Nakakapanibago. Dati, ang aga aga kong gumigising para lang mag-ayos dahil nga may pasok. Ngayon, maaga akong nagising pero nakahiga pa rin ako. Bigla kong naalala yung sinend kong message kay Apollo kagabi. Dali dali akong bumangon at kinuha ko yung laptop ko.
Nanlumo ako nang makita kong hindi pa niya nasiseen ang chat ko. Naiintindihan ko naman siya pero bigla lang akong nalungkot. Hindi ko na kasi ulit siya makakasama at makakausap ng personal. Pero masaya ako na bago manlang siya umalis ay nagkaayos kami.
Bukas ay ihahatid ako ni Dad sa probinsiya dahil doon ako magbabakasyon at doon na rin ako mag-aaral. Gusto ko sana dito nalang sa Manila mag-aral ng college pero malulungkot lang kasi ako dito dahil wala na akong makakasama sa BFU (Bernardo-Ford University). Ang BFU ang school namin nitong High School. Kaso, sa ibang University na kasi mag-aaral ng college yung tatlo at magboboarding sila. E, ayaw akong payagan ni Dad at Mama na magboarding kaya sinabi nilang sa probinsiya nalang daw ako mag-aral para naman daw makabonding ko yung mga pinsan ko doon. Nilalakad lang kasi yung eskwelahan ng college doon kaya mas okay na yun.
Gusto kong makapagpaalam ng maayos sa kanila Del, Kira at Jaino kaya chinat ko silang tatlo na pumunta dito sa bahay. Nag-ayos na ako saka kumain ng almusal. Wala na sila Mama at Dad, nasa kani kaniyang work na. Naisip kong magluto pero nag-aalala naman ako sa health nila. Baka malason sila kaya aayain ko nalang sila mamaya na pumunta sa resto para doon kumain ng lunch.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nandito na sila. Nakaupo kami ngayon sa sofa namin at nagkikwentuhan.
"Kumusta ka?" sabay sabay nilang tanong. "Okay lang naman ako. Mukha ba akong hindi okay?" natatawang tanong ko.
"Eh kasi bigla mo kaming tinawag dito kaya medyo naalarma kami." napakamot pa sa ulo si Del..
"Mga baliw kayo. Ayos lang ako. Kaya ko kayo pinapunta dito ay para makapagpaalam." Napansin kong lumungkot ang mga mukha nila.
"Aalis ka na rin?" nakapout na tanong ni Kira.
"Magbabakasyon ako sa probinsiya namin sa Nueva Ecija at doon na rin ako mag-aaral. Mas okay na yun para masanay na akong maging independent." paliwanag ko, "Pero huwag kayong mag-alala kasi welcome kayo doon. Kung gusto ninyo akong bisitahin doon, pwede ninyong kausapin si Dad para ihatid kayo papunta doon."
"Ano ba yan.. bakit ba nagsisialisan nalang lahat?" komento ni Del.
"Pero support ka namin. We're just here. Basta! if you need someone to talk to, nandito lang kami." pagpapalakas ni Kira ng loob ko. Kumuha ako ng cookies at nagtimpla ng juice tapos nagdisisyon kaming magmovie marathon. Pinanood namin yung movie ng JoshLia.
After naming manood ay niyaya ko na sila na pumunta sa resto. Sumakay si Del sa kotse ni Jaino at sa kotse namam ako ni Kira sumakay tapos imbis na matakot ako sa pagkakarera nila ay napapatawa nalang ako. Ibang klase talaga ang bonding ng magjowang ito.
Si Mama ang nagserve ng foods namin. Sobrang tuwa nilang tatlo kasi sobrang sarap daw magluto ni Mama. Inasar nga nila ako kasi hindi ko daw namana ang talent ng Mama ko.
Kaloka sila, diba? Mga Bashers!
Pagkatapos naming kumain, nagdecide ako na mag-online. Nagreply na si Apollo at online siya ngayon.
Apollo:
Sorry for the late reply. Kakarating lang namin dito sa States. Btw, I already missed you😉Miss na niya 'ko, agad? Enebe! Kenekeleg ako. Hehehe.. para namang hindi ko siya miss. Ano ba yan! Nagiging childish ako pag kinikilig.
Heroine:
Kasama ko ang Squad.
VC us, please!?Bago pa siya magrepply..kinontact ko na agad siya.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...