Yuki's POV
Ihahatid ko na si Lav sa bahay nila kaso bigla kong naisip na gusto ko pa siyang makasama kaya dumiretso ako sa resthouse at yung malapit dun yung paborito kong restaurant super ganda kasi. Ang tanga tanga ko. Ang laki kong gago bakit ko yun nagawa kay Laviñia. Niloko ko siya. Nagbibiro lang ako nun pero dahil sa ginawa ko feeling ko sobrang nagalit si Laviñia. Ayun wala kaming kibuan nung kumain kami hanggang sa hinatid ko siya. Hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili. Ano ba kasing nakain mo Yuki at ginawa mo yun kung ano ano pa pinagsasabi ko. Fuck! Sinuntok ko yung pader sa sobrang galit. Sana mapatawad ako ni Laviñia.
------------
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako at shit ang sakit ng kamay ko. Ginamot ko ito at inayos ko na ang sarili ko dahil ngayong araw na to sisiguraduhin kong mapapatawad ako ni Laviñia. Lumabas nako at binilisan ko ang pagpunta sa school. Wala pang masyadong tao kaya yun dumiretso na ako sa room. Pagpasok ko wala pa rin si Laviñia. Sabagay anong oras pa lang naman. Napaaga yata ako masyado tsk. Nagrest nalang muna ako habang naghihintay.
Laviñia's POV
Nagising ako dahil sa alarm ko pinatay ko ito at bumangon. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi putek pano nagawa sakin yun ni Yuki eh pano kung totoo yun edi napatay o narape na ako nun. Langya!! Bwiset siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa kanya. Nakakaasar bahala siya. Hindi ko siya papansinin. Nagayos na ako at pumasok.
----------------------
Nandito na ako sa school at ang dami ng tao. Himala hindi ko pa nakikita ang anino ng mokong na yuki na yun tsk bakit ko ba hinahanap yun!? Wala akong paki. Dumiretso na ako sa room at pagpasok ko putek nandito si yuki at nakapatong ang ulo sa desk. Pumunta ako sa pwesto ko at nakita ko siyang nakapikit. Tinitignan ko kung tulog ba talaga siya. Winagayway ko yung kamay ko sa mukha niya. Hindi nagigising it means tulog nga. Wala akong paki. Pinabayaan kong matulog at umupo ulit ako at sinalpak ko yung earphone sa tenga ko.
Maya maya nakikita ko na gumagalaw na siya. Gising na ang mokong.
"Laviñia nandito ka na!!" Tumakbo siya at yinakap ako.
"Ano ba!? Ano ba yuki! Umalis ka!" Sabi ko habang tinutulak tulak ko. "Ano ba yuki bitiwan mo nga ako hindi ako makahinga."
"Laviñia sorry patawarin mo ko please!" Sabi niya habang nakayakap pa sakin.
"Ano ba bitiwan mo nga ako!! Wala akong kaibigan na ganun!" Inipon ko yung lakas ko at tinulak siya ng malakas sabay tumayo ako at lumabas. Pumunta ako sa rooftop para magpahangin. Masyado akong nasusuffocate naks gumaganun!? Bago magtime bumalik na ulit ako sa room at tinignan ko si Yuki nakatingin lang siya sakin.
Sakto buti naman at dumating na yung teacher namin.
Nagdiscuss na naman pero nakinig nako kasi next week exams na namin. Kailangan kong magseryoso.
*Rinnnnnnnngggggggggggg*
Hays sa wakas recess na nagugutom nako. Bumaba agad ako at pumila. Nakuha ko na yung order ko at naghanap na ako ng mapwepwestuhan. Dun ako sa malapit sa bintana favorite pwesto ko talaga to. Habang kumakain ako nakita ko si yuki papasok ng canteen. At mukhang may hinahanap siguro ako yung hinahanap niya. Hindi ko siya pinansin bahala siya. Ang sarap sarap ng kain ko nung nasa harapan ko na siya at nakaupo.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko na may halong pagtataray hihi pero hindi talaga ako mataray.
"Laviñia please gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako kung gusto mo luluhod pa ko please patawarin mo nako hindi ko kaya eh." Sabi niya tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakayuko pero namumula siya. O to the M to the G nakoo baka umiyak siya shemay haha kalalaking tao iiyak nyemas. Wala akong masabi kumakain lang ako.
BINABASA MO ANG
Friends until the end!?
Teen FictionBakit ganun ang buhay ng isang tao lalong lalo na sa pag-ibig. Laging nauuna ang pagkakaibigan bago mainlove sa isa't isa. Marami siyang ginagawa sayo minsan naiisip mo kung totoo ba o hindi. Yung feeling na hindi mo alam kung ano tumatakbo sa isip...