Goodbye and Sorry!

555 12 13
                                    

Kinabukasan....

Maaga ako nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Bumangon na ko at ginawa ang ritwals tuwing umaga. Pababa palang ako ng hagdan nakita ko na agad ang mga maleta nila. Oo nga pala muntikan ko na makalimutan ngayon na pala ang alis nila.

"Anak tara na bumaba ka na dito. Sabay sabay na tayong kumain at aalis na kami ng mommy mo."

"Mom,Dad! Aalis na talaga kayo? Stay muna kayo ng isang linggo :( parang d ko kakayanin eh"

"Kailangan anak! Dalian mo! Kumain na tayo."

Gaya nga ng sinabi ni Dad masaya kaming sabay sabay kumain.Mamimiss ko to :(( Naluluha na ako parang anytime tutulo na luha ko.

"Pano ba yan anak! Aalis na kami ng Mom mo tara na hatid mo na kami sa labas"

"Dad! Mom!" wala na tuluyan ng tumulo yung luha ko.

Niyakap nila ako at dun hindi ko na mapigilan umiyak. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko.

"Mom,Dad! Mamimiss ko po kayo. Magingat po kayo dun ha. Araw-araw po ako tatawag sa inyo. :)"

"Sige anak! Ikaw din mamimiss ka namin ng Dad mo. Be a good girl always ha! Mag-aral kang mabuti ha :)) Mag-iingat ka rin dito lagi mong isasara ang bahay pag aalis ka na."

"Opo Mom,Dad! ^__^ bye na po baka mahuli pa po kayo."

Nagyakapan ulit kaming tatlo. Hinalikan ko sina mommy at daddy.

Tuluyan na silang umalis. Hinabol ko pa sila pero hindi ko na naabutan.

Pabalik na ako ng bahay ng makasalubong ko si Yuki.

"Laviñia saan ka nagpunta? Bakit ka nandto sa labas? Anong ginagawa mo dito?"

Iyak pa rin ako ng iyak.

"Yuki uhmm a...noo ka...sii u.ma..lis na yung mga ma..gu...lang ko. :((("

"Gusto mo dyan nalang ako sa inyo matutulog? *smile*"

"Ahh hindi kahit wag na ok lang ako mag-isa *smile*"

Habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Marami na kaming napagkwentuhan katulad ng Mag-isa nalang si yuki. Tanging tito at tita nalang niya ang nagaalaga sa kanya at sila rin nagpalaki sa kanya. Mayaman din pala sila. Sila kasi yung may ari ng mga Hotels sa Japan. Nga pala half filipino half japanese kaya pala marunong magtagalog.haha siya rin naman marami na ring nalaman sakin katulad sa mga favorites ko. Katulad ng mga sweets foods tapos lahat ng masasarap na pagkain na favorite ko alam na niya. Pareho rin kaming mahilig sa horror movies. Yung mga korean at japanese dramas haha. At marami pang iba.

Kasabay ko na rin pumasok sa school si Yuki. At masayang masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan. hindi namin namamalayan nasa tapat na kami ng room.

"Gurl!! Opps! Kasabay mo pala tong gwapong si yuki ha ^____^"

"Wag kang maglagay ng malisya nagkasabay lang kami -____-" sabay pasok ko sa room.

"Hoy ikaw Yuki bakit kayo magkasabay ni Laviñia ^____^?"

"Narinig mo naman siya dba!? At wala ka na dun bakit? Inggit ka gayahin mo." Sabay pasok ni yuki sa room.

"Aba! Aba! Kumag na to setbwi!!" Sabay pasok din ni jules.

Nagsosoundtrip ako ng biglang alisin ni jules.

"Hoy babae!! Magkwento ka nga!"

"Ano naman ikukuwento ko sayo?"

"Aba ewan ko sayo. May hindi ka ata sinasabi sakin ha!?"

Friends until the end!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon