Chapter Sixteen: New Start

49 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa lakas ng tahol ng mga aso. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 7:00 am palang naman. Napabangon ako saka napasilip sa bintana. Omg! May kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila Ate Elli. It means, nandito na si Sir Vexon.

Nagmumog muna ako and then sinuklay ko ang buhok ko. I also put a powder to my feslak and then gomora na ako sa labas. Halos mapanganga ako nang makita ko ang isang lalaking naka blue polo shirt, naka-slacks at naka blackshoes. Napaka maginoo talagang tignan ni Sir. Kaharap ni Sir si Tita Carla, Tito Leo at Ate Elli.

Nagmano si Sir Vexon kay Tita at Tito. May hawak si Sir na dalawang bouquet ng sunflower. Ibinigay niya iyon kay Tita Carla at Ate Elli. Napangiti naman si Tita Carla at nagpasalamat.

"Tara na muna sa loob." alok ni Tita Carla. Napahinto naman silang lahat nang makita ako.

"Parang pamilyar ka?" napansin kong tila nag-isip si Sir Vexon.

"She's Lenient, my cousin. Student mo dati." pagpapakilala ni Ate Elli sa akin.

"Oh, really? Nice to meet you again, my former student." ngumiti siya sa akin. Ngumiti din ako.

"Nice to meet you again, Sir!" masayang pagbati ko.

Inakbayan naman ako ni Tita Carla tapos pumunta na kami sa sala at umupo sa sofa.

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy. Nandito po ako para pormal na manligaw kay Camille." magalang na sambit ni Sir. Ampogi pa rin ni Sir. Nakakaloka! Hindi pa rin kumukupas ang malakas niyang karisma.

"Graduated na ang anak namin kaya may karapatan na siyang magdisisyon kung anong mas makakabuti para sa kaniya. Basta nandito lang kami laging nakasuporta. Alam ko na masaya ngayon ang anak ko at marahil dahil iyon sa'yo." seryosong sabi ni Tito Leo. Mabait talaga ang Pudrakels ni Ate Elli kaya sobrang swerte ni Sir Vexon para magkaroon ng future biyenan na napaka genuine.

"Alam namin na medyo malayo ang edad ninyo at hindi ang katulad mo ang type ng anak namin pero sa ngayon kasi nakikita kong masaya ang anak ko sa'yo kaya papayag akong manligaw ka sa kaniya." seryosong sabi ni Tita Carla.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Ano namang kinalaman ko sa usapan? Napataas ako ng kilay kay Ate Elli. Kinindatan naman niya ako kaya nakuha ko na yung ibig niyang iparating.

"Ate Elli's Ideal man wasn't you..." bigla namang napasimangot si Sir Vexon at nakita ko ding inirapan ako ni Ate Elli pero si Tita at Tito nakaabang lang sa gusto kong sabihin, "But I'm happy that Ate Elli's type changed when he met you. At first I know that she's very annoyed with you. Sorry for being frankly hehe. But don't get me wrong 'cause when she saw how hardworking you are to get her, she realized that you deserved to be loved and here we go... I think it's the start of your lovestory now. I know that I'm not the parents of Ate Elli but she's very special to me, she's like a sister to me, so please Sir...take good care of her and take note don't hurt her!" napasaludo pa ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

Napatawa naman silang lahat sa ginawa ko.

"Don't worry Lenient, I will not hurt her. I will do everything for her." seryosong sambit ni Sir.

Nagpaalam muna si Tita Carla na pupunta sa kusina para maghain ng breakfast. Sinamahan naman siya ni Tito Leo. Tatlo nalang tuloy kaming naiwan dito.

"You know what Mr. V? Lenient really admire you a lot." nanlaki ang mga mata ko dala ng matinding gulat. Kaloka si Ate Elli. Masyadong out of the blue magsalita. Aatakihin pa ata ako sa puso. Charot!

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir. Napatingin si Sir sa akin at hinihintay ang sagot mula sa akin.

"Dati po Sir hehe. Crush po Kita!" pag-amin ko. Napatango tango naman si Sir.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon