Yuki's POV
Kababata ko sina Adrian at Mae. Dati lagi kaming naglalaro,namamasyal kaming tatlo laging magkakasama. Nagtutulungan kapag nagkakaproblema. Paminsan kapag busy si Adrian ako ang nagiinsist kay Mae na ako na lang ang isama niya sa kahit saan at sa tuwing magkasama kami araw-araw hindi ko namalayan na nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. One time naisip ko umamin na sa kanya pero bago mangyari yun hindi ko inaakala na may gusto na rin pala si Adrian sa kanya. Intrams noong 2011 sinabi niya sakin ni Adrian na manliligaw daw siya kay Mae at ako naman etong nagparaya. Sabi ko kay Adrian na nagkagusto na rin ako pero binigay ko siya kay Adrian.
*FLASHBACK*
"Wag na wag mong sasaktan si Mae ah nagparaya ako kasi alam kong ikaw ang mahal niya."
"Oo naman maraming salamat bro pangako ko sayo na hindi ko siya pababayaan at sasaktan"
"Siguraduhin mo lang"
*FLASHBACK ENDS*
Nung oras na yun naisipan ko ng magmove on kaysa ipagpilitan ko pa ang sarili ko kay Mae. Ayoko naman na magkagulo sila. Ayokong mabigo si Adrian dahil alam kong mas deserved siya kay Mae kaysa sakin. Ngayon masasabi kong move on na talaga ako sa kanya.
Nung isang araw kaya kami nagkaaway sa canteen kasi pinaghintay niya si Mae at ilang araw na raw sila nagkakalabuan kaya ayun sinapak ko si Adrian para matauhan.
Laviñia's POV
Hayss sabado ngayon at andito ako sa bahay nanonood ng tv. Wala naman magandang palabas plus naboboring ako dahil wala ako kasama. Matawagan nga si Jules.
"Hello Jules punta ka dito sa bahay wala ako magawa nood tayo ng mga movies."
"Ok sigee ako rin eh walang magawa dito pinaglilinis lang ako ng Mom ko"
"Hahaha sige text ko yung address okay?"
"Ok sige bye!"
"Bye" binaba ko na agad yung phone at tinext ko na yung address sa kanya. Habang naghihintay ako kay Jules nagluto ako ng Popcorn at iba pa naming makakain habang manonood. After kong magluto inayos ko na rin yung sala.
Ding dong! Ding dong!
Takbo agad ako sa gate kasi excited nako makita si jules.
"Bes grabee ang layo pala ng house niyo sa house namin"
"Hahaha ganun talaga buti hindi ka naligaw" binuksan ko yung gate at pinapasok siya
"Hahaha anong buti hindi naligaw nakoo muntikan na nga eh halos limang tao na mga pinagtanungan ko para lang makapunta dito tsk"
"Hahaha buti hindi ka niligaw ng mga yun"
"Hahaha syempre naman noh! Natulala sila sa kagandahan koo"
"Tss yabang!"
"Ohh pasok!" Pagkapasok niya umupo agad siya sa sala at pinatong pa yung mga paa sa center table ayos din eto eh.
"Omg bes ang gandaaa! Dati una kong punta dito wala pang gaanong furniture."
"Oo hahaha syempre inayos ko ako pa haha"
"Okiee ano ba papanuorin naten?"
"Ano ba gusto mo?" Tanong ko habang kinukuha ko yung pagkain namin.
"Hmm yung drama"
"TFIOS nalang ^__^"
"Haha sige ^___^"
BINABASA MO ANG
Friends until the end!?
Fiksi RemajaBakit ganun ang buhay ng isang tao lalong lalo na sa pag-ibig. Laging nauuna ang pagkakaibigan bago mainlove sa isa't isa. Marami siyang ginagawa sayo minsan naiisip mo kung totoo ba o hindi. Yung feeling na hindi mo alam kung ano tumatakbo sa isip...