CHAPTER 2

90.7K 1.2K 11
                                    

Hanggang ngayon nakatulala parin ako dahil sa sigaw ni Ynna sa'kin. Ngayon lang ito sumigaw sa'kin ng ganun. Halos lahat nga ng kumakain sa canteen ay napatingin sa'min.




"O, ba't ganyan parin itsura mo? Kain na." Sabi ni Ynna.




"Ang dami naman ng inorder mo.. eh dalawa lang naman tayo." Nahihiyang sabi niya rito.



Eh pano naman kasi may pancakes,tapos sinangag,may tocino,egg,ham,breads tapos juice may coffee din. Eh sino naman kakain nito.



"Kainin natin yan lahat lalo ka na.. Vhea sana naman wag kang nahihiya sakin. Nakakapagtampo ka naman kasi eh." Malungkot na sabi ni Ynna.

Napayuko nalang ako sa harapan niya. Nahihiya na talaga ako sa best friend ko. Ang dami ko ng utang kay Ynna. Minsan nga ng magkulang ang tuition ko ay ito ang nagbayad sa kulang ko. Pero kahit kailan ay hindi ako nito siningil. Nang babayaran ko na siya, sabi niya ay itabi ko nalang daw para sa mga gamot ni Dad. Ganoon kabait si Ynna. At ganoon na kalaki ang utang niya rito.



"Sorry na Ynna, eh nahihiya na talaga ko sayo. Osige sige na. Kakainin natin to hangga't sa mabundat na tayo. Game!"



Naubos namin ni Ynna yung mga pagkain.. Honestly gutom nadin talaga ko.. 'di ako nakapag-almusal kanina sa sobrang pagmamadali ko. Pagkatapos naming kumain pumasok na kami sa dalawang last subjects namin then umuwi na kami. Hinatid ako ni Ynna sa apartment na tinutuluyan namin ng dad ko. Nagpasalamat na ko sakanya at pumasok sa loob. Sumalampak na ko sa sofa sa sobrang pagod. Haaaayyy.


Vheatrice Nicole Adriano, 17 years old. Dati hindi naman ako ganito kahirap pero simula nang mamatay ang mommy ko three years ago nagkaganito na ang buhay namin ng dad ko. Nalulong sa sugal daddy ko at lahat ng yaman namin nawala. Pati ang bahay namin nailit ng bangko dahil sa utang. Ngayon, ang daddy ko nagtatrabaho bilang cook sa isang maliit na chinese restaurant malapit sa may Divisoria. Nagsisisi ang dad ko sa mga nagawa niya pero ano pa silbi eh nangyari na. Di naman ako galit sa dad ko pero di ba syempre nandun ang panghihinayang. Ngayon nagtutulungan kami ng dad ko. May sakit din kasi siya, madalas siyang inuubo at mahina na ang baga niya dahil naninigarilyo dati. Ngayon ako ay isang working student. Scholar ako ng University na pinapasukan ko kaya pinagiigihan ko talaga ang pag-aaral. Kung sana madaling ibalik ang nakaraan. Itatama ko ang mga maling nagawa ng dad ko.


Three hours later.....

Nagising siya sa patuloy na pagkatok sa pintuan nila. Di ko namalayan na nakatulog nalang pala ko.

Tumayo na ako at binuksan ko ang nasa pinto.. Bigla nalang pumasok ang tatlong lalaki at isang matandang lalaki. Pinagkukuha nila ang mga gamit namin ng basta basta..



"Hoy! Ano'ng sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?! Tulong tulong !!!" Sigaw ko.

"Hoy miss, nasaan ang magaling mong ama? Hanggang ngayon nalang ang palugit na binigay ko sakanya.. tsk tsk." Sabi nung matandang lalaki sakanya.


Sakto naman dumating si Dad.


"Oh,Victor Adriano. Akin na 'tong mga gamit mo ha! Wala pa to sa kalahati ng utang mo. Paano ba 'yan.. a deal is a deal" sabi ng matandang lalaki at tsaka ako tinignan ng malagkit.





Di ata 'to maganda ah. Nakaramdam siya ng kaba at takot. Paano kung saktan sila ng Dad niya?



"Mr. Sy.. baka naman po pwede pa natin 'to ayusin." Pakiusap ni Dad sa matandang lalaki. Umubo pa si Dad pagkatapos kausapin ang lalaki.


"No! Kung hindi mo ibibigay sa araw na 'to ang natitira pang utang mo.." The old man trailed off and looked at me. "Sasama na sa'min ang anak mo."


"A-Ano'ng ibig sabihin ng naririnig ko?" halos maiyak na ko sa mga nasasaksihan ko.


"Tsk.. Mr. Adriano.. hindi mo pa pala sinasabi kay Vhea ang napagkasunduan natin." Sabi ni Mr. Sy at tsaka humarap sakin at lumapit.. ".... you see hija, your dad and I had a bet. Kapag hindi niya naibiay ngayon ang tatlong million na utang niya sakin, ang kapalit nun ay.."


Hindi niya muna tinuloy ang sasabihin at lumapit pa lalo sakin at hinalikan ako sa tenga.. Parang automatic ang kamay ko at sinampal ko ang matanda. Langya! Ni ex ko nga di ako nahalikan eh tapos siyang gurang na hahalikan ako. Galit na galit na ako at kita ko sa mukha ng matanda na galit din ito sumugod siya sakin at akmang sasampalin din..



"HUWAG! BIBIGAY KO ANG TATLONG MILLION MAMAYANG GABI MISMO!" sigaw ni Dad na nakapagpatigil sa matanda.

------

Follow me. @kendeyss
Twitter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon