Chapter 29
Maeve's POV
“Para saan?” Nagtatakang tanong ni Grim at ngumiti ako.
“Wala lang, medyo bored na bored na kasi ako and kanina naisipan ko na idecorate tong garden, yun ay kung okay lang sayo?” I said and stared at him, silently pleading na sana pumayag sya.
He seems skeptical and hesitant but a few moments later he nodded his head,
“Sige.”My grin widened.
“Thank you! I understand naman that you can't spend that much time with me pero alam ko rin na hindi mo kayang talikuran ang duty mo as the grim reaper..”“Nalulungkot ka ba pag wala ako sa tabi mo?” nanunuksong sabi nya and I tilted my head slightly.
“Medyo. Alam ko na aalis ka mamaya kaya pahiram muna nila ah? Kahit para papano maentertain ako.” I said at tumango sya.
“Sige, aalis nako.” he said and my brows furrowed.
“Kakarating mo lang ah? Aalis ka na agad?” Nagtatakang sabi ko. I was hoping na magtagal muna sya for like an hour before I set my plan into motion.
“Kailangan eh, pero babalik din agad ako.”
“Wag!” I blurted out na nakapagpataas sa isa sa mga kilay nya.
“I mean, wag kang magpapatagal kasi hihintayin kita rito.” I lied obviously. He didn't seem to buy what I said but didn't press any further.Kung ano man tong sigurong pupuntahan ni Grim talagang importante.
Normally kasi mangungulit pa sya.“So aalis ka na nyan?” Tanong ko at tumango ulit sya.
“Oh sige, bye bye. I love you.” I said and pecked his lips.Napangiti sya.
“Mahal din kita, Maeve.”And then he disappeared into thin air. I then faced the ten or so reapers na kasama ko,
“Okay boys, girls, kung ano man kayo, magde-decorate pa tayo. You there yung mga bulaklak lagay mo dun sa side na yun.”Grim's POV
Nandito na ako. Sa pinto kung saan namin hinahatid ang bawat kaluluwa ng mga pumanaw.
Mula sa malaking pintong iyon ay makikita ang isang pigura ng lalaki na nakatalikod sakin. Nakaputi na para bang umiilaw.Nung malapit na ako sakanya, lumuhod ako bilang pagrespeto.
“Tumayo ka.”
Dahan-dahan akong tumayo,
“Alam mo siguro kung bakit ka naririto? Naririnig mo naman ang mga tawag ko sayo tama ba?”
“Ama..” mahinang sambit ko.
“Alam mo kung ano ang trabaho mo, alam mo na mali ang nararamdaman mo.” sabi nya sa malamig at malalim na boses.
“Pero ama--” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit sya.
“Itigil mo na yan. Tao sya at ikaw ay tagasundo.”
“Pero Ama, mahal ko sya!” Hindi ko mapigilang tumaas ang tono ko.
Gusto kong magalit sakanya, pero ano nga bang karapatan ko? Sya ang ama, ang gumawa ng mundong ito at lumikha sakin at sa lahat. Wala akong karapatan.
“Hindi ka nilikha para magmahal ng tao!” Tumataas na rin ang kanyang boses kaya napayuko ako.
“Patawad..” malungkot na sambit ko. Naikuyom ko nalang ang kamao ko.
Bakit? Bakit ganito?
“Kung ako sayo, kalimutan mo na ang babaeng iyon, alam nating pareho na mabubuhay sya at malapit ng mangyari yun, makakalimutan ka nya.”
“P-Paano kung hinde? Pano kung hindi nya ako makalimutan?” Tanong ko at natahimik bigla ng ilang segundo.
“Hinding hindi mangyayari yun.” Sambit nya.
“Pano kung nangyari nga?” Inis na sabi ko.
Yung pangako ni Maeve, yun lang ang pinanghahawakan ko kahit sobrang labo nito.
“Diba wala namang imposible?” Giit ko.
“Alam ko ang mga mangyayari, at masasaktan ka lang kung sasabihin ko sayo.” sabi nya sa malamig na boses at dahan dahan akong umiling.
“Handa akong masaktan.”
Ang oras.. Nararamdaman ko ang oras..
“Ano ba ang silbi kung maaalala ka nya o hinde? Mortal sya at kahit matandaan ka man nya kapag nagbalik ka nya, hindi ka na nya muling makikita pa hanggang sa mawala na sya ng tuluyan.”
“Wala akong pakielam kung maalala man nya ako o hinde.” Sambit ko at napayko.
“Sapat na sakin na alam ko na papano ay minahal nya ako.”“Hindi ikaw ang kamatayan na ginawa ko. Dapat ay hindi mo nararamdaman ang ganyang mga emosyon.”
Gusto kong pigilan pero napangisi ako,
“Alam ko, pero alam ko na alam mo na mangyayari ito.”Natahimik sya at narinig ko ang isang malakas na tawa at sa unang pagkakataon ay humarap sya sakin at may ngiti sa labi nya.
Nagbalik ako sa hardin na mabigat ang loob.
Alam ko na malapit na ang oras nya pero wala akong magagawa.Maeve's POV
When it comes to decorating ay sobrang hina ko, but the garden looks a little bit prettier than before.. O sa opinyon ko ay gumanda nga.
“Magpa-circle kayo dali, andyan na sya!” sabi ko sa mga reapers na nagkatitinginan pero sinunod naman nila yung utos ko.
Grim was there looking miserable but when he saw the garden and the reapers a small smile formed his lips.
“Alam ko anong pinagga-gawa mo dito at sa mga tagusundo ko, anong binabalak mo?” sabi nya at ngumiti lang ako at hinila sya sa gitna ng nakapabilog na mga reapers.
Kinuha ko yung dalawang flower crown na ginawa ni Felicity when she was still here. Tiningnan ko and sighed sadly.
Kahit na lagi kaming naga-away nun, I really miss her.Shaking my head, I went near the confused looking Grim Reaper at sinuot sakanya yung isang flower crown at sinuot ko naman yung isa sakin.
“Para saan to?” tanong nya.
I just smiled and focused on him.
“Grim, let's face it. Hindi habang buhay ay nandito ako. It's either mamamatay ako o gigising at makakalimutan kita.“ I said sadly.“At?”
“Sometimes I feel that its hopeless kung ipagpapatuloy natin to.”
His face went stoic.
“Nakikipag-hiwalay ka na.” he stated like he was sure.I chuckled,
“Sira, of course not. What I'm saying is that yeah, it feels like it was hopeless but being with you makes me so so happy. I do not know what will happen in the future pero while I'm here with you, I felt like I feel more alive than I ever did nung nasa katawan ko pa ako. So while I'm here I want to make the best out of it.. With you. Alam ko masyadong mabilis ang oras ko rito di na magtatagal.. So, in front of your reapers na witness sa mangyayari ngayon.. I want to ask death himself.”From the pocket of my pants kinuha ko yung stem ng lilac na binigay nya sakin dati, curved into a rounded shape to resemble a ring and the lilac as its gem.
I looked up at him in the eye, knelt on one knee and smiled nervously.“Grim, will you marry me?”
BINABASA MO ANG
The Grim Reaper's Possession
RomanceSeeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it caught the eye of the grim reaper himself? -The story is for Filipino readers only or to those who co...