CHAPTER 6

2.6K 83 0
                                    

6. SEKRETARYA

"Naku miss. Kakatapos lang ng hiring namin, baka sa susunod na tatlong buwan pa ulit" yun ang bigong mensahe na binigay ni manong sikyu sa'kin, paalis na sana ako ng may idagdag pa sya.

"Try mo sa H.J. Tower. May hiring daw dun para sa H.J. Brewery Company. Dyan lang yun sa bayan, yung pinakamalaking building" tinuro nya pa ang sasakyan ko at ang bababaan kaya nagpasalamat ako.

"Salamat po Brod"

Hay, hindi katulad sa Manila ay hindi masyadong pinaprioritize ang pagsesend via e-mail dito. Kung baga eh walk-in kung walk-in. Sumakay ako ng jeep at nagbayad ng maramdaman ko kung sinong nag-abot ng pamasahe ko.

"Multo. Sukli mo"

Seryoso?! Napatingin ang lahat sa'kin at na conscious naman ako dahil baka nasobrahan ako sa foundation. Pero bakit? Sa dami ng tao? Sa dami ng lugar? Argh!

"Mag-aapply ka?" nakangising tanong sa'kin ni tsansing na pilit pang dinidikit ang kamay nya sa kamay kong nakasabit. Hindi ko sya pinansin.

"Sekretarya ang applyan mo. Tanggap ka agad" tumawa sya at lalong dinikit ang sarili dahil sa umupong pasahero sa tabi nya.

"Hindi ko pa alam. Depende sa opening" napatalon ako ng sinigaw ng driver ang H.J. Bumaba na agad ako.

"You should apply for it. But I warn you, madami ding maganda sa loob" naglalakad lang sya sa likod ko at daldal ng daldal.

Pagkadating ko sa pintuan ng building ay biglang nataranta ang mga guard pero umayos din ulit. Ganun ba dito pag may maganda? Charot!

"Sir. May hiring daw po kayo ngayon?" tinanong ko ang matabang guard.

"Meron miss. Tignan mo na lang sa loob"

Pagkapasok ko ay si tsansing agad ang nakita ko. May kinakausap syang babae sa isa sa mga temporary table nila. Nagtatrabaho ang tao, nilalandi nito panigurado hinihipuan nya na yan. Binaling ko ang atensyon sa receptionist.

"Miss. Anong mga job opening nyo?" bahagyang tumingin sa'kin ang babaeng binudburan ng make-up ang mukha at nagtaas ng kilay.

"Miss. Ang laki ng tarpaulin sa likod mo, kung hindi ka marunong magbasa ay umuwi ka na"

Tinalikuran nya ko at humarap naman sya ngayon sa lalaking nagtatanong din sa kanya ng kaparehas lang ng tanong ko. Pero ang malandi! Hinarot pa yung nagtatanong. Eto ba yung sinasabi nyang maganda? Nagmasid ako sa mga babaeng nag-aaply din, hindi naman sila mga panget pero hindi ko din madeny na lamang ako ng limang paligo. Binasa ko ang opening nila.

"Janitress, Clerk, Admin Assistant, Marketing Assistant, Secretary?" biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni tsansing, walang masama kung sekretarya ang applyan ko.

"Good Morning. Pwedeng makahingi ng form?" nakangiti kong sabi sa babaeng kausap ni tsansing kanina.

"Sure. Anong pangalan mo?" kumuha sya ng form at ballpen.

"Krishna Colline L. delos Reyes" tinitignan ko sya habang sinusulat ang pangalan ko dahil baka mawrong spelling pa sya.

"Ok. What position are you applying for?"

"Personal Secretary" nakatingin pa din ako sa sulat nya.

"Aha. Kindly follow me" nakangiti sya sa akin at nauna ng maglakad. Sa tantya ko eh mga 40ish na sya, mga matatanda pala ang type nun. Pero di ko maikakailang kutis at posturang mayaman sya, kung ikukumpara sa ibang kaidaran nya ay maganda talaga sya. "Oh wait for a while" bumalik sya sa pwesto nya at may sinabi kay arteng binudburan ng make-up.

Bago pa makabalik si madam ay sinigaw na ni arte ang goodnews para sa'kin pero bad news para sa ibang aplikante.

"Oh. Wala na daw po yung posisyon na secretary. Lahat po nang nag-apply para sa position na yun, balik na lang daw po next time"

Hindi ko na nakita ang reaksyon ng madla dahil kay madam lang natuon ang atensyon ko.

"Let's go to the ceo's office Ms. Delos Reyes"

Tanggap na ba ko? Gusto kong magtanong pero ayokong magmukhang assuming. Tinignan ko si madam na binabasa ang resume ko.

"UP ka since elementary? Bakit ka nag-Ateneo?" nakitingin pa din sya sa resume ko.

Anong isasagot ko? Kasi yung gagong lalaking akala ko mahal ako ay sinundan ko dyan. Ang ending nahuli ako ng isang taon at hindi na ko nakagraduate dahil sa lintek na kasal.

"Hmm? Sinubukan lang po"

"Ganun? Mabuti kasi Ateneo din itong si Sir, dito nga lang sa Cagayan. Ay nagtitake-up din sya ng subject sa Manil. Bagay ka nga secretary nya"

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon