25. ULITIN
"Wala pa tayong picture ulit"
Kinakalkal nya ang cellphone ko at todo bluetooth na naman ng pictures ko.
"Hay naku" ayoko na lang dugtungan ang sinasabi ko.
"Teka. Eh kung magpicture kaya tayo?" pagkaharap ko sa kanya ay nakangiti na sya. "Dali"
Umismid na lang ako at tumabi na sa kanya. Ang isang ito umakbay pa. Nakakatatlo na kami at ayaw pa din nyang tumigil.
"Humarap ka naman sa akin"
"At bakit?" ang dami pang alam ng isang ito.
Bago pa sya umeksena na ginagawa na nya ngayon ay humarap na ko sa kanya at hinalikan nya ako sa noo. Ngiting-ngiti na naman ang isang ito.
"See"
Pinakita pa sa akin! Hay naku talaga ang lalaking ito, pero di ko rin mapigilang di mapangiti sa isang ito.
"Oh. Akin na ang phone ko" nilahad ko ang mga kamay ko.
"Wait. Ipapasa ko pa sa akin eh"
Dumating na ang prof pero di pa din sya tapos. Ano bang pinapasa nito? Buong albums ko? Binulungan ko na sya dahil baka maconfiscate na ang mga phone namin.
"Ang tagal mo naman!"
Pagkasilip ko ay nagpifacebook na sya. Natawa ako at nakinig na lang sa prof. Ayokong makuha pa sya ng iba. Lahat ng kasweetan nya at kakornihan ay akin lang dapat. Walang pwedeng magkagusto sa kanya.
"Saan kaya magandang maglunch? Ang haba ng break mo ah. 4 hours. Hmm? Mall tayo"
Tinitigan ko lang sya at natawa lang sya sa reaksyon ko. Oras ng pasok, mall ang gustong gawin nito.
"Sila Martin ang isama mo. May klase pa ako, pupunta akong library" kinuha ko sa kanya yung mga notebook ko pero nagmatigas lang sya.
"Oh sasama ako"
Naglakad na kami papuntang canteen at pagkapasok na pagkapasok namin ay ang maiingay na usapan ng grupo nila Wayne ang naabutan namin, tumalikod na ako agad.
"Sa mall na lang tayo. Ayoko dito" mabilis akong naglakad.
"Anong meron?" hinahabol nya ako.
"Nandun si Wayne"
Pagkasabi ko nun ay agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa kotse nya. Agad nya itong pinatunog at pumasok ako sa loob.
"That scumbag! Ang kulit. I told him to back-off"
Napatingin ako sa sinabi nya. Ano na naman ang ginawa nito?
"Kailan mo sya kinausap"
Nginisian lang ako! Argh! Nagsnap ako kaya bahagya nya kong tinignan pero binaling din ang atensyon nya sa daan.
"What's that? A magic trick?"
Inirapan ko na lang sya at tumingin sa labas. Kaasar ang lalaking ito. Nahinto kami dahil sa trapik at parang lumabas ang kaluluwa ko sa aking nakita. Shit!? Yung nanay ni Wayne.
"Bakit hindi tinted 'to?" inangat ko ang mga libro ko para matakpan ang mukha ko.
"Ang tagal ng hindi tinted 'to ngayon mo lang pinansin. Tsk, may plano ka ano?" at bigla syang nagkagat ng labi.
"Unggoy! Nasa kabilang kotse ang nanay ni Wayne!"
Yumuko ako at sumilip sya. Medyo nagbago na naman ang timpla nya.
"Tsk. Hindi mo naman kasalanan. Be proud that you have me! Hindi yung iwas ka ng iwas"
Dahil sa sinabi nya ay naibaba ko yung mga libro, pero dahil kilala ko ang lahi nila that would be a wrong move. Inangat ko ulit.
"No. No, you don't know them. Ayokong magulo ka" bigla nya inabot ang mga libro ko at hinagis pababa.
"Nagulo na nila ko"
"Pano?" gulat kong tanong sa kanya.
"Nung naniwala ako at hindi tinuloy ang kasal natin. That was sucks!" hinampas nya ang manibela.
Yun na ang naging problema nya? Well, sino bang makakapagbagsak sa hari? I doubt.
"Kasalanan mo. Pero, pwede pa naman nating ulitin yun"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomansaShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...