Third Person's POV
Bukas na ang alis ni Apollo papuntang America. Babalik na siya doon because he's no reason to stay anymore. Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan niya ang instagram niya. Nakareceive siya ng mensahe mula kay Heroine. Simula nang kinasal si Heroine at Kyle ay gumawa si Heroine ng Instagram account niya para daw magkaroon pa rin sila ng connection ni Apollo. Yun daw kasi ang pinaka-narealize niya. Na para daw mag-work ang pagkakaibigan nila ay kailangan nila ng komunikasyon.
Heroine
Let's meet in the park tomorrow before you go in the airport. Let's meet at 7:00 am.Napangiti si Apollo sa nabasa niya. Mahal pa rin ni Apollo si Heroine pero tanggap na niyang hanggang kaibigan nalang sila.
Pagsapit ng umaga, muling nakatanggap ng mensahe si Apollo mula kay Heroine.
Heroine
Nandito na ako.Nakaayos na din naman si Apollo kaya inilagay na niya sa sasakyan niya ang mga gamit niya dahil didiretso na siya sa airport mamaya. 10:00 am kasi ang oras ng flight niya.
Pagkarating niya sa park, nakita niya si Heroine na may hawak na maliit na notebook at busy sa pagbabasa. Tumabi ito sa kaniya.
"The Poems of my heart?" binasa ni Apollo yung nakasulat sa pabalat ng notebook. Nakacover kasi siya ng cartolina. Napatingin si Heroine kay Apollo at mukhang nagulat.
"Nandito ka na pala." aniya saka tiniklop yung notebook at inabot kay Apollo."Para saan ito?" nagtatakang tanong ng binata.
"Basta basahin mo nalang. Kaya ako nakipagkita ay para sabihan ka na mag-iingat ka at sana mahanap mo na yung ikaliligaya ng puso mo. And I want to say thank you also for giving us discount in our new home. Thank you talaga, Architect Kierre." nakangiting sambit niya saka niyakap ito.
"Salamat! And about the house, its my pleasure to help." saad ng binata saka tumayo na.
"I will always support you and I will wait till you comeback to your passion." seryosong sambit ni Heroine. Sumaludo si Apollo sa kaniya saka ngumiti, "I will comeback and I hope to see you soon on my second concert here." saad ni Apollo saka kinawayan na siya bilang senyales na aalis na siya.
"Goodbye for now, Heroine" saad ni Apollo saka napasimangot.
"Goodbye, Apollo" malungkot na sambit ni Heroine.
Humakbang na palayo ang binata sa kaniya. Gustong gustong yakapin ni Apollo si Heroine at pilitin na siya nalang ang mahalin nito pero hindi niya ginawa, ayaw niyang maging hadlang sa kasiyahan ni Heroine kaya lalayo nalang muna ito.
"I just want her to be happy." bulong ng binata sa sarili.
Pagkatapos makipagkita ni Heroine kay Apollo ay dumiretso na siya sa work. Sa pagsusulat ng balita siya na-assign dahil madalas siyang mahilo nitong mga nakaraang araw kaya doon nalang muna siya inassign. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nang ikasal sila ni Kyle. Masaya naman ang naging pagsasama nila. Kaso this week, napapansin ni Heroine na lagi niyang nasusungitan si Kyle. Buti nalang at magaling manuyo ang asawa niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mag-asawa na sila ni Kyle.
Pagkatapos ng trabaho niya ay lumabas na ito sa studio at hinintay sa labas si Kyle. Nagtataka siya sapagkat ngayon lang siya maghihintay. Dati rati nandiyan na agad ang kaniyang asawa. Biglang nagring ang phone niya at si Kyle ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Novela JuvenilKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...