Chapter 5

2.6K 210 1
                                    


Chapter 5

Maeve's POV

I watched as the parents of Janice cried in each other's arms habang binababa ang kabaong ng anak nila sa lupa.

Wala kang ibang maririnig kundi ang iyak ng mga tao habang iniitsa nila ang dala nilang mga pulang rosas sa hukay. Pulang rosas, ang paboritong bulaklak ni Janice.

“Tara na?” Alex asked at napatingin ako sakanya and smiled sadly at tumango.
I took a last glance sa mga humahagulgol na parents ni Janice bago sumama kay Alex.

“I didn't expect na mamamatay na pala sya, parang ang saya nya lang last month.” she sighed,

I stayed quiet, I badly wanted to tell Alex ang mga nakita ko, mga nakikita ko.
Occasionally, makikita ko ang mga skeletons aka reapers somewhere, entering a house, buildings pero madalas ko silang makita sa harap ng mga hospitals.

Nakisabay na lang kami sa mga ibang classmate nila Janice at Alex pauwi at nagpababa nalang kami sa may intersection.

Pagkababa namin ng sasakyan, agad na kami naghiwalay ng landas ni Alex at sumakay na sya ng jeep habang ako naglakad na lang, mga ten minutes na lang na lakad ang layo nito sa apartment ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa apartment ko, agad akong umupo sa sofa and let out a loud sigh.

Pano kaya kung nailigtas ko ulit yung kaluluwa ni Janice?
Is there even a reason para iligtas sya kung oras na nya talaga? Is there even a reason to fight death itself kung talagang yun na dapat ang nakatakdang mangyari?
It was so surreal. Me seeing death is a strange experience, but I felt a bit of guilt that I'm not doing anything, that I can't do anything.

Tumayo ulit ako at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng mas komportableng damit at tanggalin ang makeup ko, today plano kong matulog buong araw.
The thoughts that are running inside my head are too tiring.
Pagkapasok ko sa kwarto, I noticed something odd about my bed.

“Kasdeya..?” I muttered at lumapit sa kama, inangat isa-isa ang mga unan at kumot pero wala sya dun.
Eyebrows furrowing in confusion, tumingin ako sa ilalim ng kama in hopes na nahulog lang sya pero wala din.

“Asan na yun?” I asked to myself.

Lumabas ulit ako sa kwarto ko at agad na napadako ang tingin ko sa kabaong na nakadisplay lang sa sala.

Lumakad ako palapit dun at agad itong binuksan, a smile gracing my lips ng makita ang manika na kanina ko pa hinahanap.
“Kasdeya dear, you scared me. Kung saan ka nagpupupunta kala ko tuloy nawala ka na.”

She just stared at me with her button eyes.
“Speaking of, pano ka naman napunta dyan?”

I turned around and let out a short shriek when I noticed someone sitting on my sofa.
“You scared me! Anong ginagawa mo rito?”

“Nakaupo?” he answered, yung scythe nya nakasandal sa pader.

Yes, it was the guy na sumundo kay Janice, the one who warned me na wag daw akong makielam sa trabaho nila.

“I know that, pero bakit ka pumapasok sa apartment ng may apartment? That was impolite you know, you could have just knock-- teka, saan napunta yun?” Inilibot ko ang paningin ko but he's no where in sight, he just disappeared like he never existed in the first place.

I was about to shrug ng biglang tumunog yung doorbell kaya agad akong pumunta sa front door para buksan yun.

I raised one of my eyebrows ng makita ko nanaman sya.

The Grim Reaper's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon