Chapter Two: Getting Closer

120 6 0
                                    

Sometimes, in just a blink everything can change. Katulad namin ni Apollo. I thought we can't be friends pero magkakasundo din pala kami. Ako lang pala ang problema kasi masyado akong mataray. But, I'm happy that we're now friends.

The saddest changes so far is that hindi na kami masyadong nagkakasama ni Tine. After ko siyang mailibre ng one week noon hindi na kami muli pang nagkasama. Marami na din kasi siyang kaibigan. At balita ko rin na nanliligaw na si Joseph sa kaniya. We're bestfriend pero pakiramdam ko masyado na siyang malihim saakin.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung first day of School. Hindi ako masyadong lumalabas sa room kasi tamad akong maglakad lakad. Buti na nga lang at mayroon si Apollo na nakakausap ko. Halos lahat kaibigan na niya habang ako siya lang ang masasabi kong close ko. Hindi kasi ako masyadong palasalita at saka hindi ko rin feels kapag maingay sila. Hindi naman sa ayokong makisama, sadyang masyado lang talaga silang magulo at maingay at ayaw kong maging isa sa kanila. I just want to be silent to remain the inner peace in my heart. The more you talk kasi, the more you can hurt someone by your words. Naniniwala kasi ako na sa bawat salita, may masasabi't masasabi tayong mali kahit hindi naman natin gusto.

Kahit ganon ang sitwasyon namin ni Tine, lagi ko parin siyang kinakawayan tuwing nagkakasalubong kami. Lagi ko rin siyang tinatawagan para kamustahin at sa bawat pag-uusap na iyon, hindi niya nababanggit ang tungkol kay Joseph. Ayaw ko naman na itanong kasi ayaw ko namang makialam sa mga desisyon niya. Hindi naman ako magagalit kung may balak na siyang magjowa eh. Maiintindihan ko naman kung ano yung rason niya. Iniisip ko nga na baka naghahanap lang siya ng pagmamahal. Alam ko nandiyan naman si Tita May para sa kaniya pero siguro ibang pagmamahal ang hinahanap niya. Wala na kasi siyang Papa, namatay dahil sa brain tumor noong kakatapos lang ng graduation namin ng Elementary. Kahit masakit natanggap na rin niya na wala na ang Papa niya kasi kahit papaano may naiwan naman silang memories at yun ay ang picture nila together noong graduation ng Elementary.

Whatever happen, I'm just here for her because she's still my bestfriend. Next month na ang birthday ni Apollo, October 8. Hindi ko nga alam kung anong ireregalo ko. Ni hindi ko nga alam kung anong hilig, at mga wants niya sa buhay. Hindi ko naman kasi tipo ang magtanong. I really hate questioning about weirdest things. Eh kasi baka mag-isip siya ng something kapag nagtanong ako. Honestly, overthinker ako masyado kaya kung ano ano talaga ang naiisip ko kaya I always ended up being so quiet dahil sa mga tumatakbong mga bagay bagay sa isip ko.

Intamurals week namin ngayon kaya todo nood lang ang iba sa mga different sports. Hindi ako sporty kaya wala akong balak sumali sa mga laro. Bike lang ang alam kong sport. Team Blue lahat ng section 2 kaya nakablue kaming 3rd Year (Section2) ngayon. Kasama ko si Apollo sa panonood sa mga nagpapractice para sa Mr. & Ms. Intramurals 2016. Sa Friday pa ang pageant eh. Si Tine kasali. Active siya sa mga extracurricular eh. Ako kasi sa academics lang ako active. Consistent honor student kasi siya since elementary habang ako nasa average level lang. Gusto ko lang kasing maging normal ang buhay ko. No expectations, no pressure, I just want to enjoy my highschool life.

Kilala na ni Apollo si Tine. Lagi ko kasing nakukuwento sa kaniya na siya lang ang bestfriend ko sa tanang buhay ko pero thankful ako na nagkaroon na ako ng bagong bestfriend at siya yun. Sobrang tuwa niya nun kasi bestfriend na daw ang turing ko sa kaniya. Matalino si Apollo, lagi din siyang active sa klase pero extracurricular lang ang problema sa kaniya kasi hindi siya mahilig sumali sa mga activities ng School. I think we're similar in that field, yung academics lang ang focus. Naboring na si Apollo sa panonood kaya nagdesisyon kaming magpunta nalang sa library para magbasa. Hapon na rin naman pero may isang oras pa kasi bago mag-uwian. Bukas parin naman ang library kahit may okasyon kaya doon nalang kami nagpunta para magpalipas ng oras bago umuwi. Walang bantay dito ngayon kaya kumuha kami ng tig-isang libro. Romance Book ang kinuha ko habang Historical Book ang kinuha niya. Isinarado namin ang pinto kasi baka may makakita saamin dito. Medyo madilim ang library kasi nakasarado lahat ng bintana, de-aircon kasi tong room na to. In-open ni Apollo yung ilaw kasi alam niya na takot ako sa dilim. Nakwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa nangyari nung birthday ko, yung gabi nun na namatay yung ilaw nung matapos akong maghugas. Grabe buti nalang at nilakasan ko ang loob ko at pinigilang sumigaw at umiyak. Natural na kasi saakin yun na kapag madilim napapaiyak ako. Umupo kami sa may sahig sa gilid at isinandal namin ang ulo namin sa pader.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon