Chapter 27: letter

170 4 0
                                    

Haysss september na ang bilis talaga ng araw. Eto ako ngayon papasok na at himala pagkapasok ko yung mga students masaya wow ha! Nakita ko si yuki bigla agad ako tumakbo papuntang cr. Hahhaha iniiwasan ko kakaasar eh araw araw nalang lagi niyang pinipisil ilong ko,pisngi kung hindi yan ang gagawin guguluhin ang buhok. Ganun hahawakan yung kamay ko. Tapos one time tinakpan ung mata ko.

>>>>Flashback
Nagbubura ako ng writings sa board tapos biglang may nagtakip sa mata ko.

"Sino to?" tanong ko at hawak yung kamay niya. Hindi sumasagot.

"Hey sino ba to?"tanong ko ulit at pilit tinatanggal ang kamay niya. Hindi sumagot.

"Jules ikaw ba to?"sabi ko pero hindi sumasagot hindi nagtagal siya na rin ang nagtanggal at sabi ko na nga ba si Yuki to eh.

"Hoy may patakip takip ka pa ng.mata walangya ka"sabi ko at binatukan siya.

"Hahahahahaha nakakatawa ka talaga ang cute mo ^_^" kainis tinawanan lang ako. Pumunta nalang ako kay jules.

>>>>Flashback ends

Nung wala na siya lumabas na ako ng Cr hays. Pumasok nako sa room kasi time na.

"Goodmorning class!" sabi ni maam.

"Goodmorning"sabi namin at umupo na.

"Ok class we have a field trip tomorrow."sabi ng teacher namin at nagsigawan yung buong klase. Tinignan ko si jules as a sign na tabi kami sa bus.

"Saan po kami pupunta?" tanong nung classmate namin.

"Marami kayong pupuntahan. Mamaya you will see dahil may ibibigay na letter okay?" sabi ni maam at mukhang excited ang amga mukha nila ako rin naman naeexcite haha last field trip na namin ito eh.

"Okay so tapos na yun bumalik.na tayo sa ating pagaaralan." Sabi ni maam at nagsimula na siyang magdiscuss.

Rrrrrrrriiiiiiiiiinnnnnnngggggg
Okay recess na naman eto kami kakain na ni jules. Yung triplets hindi ko na masyadong nakakasama hindi bali ok lang yun. Saka ko na ikukuwento sa kanila yung mga nangyayari sakin.

"Omg bes field trip na bukas sabay na tayo umuwi mmya dahil mamimili tayo mmya ng baon natin ^__^" sabi niya na excite na excite.

"Oo naman pero wag kang maexcite dyan hahaha para ka kasing sira." Sabi ko kasi naman eh kung ano ano expression pinapakita.

"Ayy grabee bes that's rude hahaha"

"Sama natin sina triplets ha" sabi ko at tumango naman siya.

Kumakain kami ng may nagdala ng letter sakin mga babaeng lower year siguro second year sila.

"Ate ate binibigay po sa inyo ng classmate namin."sabi nung isa.

"Huh?! sino naman? at bakit?"tanong ko at nagtinginan sila.

"Si JM po may gusto sa inyo" sabi nung isa.

"Ayieee bes ikaw ha haba tlaga ng hair pati ba naman second year may gusto sayo hanep iba ka hahahaha" sabi ni jules at tinignan ko ng masama na tumahimik-ka-nga-look.

"Ayy ganun ba?! nakoo sige thank you dito "sabi ko at nginitian sila tumakbo naman sila.

"Dali bes buksan mo na excited nakong mabasa"sabi niya at mukhang atat na atat. nagtataka naman ako sino naman kayang JM yun.

"Ikaw ba binigyan at excited kang mabasa wala lang to ako mismo magbabasa nito."sabi ko naman.

"Pshh babasahin lang eh dali na buksan mo na"

Friends until the end!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon