CHAPTER 24

54.7K 806 6
                                    

"I know na makakalimutan mo na lilipat na tayo ng bahay. Kanina lang sakin inabot ni mama yung susi nitong bahay."



Kasi naman! Bakit ko nakalimutan na lilipat pala kami ng bahay. Na shock tuloy ako. Pero infairness ang ganda ng house namin. Napaka cozy.



"Sabi ni mama siya mismo yung nagpagawa nitong bahay para talaga samin ng mapapangasawa ko. Fully furnished na ito kaya wala na tayo poproblemahin sa mga gamit. Groceries nalang. Don't worry, hangga't hindi pa tayo nakakagraduate sila muna mgbabayad ng expenses dito."



"Sana pati itong pagsasama natin sana after graduation nalang din."





Napatigil si Hans sa paglingon lingon sa bahay, tapos tumingin sakin. Kumunot pa nga noo niya eh. Katakot.



"Why? Ayaw mo bang makasama ako?"



Agad akong umiling. "Hindi naman sa ganoon pero syempre 'di ba ano nalang iisipin ng mga tao dito?"



"Kaya nga hiwa-hiwalay ang mga bahay dito. This subdivision value their resident's privacy."



Ah.. kaya pala parang wala kami sa kabihasnan. Para ngang ghost town 'tong napuntahan namin kasi wala talagang katao-tao sa kalsada. Nilibot ko na namin yung bahay, mula sa garden hanggang sa pool hanggang sa sala,kitchen,dining area. Second floor nalang ang hindi pa namin nalilibot. Umakyat kami then merong music room. Ayos, pareho naman kami ni Hans mahilig sa music . Sa next door may pinaka-terrace. Tapos isang kwarto nalang ang hindi pa namin nakikita.



Teka.. dali dali kong binuksan ang kwarto at talaga nga naman.!

Pumunta agad ako kay Hans na nasa terrace.



"Hans, isa lang yung kwarto. Isa lang din yung kama! Wala din tayong guest room!"



"Oo nga. So?"





"Hans, gusto ko ng sarili kong kwarto. I want my privacy!"





"Demanding ka naman masyado,. Buti nga may kwarto eh. Kung ayaw mo, edi sa sala ka matulog."



Tapos nag-walk out na siya. Anong problema nun? Ba't ang sungit na niya sakin.? Parang bumalik siya sa dati. Badtrip ah! Akala niya,, sa sala talaga ko matutulog. Ten pm na rin kaya inaantok na ko. Sakto nasa banyo siya kumuha ako ng kumot at mga unan tapos bumaba na ko sa sala. Ayos narin to. Malaki naman yung sofa parang kama na nga rin siya kung tutuusin eh.



Humiga na ko, at nagpa-antok. Nakakainis talaga tong si hans. Walang puso! Sana mahulog siya sa kama! Makatulog na nga. Siguro dahil sa sobrang antok, nakatulog na ko.





HANS' POV

Pagkatapos kong maligo, hinanap ko kagad si Vhea. Wala sa kama.. pagbaba ko nakita kong bukas yung lampshade sa sala kaya bumaba ako. Nakita ko siyang tulog sa may sofa. Ayaw niya talaga kong makatabi., as if naman gusto ko siyang makatabi. Oo nung honeymoon namin na-attract ako sakanya pero ngayon nako.. balik kami sa dati. Asaran na kami. Pero kahit na babae parin siya. Inayos ko yung pagkakumot niya.. at tinignan ko siya. Sana ganyan nalang siya lalo na pag tulog.







VHEA'S POV



"ANO?! IIWANAN MO NA KO?!!!!"





"Calm down Vhea!"





"CALM DOWN. PANO KO KAKALMA KUNG IIWAN MO NA KO?"



Nandito kami ngayon sa coffee shop. The hell I care kung pinagtitinginan na ko ng mga tao! I don't care. Bahala sila.. basta ako naiinis na naiiyak sa mga nangyayari. Paano ba naman tinawagan ako kinaumagahan ni Ynna, nagising tuloy ako ng maaga kasi sabi niya makipagkita daw ako sakanya sa coffee shop malapit sa subdivision namin, tapos sasabihin niya na magmi-migrate na sila sa States! O anong kalokohan naman kasi yun di ba?!!!! Wala na nga kong kaibigan.. siya nalang tapos iiwanan pa niya ko. Nakakainis!



Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon