Palabas na ako sa gate ng Nueve University. Tapos na akong makapag entrance exam. Sana makapasa ako para dito na talaga ako mag-aral. Mukha naman kasing masaya dito. Medyo mas okay na din kasi dito sa probinsiya, may serenity and fresh air. Alam ko madami ang opportunities sa Manila kapag graduated ka doon pero naniniwala pa rin ako na we can still have opportunities kung gagawa tayo ng paraan. Sa totoo lang, pinapangarap kong maka-graduate na Cum Laude. And I'll do everything to reach it.
Pumunta na ako dito sa coffee shop na paga-applyan ko. I saw a poster in front na naghahanap sila ng cashier. Yehey! Sakto. Nilapitan ko si Manong guard at sinabing maga-apply ako. Pumunta naman kami sa loob ng coffee shop dahil mayroon daw maliit na office doon yung amo niya.
"Sige Ma'am, katok nalang po kayo sa pinto. Alis na po ako." pagpapaalam ni Manong Guard. Ngumiti naman ako sa kaniya saka nagpasalamat. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto.
"Pasok!" mahina ang boses ngunit sapat nang marinig ko ang tinig na iyon.
Binuksan ko yung pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang makisig na lalaki na nakaupo sa swivel chair. Ilang gabi din niyang ginulo ang isip ko noon. Sa ganitong sitwasyon ko pa pala siya muling masisilayan. Hindi ko alam pero parang anghel ang itsura niya ngayon.
"Miss, are you okay?" bumalik nalang ako sa reyalidad nang mapagtantong kanina pa pala ako tulala.
"H-huh?" I stuttered.
"I said, you may take a seat." He said and point out the chair in front of him. Napatango tango nalang ako saka ngumiti. Inabot ko sa kaniya yung resume ko at mga papers ko.
"You're a friend of Jaino, right?" napapatango pa siya kaya ngumiti nalang ako. Bakit ba puro nalang ako ngiti? Bigla akong napipi dahil sa kapogihan ng lalaking to.
"Okay, tanggap ka na." Napanganga ako sa tinuran niya.
"Seryoso po, S-sir?" hindi makapaniwalang saad ko.
"Okay na ang papers mo. And, I can feel that you have the skills to be in this coffee shop." He said emotionlessly.
"O my God! So totoo nga? Yes! May trabaho na ako." masayang masaya kong sambit, "Naaalala ni'yo pa pala ako Sir. By the way, thank you po ulit for saving me that time and.... sorry kasi mukhang nasira ata yung phone ninyo noon."
Sobra yung tuwa ko ngayon. Grabe, ang bait naman ni Sir Kyel. Kaso napawi yung tuwa ko nang makitang hindi manlang siya ngumingiti. Ang seryoso naman ng isang ito. Nakakainis!
"You need a help so I just helped you that time. By the way, you and my sister will stay in the counter. Siya lang kasi ang katulong ko sa negosyo namin kaya naghahanap talaga ako ng makakasama. Well, maliit lang naman ang business na 'to but we still need staff that will be loyal to us." seryosong sabi niya.
"Sir, bakit po wala kayong waiter at waitress?" nagtatakang tanong ko.
"Don't worry about the waiter and waitress because I can be the waiter while the waitress can be you and my sister Chelle." He explained.
"Ah ganon po pala yun Sir Kyel!" napapatangong tugon ko. Napatawa naman siya.
"I'm not Kyel. It's Kyle." natatawang sabi niya.
"Oh, sorry Sir Kyel este Kyle!" All this time, I thought Kyel ang name niya pero Kyle pala. Hays!
"No, remain calling me as Kyel. It sounds cute." napangiti pa siya. Ang moody din ng isang ito ah! Kanina ang seryoso niya tapos ngayon, ngiting ngiti naman.
"Sir, kailan po pala ako magi-start na magtrabaho?" I asked.
"Now. You can start now." he said seriously. Aba! Ang moody talaga.

BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...