Chapter Nine: Bravery

74 5 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero sa tuwing magkakasama kaming lima, lagi lang walang kibo si Apollo. Kahit na nagtatawanan na kami, poker face parin siya. Sabi nila nakakatakot daw ang mga taong tahimik, pero kailanman hindi ako matatakot sa kaniya. I knew him. He'll not do anything that can harm me. I know that I'm still important to him and honestly he's still important to me.

Nang uwian na, nauna nang umuwi sina Kira at Jaino. Si Del naman nasa story conference room, may meeting sila. Kaya dalawa nalang kami ni Apollo. Ihahatid muna sana ako ni Del saamin pero sinabi kong kaya ko ng umuwi. Simula kasi nung Monday wala si Dad, nasa States siya kasama yung Tita ni Apollo para ayusin yung divorce papers nila.

Naglalakad ako sa may hallway nang binunggo ako ni Tine.

"Oh, I'm sorry Len." mahinhing paumanhin niya. Nakita ko ang namumugto niyang mga mata.

"Umiyak ka?" nag-aalalang tanong ko. Kahit naman alam kong plastic siya, nag-aalala parin ako sa kaniya.

"Bre-break na kami ni Joseph." ramdam ko ang lungkot sa kaniyang tinig. Hindi ko alam pero kusa ko nalang siyang niyakap. Siguro nga tanga ako pero iniisip ko na baka pwede pa ulit kaming maging magkaibigan.

"Heroine!" cold na sabi ng isang pamilyar na boses. Napakalas ako sa pagkakayakap kay Tine.

"Can we talk?" walang emosyong tanong ni Apollo kaya napatingin ako kay Tine. Napatango tango lang siya.

"Uuwi nalang ako. Usap na muna kayo. Bye!" tipid na ngumiti si Tine.

"Are you sure?" paniniguro ko. Tumango tango Lang siya at umalis na.

Humarap ako kay Apollo na seryoso din ang aura.

"Why?" I tried to be rude in my voice.

"Congrats." Bati niya saakin.

"For what?" seryosong tanong ko.

"For being so brave." napangiti siya. "You're brave in a fact that nagagawa mo akong tiisin. Nagagawa mong makipagfriends kay Tine kahit na pinaplastic ka Lang niya. Nagagawa mo ring pakitunguhan si Wendelle kahit na may gusto siya sa'yo. You're so talented, Heroine. Ano pa bang kaya mong gawin ha?" napatawa siya. "Ah..oo nga pala kaya mo ring mandurog ng puso ng hindi mo nalalaman. Kaya mong itapon ako ng ganon ganon Lang na parang basura. Kaya mong magpanggap na wala kanh pakialam saakin kahit na alam kong nagseselos ka na kasama ko si Dame. Kaya mong masaktan para lang maisalba ang pamilya ninyo. Well, honestly I'm not mad. Humahanga pa nga ako sa'yo eh. Kasi may paninindigan ka. You're willing to sacrifice just to get the genuine happiness of your family." napahawak siya sa pisngi niya. Nagpupunas na pala siya ng luha niya. "Alam mo, Ang galing ng suot kong maskara kasi hindi mo nakikita yung totoong nararamdaman ko. Pero sana pakiramdaman ng puso mo na hirap na hirap na ako. I want to hug you..." napaiyak na siya kaya napaluha na din ako. He's still the same. The straightforward Man I love the most. "I want to hug you tightly pero bakit parang I don't have the rights to do it? Ang lapit lapit mo lang naman..pero bakit parang ang layo mo?" pinunasan na niya ang mga luha biya tsaka siya napatitig saakin.

"I'm so—" inawat niya ako sa gusto kong sabihin.

"Don't be guilty. Huwag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan eh." huminga siya ng malalim. "It's hard to forget you pero kung yun talaga ang gusto mo, okay fine... I'll give you what you want. Alam kong hindi ko kayang kalimutan ka but I'll try to do it for you." ngumiti siya saakin tsaka siya naglakad palayo. Gusto ko siyang habulin pero parang napako ata ang paa ko sa kinatatayuan ko. Napapunas nalang ako sa mga mata ko tsaka naglakad na.

Nang mapadaan ako sa park ng school, nakita kong nandoon si Tine kasama ng mga kaibigan niyang kasama niya sa pakikipag chismisan. Huminto ako para pakinggan ang mga pinag-uusapan nila. I know I'll get hurt pero baka kailangan ko na talagang magising ng tuluyan.

Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon