Nakabalik na sila Mama at Dad dito sa bahay kaya bukas na bukas ay babalik na kami ni Ate Elli sa probinsiya. Kailangan ko na din kasing magtrabaho. Nakakahiya na kila Sir Kyel, naka-isang linggong leave na ako. Wala namang masyadong ganap nitong mga nakaraang araw. Maliban na lamang sa namasyal kami ni Ate Elli sa Mall at namili ng mga damit namin at pasalubong na rin sa mga pinsan namin. Ang boring kasi sa bahay, puro lang kami movie marathon tapos kain. Feeling ko nga tumataba na ako. Masaya ako na makakabalik na kami sa probinsiya bukas. Pero, medyo nalulungkot din ako kasi magkakahiwalay na ulit kami ng Parents ko. Di bale, para din naman sa growth ko ang lahat ng ito. Pumunta kami ni Ate Elli sa resto at kumain.
"The best talaga si Tita. Ang sasarap ng mga putahe nila dito." natutuwang saad ni Ate Elli. Masaya naman ako at nag-eenjoy siyang kumain dito. Hindi ko alam kung anong nangyari noong pumunta si Sir Vexon sa bahay, kasi pagkapunta ko nun sa kwarto ay nakita kong nakahiga si Ate Elli sa kama habang umiiyak. Gustong gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil alam kong hindi pa ready na magkwento si Ate Elli, kaya nung time na yun ay niyakap ko nalang siya para maibsan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya.
After naming kumain, umuwi na din kami. Nag-ayos kami ni Ate Elli sa kwarto saka inayos na din namin ang mga gamit namin.
"Ate, ayoko mang tanungin ka pero kasi ayoko namang kimkimin mo lahat ng sakit na dinadala mo. Pinsan mo ako, para mo na akong kapatid, kaya sana pahintulutan mo akong tulungan kang ibsan ang sakit na nararamdaman ng puso mo." seryosong saad ko nang maupo kami sa kama.
Napahinga siya ng malalim.
"Si Mr.V kasi, ipapakasal na sa ibang babae. Dumating yung kababata niyang foreigner para daw gawin na nila yung kasalang pinagkasunduan dati. Aware naman ako doon eh, pero sabi kasi ni Mr.V na masaya na yung buhay ng babae sa ibang bansa kaya baka nakahanap na siya ng boyfriend niya." pag-uumpisa ni Ate Elli, "Kaso kahapon daw, bigla nalang dumating yung babae at saka yung parents niya para daw magplano na para sa kasalan na magaganap. Siyempre, kumare't kumpare ng Parents ni Mr.V ang mga yun kaya kahit alam nilang nililigawan na ako ni Mr.V ay pumayag pa rin sila." napatulo na naman ang luha niya, "Hindi ko alam ang gagawin ko Bunso. Niyaya akong magpakasal ni Mr.V. Gusto niyang ikasal na kami ng palihim kumbaga private wedding para daw kapag nalaman nilang may asawa na si Mr.V ay hindi na matuloy pa yung kasal sa kanila nung foreigner. Bawal kasi sa kanila na buwagin yung napagkasunduan, unless kasal na yung isang tao. Kaso, tinanggihan ko yung alok niya kasi hindi pa kami pero kasal na agad ang nais niya. So, siguro nagplaplano na sila ngayon. Maybe, baka nga kailangan ko na siyang i-let go?" pinunasan niya ang mga luha niya saka tinignan ako.
"Pero mahal mo siya diba." well, it's not question, it's a declarative sentence. She smiled at me.
"Sobra!" napabuntong hininga siya. "Gusto ko siyang ipaglaban kaso... masyado pa akong bata para magpakasal."
"Pero, hindi naman porque ikakasal ka na eh hindi mo na matutupad ang mga pangarap mo." ngumiti ako sa kaniya saka ko hinawakan ang kamay niya, "Pag-isipan mong mabuti Ate Elli, ikaw lang ang makakapagsalba kay Sir Vexon. Ayoko naman na magsisi ka sa huli. Ayokong makita na maging malungkot ka dahil pag-aari na ng ibang babae ang taong mahal mo."
"Hindi ko alam, Yent. Pero alam mo, nakita ko kung paano nasaktan si Mr.V nung nireject ko yung proposal niya. As in lumuhod pa siya at may hawak na singsing pero hinindian ko siya. Sobra ko siyang nasaktan kaya hindi ko na alam ang gagawin ko." niyakap ko si Ate Elli.
"Alam kong alam mo ang dapat na gawin Ate Elli. You're just scared. Pero Ate, sana maalala mo lahat ng sacrifices ni Sir Vexon para lang makuha ang loob mo. Think carefully and please follow your heart." I whispered.
Kinaumagahan, nag-ayos na agad kami ni Ate Elli. Kumain muna kami ng breakfast saka nagpaalam na kila Dad at Mama na aalis na kami. As usual, niyakap na naman ako ng sobrang higpit ng mga Parents ko.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...
