CHAPTER 19

2.1K 69 0
                                    

19. YOU OWN ME

 Hindi pa din makamove-on si Mari dahil sa sinabi ko sa kanya kaya nagdecide syang magbar kami. Maraming bar dito sa Cagayan at dahil sya naman ang sanay dito ay bahala na sya.

"Isang vodka at mug beer"

 Nakaupo na kami sa bar counter. Tinitignan ko lang ang mga tao habang nagsasayaw, umiinom at naninigarilyo. Sino bang nagpatiuna ng ganitong mga bisyo?

 "I heard bumalik na ulit si Wayne" nakuha ni Mari ang atensyon ko.

 "Bumalik ba syang Manila?" gulat kong tanong sa kanya.

 "Sabi" uminom sya ng order nya. "Yaan na natin sya" inistraight nya ang alak at tumayo, sasayaw siguro.

 "Ikaw muna mag-isa ha" sigaw ko sa kanya at tumango naman sya sa akin. Biglang nagvibrate ang phone ko, tumatawag sya.

 "He-hello?" kinakabahan ako kasi hindi ko made-deny na malalaman nya kung nasaan ako.

 "You didn't tell me. Nasa labas ako" what? Ganun kabilis?!

 "Ooh. I'm coming" tumayo agad ako at lumabas ng bar, inamoy ko pa ang sarili dahil baka dumikit sa akin ang halo-halong amoy.

 Pagkalabas ko ay nakita ko ang puti nyang kotse at nakasandal sya sa pintuan.

 "That move is so unfair. Ako itong binibili sa lahat ng tao ang pag-ibig mo tapos makikita ka nilang mag-isang nagbabar. Tsk" hinila nya ko papasok ng kotse nya.

 "What do you mean?" nakatitig lang ako sa kanya at nataranta pa ako ng paandarin nya ang kotse nya. "Wa-wait! Si Mari!"

 "I texted her"

 Hindi ko naman sya naawat at dinala nya lang ako sa isang open space na lugar.

 "Anong gagawin natin dito?" tinignan ko lang sya ulit.

 "We'll relax. Naasar ako sa ginawa mo" bigla syang bumusina kaya nagulat ako.

 "What's that for?!"

 Sinandal nya lang ang ulo nya sa manibela.

 "I forgot that I don't own you"

 Napangiti ako sa sinabi nya. Ang lalaking ito, lagi akong iniisip nya.

 "Hahaha. Do I need to remind you?" mahina akong tumawa at pagtingin ko sa kanya ay nakakunot ang noo nya.

 "No need" sumandal syang nakapikit. "Minsan, I want to get even with you. Ewan ko sa sarili ko, pero nung nakita ko yung drama nyo sa waterpark ay gusto agad kitang matulungan. Yung kwento mo, kung bakit ganun kita nakita nun. I hate myself, kahit nilait-lait kita at pinaniwala ang sarili kong ayoko sayo eh eto pa rin ako. Nagkakandarapa na halos ibigay ko na ang yaman ko, makuha lang kita"

 Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi ko alam, naspeechless ako. Ang dami namang ibang babae dyan, sa may sabit pa kumapit. Abnoy talaga.

 "Never felt like this before. Akala ko manhid ako dahil ang daming magagandang lumalapit sa akin pero hindi man lang ako nagkagusto sa kanila"

 Hindi pa din sya dumidilat sinandal na nya ang ulo sa mga braso nya. Nangiti pa rin ako at lumapit ng unti sa kanya, sinandal ko ang ulo ko sa braso nya na syang nagpagalaw sa kanya.

 "Thanks" pumikit na din ako.

 "For what?" rinig ko ang kaba sa salita nya. Inayos nya din ang upo nya at naramdaman kong pinatong nya sa tagiliran ko ang kamay nya. Tsansing talaga.

 "For helping me, loving me, lahat ng ginagawa mo" hindi ko na napigilan ang kamay ko at niyakap sya, natawa naman ang buang.

"I hope this is real, we are real" hinigpitan nya ang kapit sa akin.

"Hahaha. You own me Mr. Lord Jerico Hidalgo, the whole me. Nabili mo na, ng buong buo. My feelings are real" nagulat ako ng itulak nya ko at kita ko ang pagkashock sa mukha nya.

"What?!"

"What ka din. Hindi ka naniniwala?" nagtaas ako ng kilay at ngumisi na naman.

"Teka. Are you bluffing?" inirapan ko sya at sumandal sa bintana.

"Are you mad? Im sorry! Nagulat lang ako, I just can't believe na nagkagusto ka sa akin" hindi na ko nakatingin pero nailalarawan ko na sa mukha ko ang ngisi nya.

Ilang minuto din bago ako dumilat at napatalon ako ng makitang ilang inch na lang ang layo ng mukha ko sa kanya.

"Ano?" inarte kong tanong.

"Ang ganda mo talaga Multo" sinapok ko sya sa dibdib kaya bumalik sya sa dating pwesto.

"Ewan ko sayo. Iuwi mo na ko"

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon