Opening ng restobar namin ngayon at may nirent sila Mama para kumanta sa gabing ito.
"Ako ang isa sa ipinadala para kumanta sa gabing ito. Ang awit na ito ay alay ko sa mga taong humihingi pa ng pagkakataon upang makasama ang kanilang mga minamahal sa buhay kahit sa isang araw lang. Nawa'y maibigan po ninyo ang awiting ito." pamilyar ang boses na iyon kaya napatingin ako sa mini stage. Nagsimula na siyang umawit.
Kung maibabalik ko lang ang dati
Hindi na kita bibitiwan pang muli
At ipadarama ko sa iyo na mahal kita araw araw
Araw araw
If someone asked me kung anong mas gusto ko, kung past ba o future? Well, I would prefer the future because I know that Kyel will always be my future and I'm happy with him.
Ngayon ikaw ay nasa piling niya
At ngayon ako ay nagsisisi na
Ngunit walang magawa
Kundi ang humiling nalang na sana
Inakbayan ako ni Kyel habang pinapanood namin si Apollo.
"Mahal na mahal ka talaga niya. Pero sorry nalang sa kaniya dahil ako na ang mahal mo ngayon." he whispered. Kinindatan ko nalang siya saka muling pinanood si Apollo.
O Dios ko, isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan Mo na ako
Ibigay Mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako
Ang galing talaga niyang kumanta. Damang dama ang emosyon.
Pinagmamasdan nalang ang mga larawan ng ating nakaraan
Hindi maiwasan na masaktan na wala ka na
Wala ka na
Napapapikit pa siya habang kumakanta. Iminulat niya ang mga mata niya saka napatingin sa dako namin ni Kyel.
Ngayon ikaw ay nasa piling niya
At ngayon ako ay nagsisisi na
Ngunit walang magawa
Kundi ang humiling nalang na sana
Hindi naman ako manhid kaya alam kong nasasaktan siya na makita kami ni Kyel.
O Dios ko, isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan Mo na ako
Ibigay Mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli at marinig muli
Muli siyang tumingin sa mga manonood saka mapait na napangiti.
O Dios ko, isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan Mo na ako
Ibigay Mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli at marinig muli
Nang maramdaman muli at marinig muli
Na mahal niya rin ako
Napapalakpak ang mga manonood maging kami ni Kyel ay napapalakpak rin. After niyang kumanta ay isang singer naman ang sumunod na kumanta.
"Papayag na akong maging bestman sa kasal ninyo sa isang kondisyon." pambungad niyang sabi.
"Anong kondisyon naman yun?" seryosong tanong ni Kyel.
"Pwede ko bang makasama si Heroine kahit isang araw lang?" He asked.
Napatingin ako kay Kyel.
"Would you allow me to come with him in just one day?" tanong ko rin kay Kyel. Napabuntong hininga si Kyel.
"I'm trusting you, so I will. I hope sa isang araw na yun makapag-usap kayo ng maayos." pilit siyang ngumiti.
I hugged Kyel tightly.
"Thank you, Love." I whispered.
Pagsapit ng umaga ay sinundo ako ni Apollo sa bahay. Alam na niya kung saan ang bagong tahanan namin dahil ibinigay ko sa kaniya ang address namin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero tahimik lang ako habang nasa biyahe kami.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Novela JuvenilKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...
