Chapter One: Friends

236 7 0
                                    

Lenient Heroine Fernando Young

"Nagdadalaga kana. Bukas 16 years old kana. 4th year highschool ka na rin at konting kembot nalang magka-college kana. How I wish maging forever baby ka nalang para kami lang ang siyang maging only love mo." pagkahaba habang sabi ni Mama. Nagda-drama na naman.

"But we can't hinder you to enjoy being a teenager. We want you to grow as a better person and not a bitter person." dugtong ni Dad sa sinabi ni Mama. I smiled at them.

"If I'll have a choice, I want to be a kid eternally because being a kid is a joyful part of life." masayang sambit ko. "But don't worry, I won't make things that will disappoint you po." I said para mapanatag sila. Ngumiti silang pareho at niyakap ako. Nagpatuloy nalang kami sa panonood. We decided to have a movie marathon na bonding. Narnia yung pinanood namin. I really wanted to cry nung malapit nang mag-end pero pinigilan ko kasi malaki na ako. I need to be strong and not iyakin.

By the way, I'm Lenient Heroine Fernando Young. My first name which is Lenient came from Mama. Sabi kasi niya, she's a generous woman kaya pinangalanan niya akong Lenient kasi dapat daw may personality ako nang pagiging mahabagin tulad ng meaning ng first name ko. Si Dad naman ang nagdecide na Heroine ang maging second name ko dahil para daw sa kaniya I'm a hero. I'm their only child. At saka he wanted me to be brave just like my name Heroine. Kaya ayun parang ang meaning ng pangalan kong Lenient Heroine ay maawain pero matapang. Na may mabuting puso pero hindi padadaig kapag may taong manghamak sa akin.

My family wasn't perfect pero masaya. Minsan nag-aaway si Mama at Dad pero agad din namang nagbabati. Half Pinay at Half American pala ako. Pure Filipina kasi si Mama tapos si Papa naman pure American. May business si Mama na restaurant sa Q.C at sobrang passion niya ang pagluluto. She's a great chef. Sayang nga't hindi ko namana. I really hate cooking but I love eating.

Si Dad naman may resort business. His family was known as one of the most richest family in the world. The Young family is really hardworking, yet they can't love their son more than their wealth. Paano ko nasabi? Well, Mama and Dad met in an event. Nagwork si Mama noon sa ibang bansa as a cook sa isang Hotel. Naging tagapagluto si Mama noon sa isang event at dahil sobrang sarap niyang magluto ay pinatawag siya nung Daddy ni Dad at pinuri. Si Dad ay sobrang nagandahan kay Mama nung time na iyon. Parang tumigil yung oras nang magsalubong ang kanilang mga mata. There is a spark. But that event was an engagement party. Fixed Marriage ni Dad yun sa isang pure American din na business woman. Nakipag-usap si Dad kay Mama at kinuha ang number nito, siyempre akala ni Mama about work lang iyon kaya ibinigay niya. Laging nagtetext si Dad sa kaniya, to the point na nahulog na rin si Mama dahil sa mga simpleng sweet texts na natatanggap niya mula kay Dad. After a week, nagkita sila at doon na nagkaaminan. Alam ni Mama na mali kasi may fiance na si Dad pero nagpatuloy ang communication nila hanggang sa sumapit ang kasalan. Paulit ulit tinawagan ni Mama si Dad pero hindi ito sumasagot. Natuloy ang kasal pero after nun pinuntahan agad ni Dad si Mama at sobra yung iyak ni Mama nang malaman niya na kasal na si Dad. Hindi niya matanggap. Alam kasi niya na hindi naman mahal ni Dad yung babae kaya ayaw niya itong matali sa isang babaeng hindi naman talaga niya gusto. Nagdesisyon si Mama at Dad na umuwi sa Pinas. Itinakwil si Dad ng pamilya niya at yung asawa niya hindi na naghabol pa. Siguro iisipin ninyo na ang sama ni Mama para maging selfish, para piliin yung happiness kaysa sa kung ano ang tama. Oo kabit si Mama pero siya ang pinili dahil siya ang mahal at hanggang papeles lang ang kasalang naganap sa kanila nung businesswoman. Yung Parents ni Dad ay hindi na nag-abala pang hanapin siya. Mas pinili nila yung businesswoman kaysa kay Dad. Siyempre may mapapala sila sa manugang nila dahil mas mayaman sa kanila ang angkan nila.

Tumayo si Dad sa sarili niyang mga paa. Nagtrabaho sa isang company, napromote at nagresign dahil nagpatayo na ito ng sarili niyang business which is our resort in Bulacan.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon