"Heroine's POV"
Naglalakad na ako papunta sa room. Nakita ko si Apollo sa may pinto kasama yung babaeng kasama niya noon sa resto at may hawak na susi. Mukhang siya ang naghatid kay Apollo dito.
"I'll borrow your car,okay? Anong oras kita susunduin?" nakangiting tanong ng babae.
"Mga 5." poker face na sagot ni Apollo. Bumalik na naman siya sa pagiging poker face niya.
Buti nalang at dalawa ang pintuan. Lalagpasan ko na sana sila at dadaan na sa isang pintuan pero bigla niya akong tinawag.
"Heroine!" cold niyang pagtawag sa pangalan ko. Napahinto ako at humarap sa kanila.
"I just want to say that I'll try to do what you want." poker face niyang sambit. It's his first time na makipag-usap sa akin ng ganito. Kapag ako kausap o kaharap niya, hindi siya nakapoker face. Maybe I've been hurt him a lot kaya ganito na siya ngayon.
"Hi. I'm Kathaline Dame Javier but just call me Kathaline because Zeal already calling me Dame." nakangiting pagpapakilala nung babae. So, sa second name din pala siya tinatawag ni Apollo. Pero buti naman at Zeal ang tawag niya kay Apollo. Ewan ko ba, pero kusa nalang akong napangiti. May lamang parin ako.
"I'm Lenient Heroine Young. Just call me Lenient because the guy beside you also calling me in my second name which is Heroine." sagot ko habang ang lapad ng ngiti ko tapos nakipagshake hands din ako sa kaniya. Napatingin ako kay Apollo at hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Mukhang nahihirapan siyang iwasan ako, at kitang kita ko mula sa kaniyang nga mata na mas nasasaktan siya sa sitwasyon namin ngayon. Kaya siguro siya nagkakaganito dahil maaaring nasabi na sa kaniya ng Tita niya na mas pinili ko ang pamilya ko kaysa sa kaniya, kaysa sa pagkakaibigan namin.
"Sana mapanindigan mo ang disisyon mo. I'm happy for your decision." tinitigan ko talaga siya ng matagal saka tipid na ngumiti. "Sige, usap na kayo. Pasok na ako sa loob. Excuse me." kalmadong sambit ko saka dumaan sa gitna nila. Tumabi na naman ako kay Kira at Del. Buti nalang at bakante talaga ang upuan na ito.
"Masakit ba na makitang may kasamang iba ang taong mahal mo?" pang-aasar na tanong ni Kira. Kung hindi lang cute ang pagkakangiti niya baka kinurot ko na naman siya sa baywang niya. "Hindi nakakatawa", komento ko. "Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh." reklamo niya. Nilagay ko nalang yung earphone sa tainga ko para hindi na niya ako guluhin. Buti nalang at busy na nagsusulat si Del sa isang papel kaya walang kakampi 'tong si Kira sa panggugulo sa akin.
Nagulat ako nang may inabot sa akin si Del na yellow paper. Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko saka ako tumingin sa kaniya.
"Para sakin? Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.
"Basta basahin mo nalang. Aalis muna ako. May meeting kasi kami sa story conference room." pagpapaalam niya. Oo nga pala, journalist siya. Gagawa sila ng diyaryo kasi malapit na ang graduation at kailangan nilang gumawa ng iba't-ibang article para sa mga naging past events. Umalis na si Del. Napatingin ako sa likod, nakaupo na pala si Apollo at nakasandal lang ang ulo niya sa armchair, napatingin ako kay Kira at nagfifacebook lang siya.
"Anong meron?" tanong ko.
"Ayan, pa-earphone earphone kasi. May meeting ang mga teachers kaya mukhang isang oras tayong walang klase." paliwanag ni Kira.
"Ahh..."patango tangong tugon ko. Napatingin siya sa hawak kong papel.
"Yan yung kanina pa sinusulat ni Del. Tula daw yan. Sa'yo pala niya ibibigay." napangiti si Kira saka muling nagsalita, "Basahin natin!"
Ako'y masaya sapagkat dumating Ang araw na ito
Ang araw na kung saan Malaya na akong sabihin sa'yo kung anong nararamdaman ko
Lenient Heroine Fernando Young
Gustong gusto kita.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...