Chapter Twenty Two: Savior

57 6 0
                                        

Sometimes, we need to distance ourselves from pain. We need to protect our heart from all the people who want to ruin our lives. Kaya eto, nagsisimula ulit ako. Sobrang thankful ako at kahit papaano mayroon si Mia na nakakausap ko sa School at mayroon naman si Sir Kyel na nakakasama ko sa coffee shop. Sa December 20 pala ang game nila Sir Kyel laban sa ibang school. Bago ang christmas vacation ay nagkakaroon ng liga ang bawat school. Inimbitahan niya kaming manood kaya ngayon palang ay gumagawa na ng banner si Nachelle para sa Kuya niya.

Birthday pala ni Del kahapon. Nagvideo chat sila ni Nachelle kaya nakausap ko din siya kahit papaano.

Akalain mo yun 'no? Halos magdadalawang buwan na rin pala akong walang balita kay Apollo. Yes, two months na ang nakakalipas simula nung nasaktan ako nang dahil sa kanila. December na. Ramdam na ramdam ko na ang lamig, maging ng malamig niyang pakikitungo sa akin. Charot!

Kakatapos lang ng trabaho namin ni Kyel. Saktong kararating lang ni Nachelle at nila. Nag-absent yung mga pinsan ko kaya mag-isa lang tuloy niya.

"Kuya, ihatid mo na muna ako sa bahay. Masama kasi ang pakiramdam ko." mahinhing saad ni Nachelle. Halata ang pamumutla niya.

"Ako na ang magsasarado dito. Sige na, ihatid mo na si Nachelle." nakangiting sambit ko.

"Sige, babalik ako." aniya saka inaya na si Nachelle sa labas. Narinig ko nalang ang pag-andar ng sasakyan. After kong mag-ayos, kinuha ko na ang mga gamit ko saka nagsarado. Maaga kasing umalis si Pat dahil may emergency daw sa kanila. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng kaba. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"J-Jake?" nauutal kong saad.

"Nakakatawa naman yang itsura mo. Mukha kang takot na takot." tumawa siya ng malakas.

"Himala. Wala ka atang buntot ngayon." napasilip silip pa siya sa paligid.

"Hinatid ni Kyel si Nachelle sa bahay nila." saad ko saka nagsimula na ulit na maglakad. Bigla ulit niya akong hinila at niyakap.

"Let me tell you a secret, I like you to be mine now." nang-aakit niyang bulong. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Kinikilabutan ako. Natatakot ako. Kumawala ako sa yakap saka tinulak siya. Sabi ko na nga, manyakis itong kumag na 'to. Bwisit! Nagkataon pang mag-isa ko lang. Wala akong kalaban laban sa kaniya.

"Hindi ka na makakawala sa akin Miss Beautiful Lady." nakangising sambit niya. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumakbo nalang ako. Kasabay ng pagtakbo ko ang pagpatak ng mga luha ko. Takot na takot ako. At dahil hindi ko nakita ang malaking bato sa harap ko ay nadapa ako. Mabilis niya akong nalapitan.

"Akin ka na ngayon." muli siyang tumawa.

"Please, don't do this." pakiusap ko, "Kyel will gonna punch you. I swear."

"Wala akong pakealam sa kaniya at hindi ko siya uurungan. He's not my friend anymore." aniya habang nanlilisik ang mga mata niya. Naka drugs ba siya? I thought they're friends pero bakit galit na galit iyo

Pinilit kong tumayo kaya kaharap ko na siya ngayon. Nakatitig lang siya sa akin. Unti unti niyang idinikit ang mukha niya sa akin. Hahalikan na sana niya ako kaso sinampal ko siya.

"Huwag ka ng pumalag." aniya saka niya hinawakan ang mga braso ko nang sobrang higpit. Nanginginig ako. Bakit ba kasi wala ng tao ngayon? Muli, unti unti na naman niyang inilapit ang mukha niya. Ito na ba ang katapusan ko? Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang malakas na tunog. Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko na si Jake na nakadapa sa lupa. Muli akong napaiyak nang makita ko si Kyel. Nagulat ako nang gumalaw si Jake at biglang kumuha ng malaking kahoy. Tumayo siya at ipinalo niya iyon kay Kyel.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon