26. NECKLACE & RINGS
"What?"
Nakangisi syang humarap sa akin at dahan-dahang umandar. Ang baliw! Mahuhuli kami, pinandilatan ko sya at ginawa naman nyang normal ang takbo nya.
"Makes me want to marry you right now" pinatong nya ang kanang braso sa upuan ko.
"Hah! Di'ba tinapon mo yung singsing?" hindi ako nakatingin sa kanya. Nagulat ako ng bigla na naman akong humagis sa salamin.
"Fvck! Nakakarami ka na! Sa susunod lilipad na talaga ako palabas!" hinampas ko ang braso nya.
"Sabi na nga ba't kilala ko ang pendant na yan eh! Napansin ko kanina sa mga pictures natin!"
Agad kong ipinasok sa loob ng t-shirt ko ang pendant at inirapan sya.
"That rings? Oh my! Give me mine and wear yours!"
Inaabot nya ang kwintas sa akin kaya todo tapik ako sa kamay nya. Mahuhuli na talaga kami nito, ugok talaga!
"Manahimik ka pwede? Mahuhuli tayo nyan!"
Inayos ko ang manggas kong hinila ng baliw na 'to. Pati yung pendant, tinago kong maigi. Tinapon mo na 'to, hindi pwedeng basta-basta mo na lang babawiin. Kaasar. Natahimik din kami ng ilang minuto hanggang sa magsalita na naman sya.
"I can buy another ring" pinatay nya ang makina at lumabas na, pagkabukas nya sa pintuan ko ay agad ko syang bwineltahan.
"Importante sa akin ito, eto ang nagpapaalalang kailangan kong bilihin ang pag-ibig ng isang Hidalgo na tinapon nya noon sa Davao" nilagpasan ko na sya at nauna nang maglakad.
"Hindi naman nawala ang pag-ibig ko sayo. Nor I didn't waste it" hinawakan nya ang kamay ko.
"Hmm. Tinapon mo, naniwala ka kay Xyla. Yun lang ang ibig sabihin nun"
"Grabe ka talaga" pagka-angat ko ng tingin ay nakapout na sya.
"Kasi natuto na ko"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...