Grabe monday na pala ngayon, ang bilis ng araw. Medyo okay naman ang work ko sa coffee shop noong mga nakaraang araw. Sobrang ipinagpapasalamat ko talaga na hindi na nagpakita pa si Mr.Kumag.
Right now, Im on a leave. Ngayon kasi ang biyahe namin patungong Manila. Maghahanda pa kasi kami for the wedding of my Parents this Friday. We need to give the invitation to all of the visitors. Isa kasi ako sa organizer ng wedding nila. Well, I'm the super gorgeous daughter of my beautiful Mother. Si Tita Arlene ang made of honor, ang bestfriend ni Mama. Bale, abay kami nila Ate Elli, Tita Carla, mga iba ko pang Tita, saka kinuha ko din si Kira at Nachelle. Tapos abay din ang iba ko pang mga pinsan na sina Rossy, Felly, at Mia, sila yung ka-age ko sa mga pinsan ko. Sa mga lalaki naman, Si Tito Leo ang best Man tapos mga abay sina Sir Vexon, Jaino, Del, mga iba ko pang Tito at yung pinsan kong sina Kuya Jem at Kuya Mj.
Sa Wednesday pa ang biyahe nila Nachelle at Sir Kyel sa Manila kaya sa miyerkules ko pa makakasama si Nachelle. Sa kanila Jaino sila makikisleep over ni Sir Kyel.
Kasalukuyan na akong nasa loob ng Van, nagrent kasi ang family namin ng isang Van at isang bus para sa aming relatives dito sa Nueva Ecija. Dito sa Van, sila Tito Leo, Tita Carla, Sir Vexon, Lolo Cj, at Lola Ruth ang kasama ko. Si Sir Vexon ang driver namin tapos nasa tabi niya si Ate Elli. Nandito naman kami sa may gitnang upuan nila Tita Carla at Lola Ruth. Tapos si Tito Leo at Lolo Cj ang nasa likod. Bale, humiga sila para daw makatulog sa biyahe. Nagcellphone lang ako habang nasa biyahe. I opened my data. Halos mapasigaw ako nang makita ko ang chathead, it's a message from Apollo.
Apollo
[Kamusta?]Heroine
[Ayos lang. Ikaw?]Apollo
[Okay Lang din. Medyo busy lang kasi may opportunity na dumating]Heroine
[Ano naman yun?]Apollo
[Kinuha ako ng manager ni Dame as her Loveteam]Heroine
[Ah..magdu-duet kayo sa mga events, ganon?]Apollo
[Oo. Pag-iisipan ko pa lang sana kaso sayang opportunity. Kasi sabi mo dati i-pursue ko tong talent na to kaya tinanggap ko na.]Heroine
[Waaah😍 I'm so happy for you. Basta ha? Pag sikat ka na. Huwag mokong kakalimutan]Apollo
[Oo naman. Ikaw ang magiging inspirasyon ko😊 By the way, nag-enroll na ako sa Harvard University. Architecture ang kinuha kong course]Heroine
[Kayang kaya mo yun. Never give up ha? Galingan mo sa pagkanta. Payting lang sa buhay💪 Makakatapos din tayo ng pag-aaral]Sa simpleng chat lang namin na to, kilig to the bones na agad ako hehe!
Apollo
[Opo. Gagalingan ko para sa'yo 😉]Heroine
[What's that emoji for? May pakindat kindat ka pa.]Apollo
[Namiss lang Kita!]Heroine
[Well, I miss you too.]Apollo
[Out na muna ako. Yung manager namin ni Dame nandito. Magpapapresscon kasi sila mamaya para sa pagpapakilala sa akin sa publiko.]Heroine
[Sige.Good luck❤️]Apollo
[❤️]
BINABASA MO ANG
Fallen Apart
Teen FictionKung ang pagpapalaya sa kaniya ang siyang magbibigay ng katahimikan sa buhay niya pwes gagawin ko kahit masakit, kahit mahirap, kahit na sobrang mahal ko parin siya. Titigil na ako sa pangungulit sa kaniya dahil alam kong mali na. Okay na siya, masa...