Ang saya saya ko ngayon kasi okay na
ulit ang lahat. Okay na kami ni Dad, okay na si Mama at Dad, okay na ang family namin. Tama nga talaga si Apollo, we should fix our family together just to be happy.
Lahat ng sayang naramdaman ko, napalitan ng lungkot dahil halos lahat ng estudyante na narito sa quadrangle grabe kung makatingin saakin. Ang sama ng mga tingin nila. Ano bang nagawa ko? Napansin ko din na nagbubulong bulungan sila. Mukhang pinagchichismisan na naman ako. Hindi ko rin alam kung ano ba ang mga pinag-uusapan nila pero alam ko na tungkol iyon saakin dahil naririnig ko ang pangalan ko.
Mukhang may kumakalat na namang issue tungkol saakin. Pero...Ganoon ba talaga ang mga katulad nila? Basta nalang nagpapaniwala sa kung ano ang narinig nila without any confirmation kung totoo ba iyon o hindi. Sa totoo lang sobrang nakakadown pero kahit ganoon hindi dapat ako gumanti, hindi dapat ako pumantay sa level nila dahil magmumukha lang akong katulad nila na masyadong papansin.
Pagkarating ko sa room, umupo na ako sa upuan ko. Wala pa si Apollo. Kinuha ko yung earphone ko sa bag at nagsoundtrip muna habang nagbabasa ng story sa wattpad. Habang nagbabasa ako, nagulat ako nang biglang may tumabi saakin. Pagtingin ko si Del pala, yung president namin. Ang seryoso ng aura niya kaya tinanggal ko muna yung earphone sa tainga ko saka ko siya tinanong kung ano ba ang problema.
"Totoo ba na kabit lang ang Mama mo? Na kinasal ang Dad mo sa iba before sila magsama ng Mom mo?" seryosong tanong nito kasama ng kuryusidad sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero kinakabahan ako.
Saan nanggagaling ang tanong niyang iyon? Siguro iyon ang kumakalat na tsismis tungkol saakin. Pero hindi naman ito tsismis kasi totoo ito. Alam ko hindi dapat ako makaramdam ng galit kasi totoo naman na kabit lang kami, pero bakit kailangan pang ipagkalat? Sino kaya ang nagkalat nun? Hindi ko naman kinuwento ang tungkol sa bagay na iyon kahit kanino maliban lang kay Apollo. Hindi kaya si Apollo ang nagkalat ng tsismis na iyon? Sana hindi, pero baka siya nga. Ayokong pag-isipan siya ng masama, pero sino pa ba ang dapat kong sisihin tungkol dito, eh siya lang naman ang nakakaalam nito. Pinagkatiwalaan ko siya pero bakit ganito? Parang tinutusok ang puso ko sa mga nangyayari. Ngayon alam ko na kung bakit ang sama ng tingin saakin ng mga estudyante kanina, dahil pala iyon sa pagiging kabit namin.
"W-Wendel, bakit ganiyan ang tanong mo?" nagtataka kong tanong habang pinakikiramdaman ko ang tibok ng puso ko.
"Gusto ko lang maconfirm kung totoo ba yung mga narinig ko sa labas kanina." seryoso paring sagot niya. Hindi ako nagsalita. Del is our president and he really care for all of his classmates kaya alam kong hindi niya ako huhusgahan. I know that he'll still understand me.
"I get it. So, it's true." He commented while he's staring at my eyes. Hindi ko na napigilan, napaiyak na ako. He just hugged me and tapped my shoulder.
"Alam ko may dahilan kung bakit mo nilihim ang bagay na iyon. Pero ngayong alam na nila, sana maging matapang ka na harapin sila. Hindi sa paraang aawayin mo sila, kundi sa paraan na mabuti. Patunayan mo na kahit kabit lang kayo, hindi naman ibig sabihin nun na masama na kayo. Prove to them that even if you're Mom was just a mistress, she's still a good woman and there opinions were wrong." he advised while he's murmuring.
"Kanino kaya nila nalaman? Kay Apollo ko lang naman nasabi ang tungkol dito pero ngayon kalat na. Siya kaya ang nagkalat?" umiiyak kong tanong.
"I don't know. But he really care for you kaya naniniwala ako na hindi niya magagawa iyon sayo." kalmadong sabi niya. Kumalma na ako saka kumawala sa pagkakayakap niya. Hindi ko man sobrang close si Del pero alam ko na kaibigan siya ni Apollo kaya nandito siya ngayon para saakin at damayan ako. Sobrang friendly ni Apollo kaya halos lahat ng classmates namin friend na niya. Pero kahit ganoon, ako parin ang laging sinasamahan niya. I know that he can't do anything that can harm me, pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? I am mad! I know I mustn't judge him but he's just the only person I talked about it.
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...
