One week later..
"Vhea. Bukas na engagement mo. Ba't parang ang haba ng mukha mo?" tanong ni Ynna.
Nandito siya sa bahay at nakikigulo. Sabi niya kailangan daw kami magpasalon para daw maganda ako lalo bukas. Regalo daw niya para sa wedding ko. Haay. I can't believe na malapit na ko ikasal. Parang gusto ko na magback-out pero hindi ko kaya kasi nakikita ko si Dad na masaya eh. Hindi ko kayang ialis sakanya iyon.
"Huy, Ano ba? Kanina pa ko daldal ng daldal dito lumilipad naman yang isip mo." Pukaw sakin ni Ynna.
"Ha? ah.. sorry Ynna."
"Sorry ka jan. kinakabahan ka ba? Dali magkwento ka? Ano'ng feeling ng ikakasal? Masarap ba? Lasang icing ng cake? Ano? Dali?" excited na tanong ni Ynna.
"Ano ba. Adik ka ba? Eh kung mahal ko sana yang si Hans baka nagtatatalon na ko dito sa tuwa, eh hindi eh. Kabaligtaran ang nangyari. Akalain mo yun.. Hay!."
"Eto naman napaka OA mo, ayaw mo nun. Jackpot ka na na jan kay Torres. Mayaman na gwapo pa. And I think hindi naman siya ganun kasama. OA ka lang magkwento."
"Sino ba kaibigan mo? Ako o si Hans?"
"Syempre ikaw.. kaya nga halika ka na at pumunta na tayo sa salon. Huwag ka nang umangal at regalo ko to sayo!"
Hindi na ko nakakontra kasi hinila na ko ni Ynna. Pag talaga may kinalaman sa kaartehan eh topnotcher na tong si Ynna. Dinala niya ko sa isang spa and salon..
"Cheska, hi!"
Isang bakla naman ang lumapit samin.
"Ynna, darling how are you?"
"Fine. Oh, here's my best friend she's getting engaged tomorrow. She's Vhea. Oy bakla, ikaw na bahala jan ah!"
"Oh sure! Ako pa! Kelan ba ko pumalya sa trabaho? Andun si Kelly, sakanya ka na magpaassist. Ako na bahala sa kaibigan mo!"
Iniwan naman ako ni Ynna at pumunta dun sa isa pang beki.
"So, paano 'te? Let's start."
"Start ng ano?"
Tumawa naman an bading. Pagtawanan daw ba ko?Sorry naman wala naman kasi akong hilig sa mga ganito.
"Start ng pagpaparelax and pagpapabeauty ng fes mo .. Package kasi ang in-avail ni Ynna. It includes Manicure and Pedicure. Hair treatment and a special massage of the whole body. So where do you want to start?"
Aba.. okay din tong regalo ni Ynna. Makakapagrelax nga ko. E-enjoyin ko nalang tong biyaya niya sakin
"Uhm.Manicure&Pedi nalang. Ihuli mo nalang yung massage.. Pwede?"
"Ay! Ayos yan girl. Oh, gorabels na tayo para mahaba ang oras mo sa iyong massage."
Ang daming tao sa paligid ko. Yung isa nasa may paanan ko para sa foot spa at pedi. Tapos sa kabilang side naman eh yung nagmamanicure. Tapos sa likod ko.. inaayos naman ang buhok ko. Wow ha! Para kong prinsesa.
Matapos akong ayusan sa paa,kamay at buhok. Tinawag na ko ni Cheska para sa massage. Pumasok na ko sa isang room.
"O, hubad na 'te."

BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.