order namin at sumiksik sya tabi ko.
"Tha-thanks?"
Nang mahuli ko ang tingin nya ay agad akong tinakbuhan ng kaluluwa. Bakit ganito?! Parang lalo kong mapapahamak pag kasama ko ang lalaking ito. Sa dami ng Xyla sa mundo ay hindi man lang sumagi sa isip kong baka ate ito ni Wayne! Fvck!
"Ah. Xyla, my fiancé, Colline" nginitian ko sya kahit natatakot ako. Kilala ko ang babaeng ito, mini version sya ng mama nila!
"Hi! Ang ganda mo naman" eh? "I heard nga na dadarating ang lolo mo. Anyways, hindi na ko magtatagal. I'm looking for my brother, he's here daw kasi. Baka magkita sila nung ex nya" tumayo na sya at bineso si Jerico bago umalis. Anyare? Napasandal ako sa sobrang stress.
"The heck! Pakiramdam ko nasundan na nila kong lahat! Mas lalo atang nagulo ang buhay ko. Fvck!" uminom ako ng frappe para mahimasmasan.
"What do you mean?" nakatingin lang sya sa akin.
"You are related sa mga Syjuengco. Not by blood but in many damn ways! This is dangerous! Being near with you is fvcking dangerous!" tumingin ako sa mga halaman sa labas para mahimasmasan.
"I don't know na may kapatid syang lalaki nor anak sya ni Mr.Larry. Im sorry" narinig ko ang sincerity sa tono nya. Who am I to blame him? He offered to help me and I accept it.
"Im sorry" hinawakan ko ang braso nya at napatingin sya dun.
"I-its okay" uminom sya ng kape.
"Hay. This will be difficult. Very difficult" uminom ulit ako.
"I'll help you get through this. We can get through all this crazy mess. I promise"
Pagkarinig ko sa sinabi nya ay gumaan ang loob ko. First time may nagsabi ng ganon sa'kin, ng mamatay ang mga magulang ko, ng mabuntis ako ni Wayne at ng komprontahin ako sa araw mismo ng kasal ko. May mga sumama nga sa akin pero walang nagbigay nang assurance na hindi ako iiwan, even Wayne didn't promise me something like that. Finally I feel safe, but being with him is dangerous. No. I should trust him, sya lang ang meron ako ngayon.
"Thanks"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...