Chapter Seven: Complicated

81 6 0
                                        

Pagkarating ko sa room, nakita ko na agad si Apollo. Nakaupo na siya sa upuan niya at nakasandal ang ulo niya sa may armchair niya. Nakita kong bakante yung upuan sa tabi ni Wendelle kaya doon nalang ako naupo, nasa harapan tuloy ako. Pero okay na ito at least maiiwasan ko siya.

"Bakit dito ka umupo?" bulong saakin ni Del.

"Dito nalang muna ako." pabulong ko ding sagot.

"May LQ kayo ni Apollo, 'no?" curious niyang tanong.

"Wala. Iniiwasan ko lang siya." pag-amin ko.

"Bakit mo siya inii—" Hindi na niya naituloy yung gusto niyang sabihin dahil inawat siya ni Kira. Buti nalang talaga katabi ko din si Kira at nakikinig pala saamin. Nasa gitna kasi nila ako.

"Uy Wendel, Ang chismosa mo talaga. Tigilan mo na nga si Lenient." medyo napalakas yung boses ni Kira kaya napatingin ako sa likod. Kanina pa pala nakatingin sa amin si Apollo at kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. Siguro alam na niya na iniiwasan ko siya.

Napatingin ako kay Kira at kinurot ko siya sa baywang niya. Napahalakhak naman siya.

"Sorry!" bulong niya tapos napa-peace sign pa. Napahinga nalang ako ng malalim. Dumating na ang aming teacher kaya agad kaming tumayo at bumati ng good morning.

Hindi ko alam pero lutang ako ngayon. Nalulungkot din naman ako na hindi ko kasama si Apollo, pero ito kasi ang dapat kong gawin.

Sa pag-uwi, tumambay muna ako sa waiting shed para hintayin si Dad. Nagulat ako nang may tumabi saakin, si Apollo. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatiling nakatikom ang bibig ko.

"I don't know why but it breaks my heart when you're away from me. Yes, we're together right now but it feels like your existence was too far from me." ramdam ko ang lungkot sa kaniyang pananalita.

"It's okay if you'll not talk to me, but I'm just here for you." napabuntong hininga siya saka muling nagsalita. "Huwag mong isipin na kaya kita kinaibigan para gumanti o kung ano man. Sana maniwala ka na totoo lahat ng pinakita ko sa'yo. It's not my control. It's not my plan to hurt you", pumiyok siya but he still determined to finish his words, "But please, let me prove to you that I'm different from Tita, that I'm not like her because I'm Apollo..your best friend." Hindi ko siya tinitignan dahil alam ko na umiiyak na siya ngayon. I can hear his screams. I hate myself but I want to hate myself more kaya nang huminto yung sasakyan ni Dad ay mabilis akong tumayo.

"I'm sorry!" yun lang ang tangi kong nasabi tapos iniwan ko na siya at sumakay na ako sa kotse ni Dad.

"You're with Apollo, sabay na siya sa atin." kalmadong sabi ni Dad. Umiling nalang ako saka ngumiti kahit kunwari lang. "May importante pa siyang lakad Dad. Let's just go home." nakangiting tugon ko. Nagdrive na ulit si Dad. Sumilip ako sa bintana and then nakita ko na nakayuko lang siya. I don't know but I felt something in my heart, I'm in pain seeing him suffering because of me.

Hindi ko pa nasasabi kila Dad at Mama na may connection si Apollo sa legal wife ni Dad. Hindi ko rin nasabi na nandito na yung babae sa Pilipinas.

Pagkarating ko sa kwarto, napahinga nalang ako ng malalim. Inalis ko muna ang sapatos ko tapos inilapag ko muna yung bag ko sa mesa saka ako humiga sa kama ko. Niyakap ko ang unan saka doon na napahagulgol.

I need to be strong for my family. Bakit ganoon? Hindi pa nasusulusyunan yung problema sa nabuntis ni Dad tapos ngayon may bago na naman kaming problema. Natatakot ako para kay Mama, alam ko masyado nang masakit ang mga nangyayari kaya ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Hanggat kaya kong sarilinin ang problema, hindi muna ako magkikwento sa kaniya.



Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon