Ngayon na ang special day ni Apollo. 17 na siya. Sabado ngayon at walang pasok kaya hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Hindi ko din alam kung anong ireregalo ko sa kaniya. Pumunta ako sa kusina and then naabutan ko si Mama na nakabihis na.
"Ma, pupunta kana ba sa resto?" curious kong tanong.
"Yes baby, bakit?" nakangiting tanong niya.
"Pwede po bang ipag bake mo muna ako ng chocolate cake? Please Po!" pakindat kindat kong tugon. Napangiti lang si Mama saka tumango.
"Yehey!" masayang sambit ko.
After an hour, nabake na din ni Mama ang request cake ko. Nagpaalam na si Mama na aalis na kaya niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Nang makaalis na si Mama, agad kong nilagay sa kahon yung cake at nilagyan ng ribbon. Next time magpapaturo na talaga ako kay Mama sa pagbi bake, para mas espesyal.
Kinuha ko yung phone ko at nag-open ng Facebook. Online si Del kaya chinat ko siya.
Heroine
[Anong plano? Bday ni Apollo ngayon.]
Wendelle
[Wait, chat ko si Apollo.]
Heroine
[Uy! Chat mo agad ako pag may update ha?]
Wendelle
[Diba may park daw diyan malapit sa inyo? Punta ka nalang daw doon. Ililibre nalang daw niya tayo ng ice cream. Ichachat ko na si Kira at Jaino para barkada goals tayo]Heroine
[Sige, magbibihis na ako. Wait ko nalang kayo doon ha? Bye!]
After ng chat na yun, naglog-out na ako. Nagbihis na ako at naglakad nalang papunta sa park, medyo malapit lang naman saamin eh. Tumambay muna ako sa isang kubo habang wala pa sila. Ilang saglit pa, narinig ko na ang mga boses nila kaya tinawag ko sila Del, Jaino, at Kira sa kubo.
"Nasaan na daw si Apollo?" nakangiting tanong ko.
"Papunta na daw. Malapit lang din daw bahay nila dito." kalmadong sambit ni Del.
"May gift kana ba, Lenient?" curious na tanong ni Kira. Naku? Oo nga pala! Hindi ako nakabili ng pang regalo.
"Wala akong regalo eh. Pero may dala akong cake, yan nalang gift ko hehe." pinilit kong tumawa kahit na yung totoo nahihiya ako. Ang ulyanin ko kasi. Dapat pala bumili muna ako ng regalo kahit simple lang.
Ilang saglit pa ay nandito na si Apollo. Agad kaming kumanta ng birthday song. After naming kumanta, nagthank you si Apollo saamin. Binigay na ng tatlo yung gift nila kay Apollo.
Relo ang regalo ni Del, Sombrero naman ang gift ni Jaino, at isang key chain naman ang regalo ni Kira.
"Alam namin hindi ka materialistic na tao kaya yan nalang niregalo namin. Alam naman namin na mahilig ka sa mga yan." paliwanag ni Del.
"Thank you." nakangiting tugon ni Apollo tapos napatingin siya saakin. Napalunok naman ako.
"Sa totoo lang, nakalimutan kong bumili ng regalo pero ito oh.l, nagpabake ako kay Mama ng cake para sa'yo." nahihiya kong sambit habang inaabot ko yung cake.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...