Chapter 1

7.6K 271 6
                                    

Chapter 1

"Isn't this nice, Ricky? A calm peaceful afternoon with no one.. Ahh, I really miss going to this place." I inhaled and slowly exhaled, smiling to myself as my fingers glided over the smooth stone.

Tumawa ako ng mahina as my gaze drifted next to me,
"Alam mo, Sebastian.. Medyo pagod ako sa trabaho, ewan ko ba sa mga boss ko at ako lang ang pinapahirapan nila."

Napakunot ang noo ko ng matandaan ang pinagdadaanan ko ngayon sa office.
Sobrang hectic at yung mga ka-officemates ko na nagmamaganda parang turing nila sakin alien.

"Haay, ewan. Kung hindi lang talaga mahirap mag-hanap ng trabaho talagang aalis ako dun, kung makatingin sila kala mo alien ako." Pagdadaldal ko at tumingin ulit kay Ricky.

"Tapos makikita ko sa mga facebook posts nila na dangerous daw sila and respect each one's uniqueness daw anila." I chuckled at kinuha yung isang lata ng beer sa bag ko at tumingin sa paligid at nakita kong wala namang ibang tao.

Tumingin ulit ako kay Sebastian at Ricky,
"Gusto nyo? Ayaw?"
Nang wala akong makuhang sagot, ngumiti ako.

I shrugged at uminom na lang,
"Bahala kayo."

Ine-enjoy ko lang yung iniinom ko ng may biglang humawak sa balikat ko.
Muntik ko ng mabuga yung nasa bibig ko sa gulat.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang pinsan ko,
"Sabi ko na dito lang kita makikita eh." Sabi nya at inilibot ang paningin nya na para bang nandidiri at natatakot.
"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Nagre-relax?" Sagot ko at tumayo sa kinakaupuan ko.

Tiningnan nya lang ako na parang nawi-wirdohan.
"Seryoso ka ba Maeve Park? Nagre-relax? Sa loob ng sementeryo?"

I rolled my eyes sa pagkabigla nya,
"Lahat naman pumupunta sa sementeryo diba?"

"Oo, pero kapag undas lang, death anniversary, o birthday ng namatay.. And Maeve, first of all hindi undas. Second, wala kang namatayan dito and third walang matinong tao ang nagre-relax sa sementeryo!" Giit nya making me scoff.

"Ako?" Sagot ko, pointing at myself pero nag-roll eyes lang sya.

"Hindi ka matino, tara na nga at umuwi na tayo, baka makita pa tayo ng caretaker dito at bulyawan tayo." Sabi nya at kinuha ang kamay ko para hilahin.

"FYI lang, Alexis, ka-close ko yung caretaker dito." Sagot ko at hinila pabalik ang kamay ko.

"And wag ka ngang bastos, eto nga pala si Sebastian." Pag-iintroduce ko at tinuro ang isang puntod malapit samin, then tinuro naman yung isa.
"At yun naman si Ricky."

"Pano mo nalaman mga pangalan nila?" Sabi nya at biglang namutla.

Tinaasan ko sya ng kilay,
"Nakasulat sa lapida nila?"

"Whatever, aalis na tayo dito, wether you like it or not." She said at kinuha ulit ang kamay ko, this time nagpahila na lang ako habang tuloy tuloy lang sya sa pagsasalita ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

"Pano kung may masamang espirito dun ha?! Pano kung saniban ka? Pano kung mapaglaruan ka ng mga ligaw na kaluluwa?!" Tuloy tuloy na sinabi nya.

Napatawa na lang ako,
"Chill Lex, they're dead. Wala silang magagawa sakin."

"Walang magagawa yung mga katawan nila sayo but yung spirits nila.. Bakit ba ang hilig mo sa mgq ganyan?!" She asked clearly frustrated.

"Yes I know, blah blah, malas yun, malas that," I said, mocking the way she speaks making her glare at me and I responded with a smile.

The Grim Reaper's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon