11. DON'T TEASE ME
Umuwi na din ako dahil gabi na at hinagilap ko pa sa wallet ko ang numero ni Mari.
"Hello? Mari?" pagkarinig ko pa lang ng malalim na pagsinghap alam kong tama ako.
"Hay naku! Kaninong number ito?"
Oo nga ano? Anong sasabihin ko? Isip, isip, aha!
"Nadukutan kasi ako kanina. Aking number to Mars, bago. Hehehe" hindi ko napigilang tumawa ng pilit.
"Ah sus! Hindi nag-iingat! Maiba tayo, nandyan sa Cagayan si Wayne! Nagkita na kayo?"
Oh my! Pano ko sasabihin ang sa papa at ate ni Wayne? Nawala sa isip ko na yun ang sinabi ni Xyla kanina!
"Hi-hindi pa" nanginginig kong sabi sa kanya.
"Oh? Bakit nauutal pa? Wag mong sabihing mahal mo pa ang lokong yun. Naku, sinasabi ko na sayo!" natawa naman ako sa lola nyo.
"Hindi na! Hahahaha. Tapos na kami" humiga na ako sa kama ko at panandaliang pumikit. Ewan kung saan nanggaling at basta na lang ang mukha ni Jerico ang nakita ko. Ang mayabang na yun pa, sa dami ng makikita ko sa isipan ko.
Hindi ko talaga madeny na gwapo sya. Ang expressive nyang mga mata na lalong pinaganda ng mahahaba nyang pilikmata. Ang matangos nyang ilong, ang perpektong jawline nya at ang mga labi nyang mamulamula, sa tingin pa lang malambot na. Wait. Bakit features nya ang iniisip ko? Napatalon ako sa sigaw ni Mari.
"TAMA BANG TULUGAN AKO!" napatayo talaga ako.
"Sorry, may iniisip lang"
"Wag mong maisip-isip si Wayne!" padabog sya pumasok sa kwarto nya. "Oh matulog ka na. Goodnight! I love you"
"Ok. I love you too" binaba ko na ang phone ko.
Pagkarating ko sa opisina ng sumunod na araw ay ayan na naman si arte.
"Baka tulog pa si Sir. Maghintay ka muna dyan" iniripan nya lang ako! Dahil nga ayaw ko namang makipagtalo ay umupo na lang ako.
Nakatitig lang ako sa buong lugar, nagmamasid lang ako. Busyng busy ang mga tao tapos tulog pa sya? Nagulat ako ng tumunog ang phone ko.
"Jerico?" sinagot ko ang tawag nya. "Ye-yes?"
"Nasan ka na? I have a 9am meeting!" nailayo ko talaga yung cellphone sa tenga ko.
"Sabi sa akin tulog ka pa daw. Kaya umupo muna ko dito sa baba" nilingon ko si arte na sobrang laglag ang panga.
"What!? Why do you keep on listening to other people? For godsake! You are my fiancé! Kung gusto mong umakyat kahit naliligo pa ko o tulog o ano, aakyat ka dito!"
Oh anong pinaglalaban natin?
"Umakyat ka na" kalmado nyang utos sa akin kaya tumayo na ko at dumiretso sa elevator.
Dahil medyo pre-occupied ako hindi ko napansing may kasama pala ako, nakita ko lang na may lumabas na lalaki sa pang-47th floor. By his looks, kilala ko na kung sino ang lalaking ito. Sakto pang humarap sya sa akin kaya naconfirm ko na sya nga yun.
Si Wayne.
Hindi nya ko pinansin, kung pano nya irapan ang ibang babae ganun din nya ko irapan. Hindi nya ko namukhaan o hindi nya na ko mahal? Huh? O baka nakamove-on na sya. Tama. Nakamove-on na sya. Pasara na ang elevator ng biglang may pumigil sa pagsara nito kaya nagulat ako.
"Krishna!"
Pero bago nya pa ko mahawakan ay tinadtad ko na ng pindot yung close button. Napasandal ako sa pader, grabe! Pagkarating naman sa 50th floor ay bumungad agad sa akin ang boss kong hari.
"Umakyat ka pa. Tara na"
Tinignan ko kung ano ang mga umiilaw na button at kitang-kita kong naka-ilaw ang pang-47th. Agad akong sumandal sa pader at hinila palapit sa akin si Jerico. Pagkarinig kong bumukas ang pinto ay nilapit ko ang mukha nya sa'kin, hindi ko sya hinalikan ah! Sinilip ko ang lalaking nakatayo sa labas at bahagya akong pumikit. Nagsara ang pinto pero hindi ko pa din tinatanggal ang kamay ko sa mukha nya, wala din akong naramdamang pumasok sa loob. Fvck! Ang bango ng hininga nya! Nagulat ako ng tinulak nya ang sarili palayo sa akin.
"What the hell was that!" pasinghal nyang bulong. Nakasandal pa rin ako, hindi ko alam pero merong mga gumagalaw sa tiyan ko. Tinapik ko ang tiyan ko ng bahagya.
Bago pa magbukas ang pinto papuntang lobby ay hinila nya ko at marahang bumulong sa tenga ko.
"Don't dare to do that move again! Fvck! Don't tease me!"
At nauna na syang lumabas habang ako eh naiwang nakatunganga sa loob ng elevator.
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...