Chapter 3Maeve's POV
“Sasama ka pa rin sakin sa hospital, diba? Diba?!” pangungulit ni Alex sakin pagkalabas ko ng hospital.
“For the seventh time, Oo!” naiinis na sabi ko habang hindi sya tinitingnan.
“Ieeh, naninigurado lang kasi ayoko talagang mag-isa dun.” sabi nya and I glance at her to see her pouting.
“Hindi ba sa hospital kung saan tayo nanggaling naka-confine yung Janice?” I asked and she shook her head.
“Yayamanin yun, may private room.” she said and I nodded.
“Ay, sosyal.. Sobrang yaman ba?” curious na tanong ko.
Tumingin sya sakin at tumango.
“Oo, pero hindi yung tipong nagmamay-ari sila ng sampung mansyon at isang daang kotse, pero aanhin mo naman ang pera kung nasa bingit na ng kamatayan ang mahal mo sa buhay diba?”“Sabagay..” Sagot ko.
Dalawang oras lang akong walang malay nung nahimatay ako, nabigla lang daw siguro ako sa nakita ko kaya ganun.
So, eto pauwi nako para makapag-pahinga sa apartment ko.
Bukas may trabaho na naman, at bukas din ng gabi ay sasamahan ko si Alex na magbantay dun sa classmate nya.Magkasing-edad lang kami ni Alex, 26 years old, kaya lang una akong natapos sakanya, nagtrabaho muna kasi sya at ako naman kaka-graduate lang last year.
“Nga pala,”
Nabaling agad ang atensyon sakin ni Alex,
“Hm?”“Bakit di mo pala isama yung boyfriend mo?” Tanong ko.
“Busy daw eh. Madaming clients at meetings.” she answered at tumango-tango ako.
“So, saan ka uuwi? Sa apartment ko o sainyo?” I asked again at tiningnan nya ako na nanlalaki ang mata.
“Sira ulo ka ba? Malamang sa bahay namin, baka bigla ka na lang mag-latin dun no.” she said rolling her eyes.
“Dami pang sinabi, pwede namang sabihing hindi diba?” sagot ko,
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mapadpad kami sa sakayan ng jeep.
“Eh ikaw ba?” Tanong nya bigla,
“Kailan ka ulit magkakaboyfriend?”I scoffed,
“Ewan, bahala na.”“Eh? Gusto mo bang tumandang dalaga?” tanong nya.
“Kami nga ni Lucas pinagpaplanuhan na namin future namin.”“Oh eto na pala jeep, sakay na tayo.” sabi ko at tinulak sya sa jeep.
“Dun pa sa kabilang kalsada yung jeep na sasakyan ko, bye.”She pouted, na para bang disappointed na hindi natuloy ang chikahan namin.
“Ok, sige. Ingat ka.”“Ikaw din.” sagot ko at pumunta sa pedestrian at hinintay na may ibang tatawid.
~
“How's my adorable little babies?” I cooed.
Almost immediately, sinalubong ako ng kulay itim kong Labrador na si Morticia, at yung pusa ko naman na Russian blue na si Ryder ay natutulog lang sa itim na sofa na parang walang pakielam.
BINABASA MO ANG
The Grim Reaper's Possession
RomanceSeeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it caught the eye of the grim reaper himself? -The story is for Filipino readers only or to those who co...