Chapter Twenty: Unexpected Feelings

50 6 0
                                        

Nagbakasyon si Mama at Dad sa Baguio. Well, may honeymoon ang mga magulang ko. Ang tatanda na nila pero may nalalaman pa silang gano'n. Charot lang! Magbabakasyon lang sila sa Baguio kasi kailangan din nilang magbonding together.

Nagsiuwian na ang mga kamag-anak namin sa probinsiya pero si Ate Elli naiwan dito sa Manila para may kasama ako dito sa bahay. Isang linggo ding mawawala sila Mama at Dad eh, kaya kailangan kong magbantay dito sa bahay.

Alas dose na ng tanghali. Kakatapos lang naming magtanghalian. Nandito kami ngayon ni Ate Elli sa salas at nanonood ng showtime. Nagring yung cellphone ko. Si Nachelle tumatawag. Bakit kaya tumawag 'to?

"Hello Bes. Si Kuya. Hindi siya umuwi kagabi dito kila Kuya Jaino. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot mga tawag namin. Ikaw ang naisip kong tawagan baka kasi alam mo kung nasaan siya." ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Nachelle.

Nung isang araw naganap yung kasal nila Mama at Dad. So, kahapon? Ah! Oo nga! Kahapon niya sinundo si Hannah.

"Baka kasama niya si Hannah. Diba sinundo niya si Hannah kahapon." kalmado kong sambit.

"Yun na nga eh, yung Bruhang babae na yun. Nakakainis siya! Nabalitaan ko na kasal na pala yang Hannah na yan sa Boss niya. At umuwi daw sila dito para magbakasyon. Ang kapal ng mukha niyang paasahin ang kuya ko." halos mabingi ako sa boses ni Nachelle. She's very angry.

"I will do everything to help." yun nalang ang tanging nasabi ko para pagaanin ang loob niya.

"Thank you bes!" saad niya at naputol na ang linya.

Saan ko ngayon hahanapin si Sir Kyel? Napabuntong hininga nalang ako.

"Ate Elli, ikaw na munang bahala dito sa bahay. May pupuntahan lang ako." pagpapaalam ko.

"Sino yung tumawag? May problema ba?" curious niyang tanong.

"Mamaya na ako magkikwento Ate. I need to go." aniya ko saka umalis na kaso wala pala akong dalang pera. Bumalik ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para kunin yung bag ko.

"Bye Ateee!" sigaw ko nang makadaan ako sa salas.

Nakapara agad ako ng taxi. Hindi ko alam kung saan ko mahahagilap si Sir Kyel pero buong loob ko talaga siyang gustong hanapin. Pumunta ako sa isang bar. Alam ko tanghali palang pero magtatanong tanong nalang muna ako kung dumaan si Kyel dito. Napaonline tuloy ako ng facebook ko ng wala sa oras. Friends na kami sa facebook simula noong unang araw ko pa lang sa coffee shop. Nag friend request siya sa akin nun para daw ma-chat niya ako in case of emergency, pero may number naman na ako sa kaniya. Binuksan ko yung profile picture niya at sinave sa cellphone ko. Nag-aayos itong Bar para sa event nila mamayang gabi pero inistorbo ko muna yung isang lalaki para magtanong. Pinakita ko yung picture ni Kyel sa kaniya.

"Kuya, napadaan po ba dito itong lalaking 'to?" I asked with curiousity.

"Opo Ma'am. Sobrang lasing po niyan kagabi kaya dito na nakatulog. Kakaalis nga lang po niya kanina." saad nung lalaki.

"Salamat po." tugon ko saka umalis na. Tinignan ko yung pangalan ng Bar, "K Bar" ang name ng bar. Siguro kaya dito nagpunta si Kyel kagabi para maging okay ang pakiramdam niya kasi siyempre "K Bar" to eh. Okay, loading... Hehe!

Hay naku! Tanghaling tapat na. Saan ko naman hahanapin yun ngayon. Ilang ulit ko siyang tinawagan pero hindi siya sumasagot. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawag sa kaniya hanggang sa may nagtext sa akin.

From: Sir K
Okay lang ako Chelle. Huwag kang mag-alala sa akin. Yang puso mo, ingatan mo. Nandito lang ako sa isang Coffee Shop para magkape at magising na sa katotohanang may asawa na siya.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon