Chapter 8
Grim's POV
Paulit-ulit.
Lagi nalang yun ang buhay ko, yun ay kung may buhay ba talaga ako.
Ako at yung mga tagasundo kinukuha ang mga kaluluwa at hinahatid sila sa pintuan, tapos ayun wala na.
Hindi ko alam kung ilang libong taon na ang nakalipas,
Hindi ko din alam kung pano nagsimula.Basta nandito lang ako
Ilang milyong beses ko ng nakikita ang mga nagsisiiyakang pamilya sa tuwing kailangan umalis ng mahal nila.
Mahal. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang yan.
Nasasabi ko ito sa iba't ibang lengguahe pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.
Hindi ko din alam ang salitang lungkot.
Di ko naiintindihan kung bakit sila umiiyak eh parte talaga ng buhay ng tao ang mawala.Wala akong nararamdamang emosyon, kahit isa. Kahit na nagmamakaawa sakin ang mga kaluluwa na bigyan sila ng isa pang pagkakataon kahit na hindi ko kayang gawin yun, kahit na halos mabaliw sila pag nakikita ako.
Wala.
Pero isang araw, nakilala ko sya.
Merong mga pagkakataon na nagkakamali ng putol ang mga tagasundo, kaya ang mga taong yun ay nababaliw.
Pero sya? Sino namang matinong mortal ang makikipag-agawan ng isang kaluluwa?At may naramdaman ako, sa unang pagkakataon.
Hindi ko maipaliwanag, at dun ko nalaman ang inis at pagtataka.Sya ang unang mortal na nakapagpadama sakin ng mga emosyon, kaya sinundan ko sya nagbabakasakaling may maipapadama nya sakin ang iba pang emosyon.
Sa una puro inis lang ang nararamdaman ko.. Pero sa araw araw dahil hindi sya natatakot sakin o sa mga tagasundo, para akong normal na tao.
Nararamdaman ko na ang nararamdaman ng normal na tao.
Ang makipag-usap, ang makipag-away.At sa unang beses, naramdaman ko ang saya.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko at parang ayoko ng mawala ito.
Ayokong mawala sya.Kaya ginawa ko ay araw-araw akong nasa tabi nya. Pero hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang trabaho ko.
Sa una wala akong pakielam sa kung anong gawin nya sa buhay nya. Binibigyan nya ako ng saya, kaya dapat pati sya ay maging masaya.
Pero kanina nung nakita ko ang ibang uri ng saya sa mukha nya, isang pakiramdam ang na-dama ko.
Na-iinis ako pero parang mas matindi doon, galit.Galit at isa pang emosyon na hindi ko alam kung ano.
Gusto ko ako lang ng nagpapasaya sakanya. Gusto ko ako lang.
Sa ilang linggo naming pagkakasama ngayon pa lang ako nakaramdam ng tao na talagang nakakausap ko ng matino, yun ay kung matino nga talaga.
Pero habang nakikita ko na masaya sya, diba dapat masaya din ako?
Pero bakit ganto?“GRIM YUNG PHONE KO!”
Maeve's POV
Agad akong umakyat sa kwarto ko and saw him, walang pake habang pinipindot-pindot yung screen ng phone ko,
“Ano?” Walang ganang tanong nya.
“Akin na yung phone ko, baka tumawag si Zephyr.” I said, I saw him roll his eyes.
“Puro ka na lang Zephyr, bakla naman ata.” he muttered, my eyes grew wide.
“How dare you! Hindi bakla si Zephyr and walang mali sa pagiging bakla!” I said angrily, pinindot nya yung home button to exit the game at umupo sa kama ko.
“Oh eh bakit pinagalan sya ng magulang nya sa lalaki na nagkakagusto sa kapwa nya lalaki?” he asked again.
“Bakit sakin mo tinatanong? Why don't you go and ask his parents?” Sagot ko. Honestly, why are we arguing now about his name?
Kalma, Maeve. Isip bata ang kausap mo.
Pinalad ko yung kamay ko sa harap nya.
“Akin na phone ko.”“Ano namang gagawin ko dito sa bahay? Mababato ako.” he said glaring at me slightly.
“Edi gawin mo kung anong madalas ginagawa mo dati.” I said impatiently.
“Akin na sabi.”“Bili mo ko ng telepono.” he said making my right eyebrow raise.
“No.” I said bluntly.
“Sige na, pano kung bigla nalang masunog itong bahay mo--”
“Subukan mo.”
”Hindi ko naman sinabing na susunugin ko ang bahay mo ng sinasadya k--” I narrowed my eyes at him.
“Ang ibig kong sabihin, nangyayari ang mga aksidente diba? Sinong matatawagan ko”I sighed,
“Fine,” his face lit up.
“Pero yung mga keypad lang.” almost immediately his face dropped.I smiled then glance at the digital clock na nasa bedside table ko,
The green numbers reading,
7:28 am.“Sige, maliligo nako baka ma-late pa ako.” I said and left him alone.
After I finished taking a bath, sinuot ko na yung usual attire ko sa trabaho and went to the office.
As soon as nandun na ko, my mood suddenly change.
I don't know, kapag nandito nako bigla na lang akong tinatamad, pero kailangan eh.
I went past every employee here and smiled at those who said good morning na parang ako talaga ang boss.
Hindi ko ugaling mamansin hanggat di nila ako pinapansin, that's why sometimes they call me a snob.Nagdire-diretso ako sa cubicle ko, ignoring Felicity's (the one who was obviously copying me,) glare.
After I got out of the hospital the time na muntik akong mamatay and were swarmed by police officers and reporters, parang mas lalo pang nagalit sakin si Felicity for some unknown reason, but I guess that is to become the center of attention.
I guess gagawin nya lahat basta sya yung nasa spotlight kahit ikamatay nya pa, and I'm secretly hoping na ganun nga ang mangyari.
Call me a bad person, I don't care, eh ganun din naman sya sakin, nagpaparinig na kawawa yung namatay at dapat ay ako na lang.
No, I don't feel miserable about how she's treating me, I've had enough of that in the past.. Now, it just makes my annoyance rise up.Yung tipong gusto mo syang sakalin sa leeg at istapler sa bibig para tumigil yung bunganga.
“So, Maeve..”
Speaking of the devil.
“May kailangan ka?” I asked politely, forcing a fake smile.
“I've heard that you're dating a hot guy.” she smirked.
I shrugged,
“So?”“Bakit di mo sya dalhin dito..?” she said a little bit slowly,
“Para makilala namin.”“And bakit ko naman gagawin yun?” I asked at inayos ang mga gamit ko.
“Scared na makita nya ako?” she taunted.
I closed my eyes and tightly gripped my bag na may lamang laptop.
Isa pa, ihahampas ko na talaga sa mukha nya to.I smiled a little and face her,
“Office to, Felicity, trabaho ang ginagawa dito at di meet and greet tsaka bakit ko naman sya ipapakilala sayo, close ba tayo?”“Your reaction says it all.. Takot ka nga.” she smirked.
Konti na lang talaga.
“If you're that desperate to meet him then go, and I assure you he wants nothing with the likes of you.” I said and gave her a challenging smile.
“Leave me alone at may trabaho pa akong tatapusin.”Tinaasan nya ako ng kilay na parang sinasabing, “Di pa tayo tapos,” bilang finale before walking to her own cubicle.
Anong problema ng babaeng yun sa mundo?
BINABASA MO ANG
The Grim Reaper's Possession
RomanceSeeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it caught the eye of the grim reaper himself? -The story is for Filipino readers only or to those who co...