CHAPTER 8

2.6K 79 0
                                    

8. BUSINESS ONLY

Papunta na kami ngayon sa meeting nya. Naalala ko pa ang mukha ng mga tao kanina, kung paano nila ko tignan habang naglalakad ako sa likod ng unggoy na 'to. Nagbubulungan din sila pero di ko na lang pinansin, immune na ko sa mga ganyang pag-uugali.

"Get in"

Pagkabukas nya ng pinto ay pumasok naman agad ako at umikot din sya ng maisara na.

"Anyways, nag-aaral pa kasi ako ngayon. Ok lang bang samahan mo ko sa school? Of course, I can't tell lolo na sekretarya kita" nakatingin lang sya sa daan habang panay ang saludo ng mga guard sa kanya. Ah kaya pala nataranta yung mataba kanina.

"Hmm. Ok lang, kaso anong gagawin ko dun?" tinignan ko sya kahit alam kong hindi nya ko titignan.

"Let me think" hindi pa ko nakakasagot ay bigla agad tumunog ang cellphone nya.

"Drake? Nandyan na sila? Good, what? Hahaha! I can't, see I have my fiancé with me. What? Yeah, for real. Fvck! Hahaha! Die!" binaba na nya ang phone nya at tumingin sa'kin pero nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya.

Pagkadating namin sa meeting place ay napansin ko agad na puro bar ang nakapalibot sa lugar na 'to.

"We're here" aakmang tatanggalin nya ang seatbelt ko pero inunahan ko na sya.

"I can" binuksan ko na din ang pinto at lumabas.

"Whoa. Relax! Nagpapaka-gentleman lang ako" ayan na naman ang ngisi nya!

Pumasok kami sa isang ok naman na bar at agad na sinalubong ng isang bakla.

"VIP mr. Hidalgo?" todo ngiti ang bakla at tumango naman sya. Tinuro sa kanya ang daan at sumunod lang ako ng harangin ako ng mga babae.

"Wait. Don't follow him, kami ang special guest nila" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "At hindi ka invited"

Tinignan ko din sya mula paa hanggang ulopong. Ayoko ng away at hindi ako interesado sa gagawin nila sa loob kaya umupo na lang ako sa bar counter at nag-order ng juice. Mayang saglit lang ay biglang dumating ulit ang tsansing at galit na pumunta sa'kin.

"Ang kulit! Sabi ko, kung nasan ako nandun ka, mahirap ba yun?!" nagulat ako ng tupiin nya ang polo nya at ang lalim ng paghinga nya.

"Relax! Hindi daw kasi ako invited kaya dito na lang ako" ginulo nya ang buhok nya at hinila ako.

"Argh! Sinong may sabi?! I owned this place, I fvcking rule! Kaya pwede? Ako ang sundin mo" huminahon na din naman sya.

"Fine. Pag nagpatol kasi ako dito, magkakarambol"

Pumasok na kami sa isang sosyal na room at hanggang ngayon ay hila-hila nya pa rin ako. Gulat na gulat ang mga kaibigan nya ng makitang ako ang ksama nya.

"Wait! For real?!" tumayo agad si long-haired at tumakbo papunta sa akin. "Pinikot ka ba nito?!"

"Hindi. Hahaha!" natawa ako sa oa na reaksyon ng mukha nya. "Purely business"

Nginitian ko sila at nakita ko ang gulat na mukha ni Jerico. Don't tell me type ako nito? Biglang naging seryoso ang mukha nya at hinigpitan nya ang kapit sa'kin.

"Nandyan na ba sila?" nagbago ang timpla ng mukha ng hari nyo.

"Ah. Oo Rics" napansin din siguro niya ang pagbabago ng timpla nito kaya nauna na syang pumasok sa isang pinto.

Basta nya na lang akong hinila papasok dun at bumungad agad sa'kin ang tatlong lalaking nakapusturang pangmayaman. At no doubt, kilala ko kung sino ang isa sa kanila.

"Good Afternoon. Shall we start?" hindi pa din ako binibitawan ng loko. Inupo nya pa ko sa tabi nya.

"Sure Mr.Hidalgo. Mukhang maganda ata yang dala mo para sa'min ah" sumandal ang isang matandang madaming singsing na titig na titig sa'kin.

"I'm sorry Mr. Tiu. She's my wife. Of course, iba ang special dessert for all of you" from fiancé to wife? Tinignan ko ang papa ni Wayne at kitang-kita ko ang gulat sa mukha nya. "Mr. Syjuengco, is my offer ok?"

Napatingin ako kay Jerico at sa tatay ni Wayne. Tinatapik lang nito ang table at nakatingin sa akin.

"Is this how you play? Krishna?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng matanda. Naku Lord, sana maclose ni Jerico yung deal. I don't want to ruin his life.

"What are you talking about? I'm afraid we're talking some topic that are not related to our agenda"

Natikom ang Papa ni Wayne pero tinitignan nya pa din ako na puno ng galit. Sabagay, di ko sya masisi. Habang galit ang buong angkan ni Wayne sa akin ay sya lang ang naging kakampi ko.

"Jerico. I need to pee, may I go out?" kahit wala pang approve nya ay lumabas na ako. Ang lamig ng pawis ko, jusme. Dumiretso ako sa rest room at tsaka lang ako bumuntong hininga. Nagretouch na lang muna ako.

Saktong paglabas ko ay nakasandal na si Jerico sa pader at nakapikit.

"Naclose mo ba?" masyado kong kinakabahan dahil baka ako pa ang magpabagsak sa kanya.

"Of course. It's business, I can't lose. Just like us, we're business only, I can't fall" at nauna na syang lumabas.

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon