CHAPTER 18

53.7K 787 3
                                    

Pagkatapos ng wedding ceremony lahat kami ay dumiretso na sa function hall sa hotel malapit sa pinagganapan ng kasal namin. Gutom na ko. Ano'ng bago di ba? Pero pumunta muna ko sa comfort room. Call of nature eh





"Vhea, matagal ka pa? Naghihintay na sila doon."



"Oo.. malapit na ."



Tumingin muna ko sa salamin at chineck ko kung ano itsura ko. Mrs. Vheatrice Nicole Adriano-Torres. Hinawakan ko ang pisngi ko at pinalo ito ng mahina lang. Hindi nga ko nananaginip. Tapos hinawakan ko naman yung mga labi ko.. naalala ko yung halik sakin ni Hans. First kiss ko yun and to be frank, I liked it.

"Vhea? Come out already."



Nakalimutan ko nasa labas pala ng comfort room si Hans at hinihintay ako. Lumabas na ko kasi baka magalit pa 'tong asawa ko.

Asawa? Napangiti ako.

Iba pala yung feeling na may tinatawag ka ng asawa. Eh pano kaya kung ako ang tawagin niya ng asawa ano kaya mararamdaman ko? Iniisip ko palang kinikilig na ko.

"Hey, okay ka lang? Nababaliw ka na ba? Ngumingiti ka ng mag isa."

"H-huh? Hindi ah. Tara na?"

"Ah. Alam ko na kung bakit.." tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Inilapit niya yung mukha niya sakin.

"Hoy! Hans! Anong ginagawa mo jan ha!"



"You can just ask me for more honey.. I will give it to you in just a snap."

"A-Ano ba ang pinagsasasabi mo jan?"



Tokwang talong naman oh, bakit parang nagkakaroon na siya ng epekto sakin. Dahil ba yan sa halik kanina? Bakit ba hindi maalis sa isip ko yang halik na yan!

"HAHAHAHAHAHAHA. Oh my God. You could have seen your face! Pulang pula ka na oh. Hahahaha!"

"Stop laughing. Tara na nga!"'

Nauna na kong maglakad tapos inakbayan nalang niya ko. Inalis ko naman ang kamay niya, ayoko munang lumapit sakanya ng todo baka masapak ko lang.



"And now the newlyweds, Mr. And Mrs. Jakob Hans Torres!"



Papasok na kami sa reception hall and sinalubong kami ng masigabong palakpakan. Syempre di na ko nakabusangot. Nakangiti na ko tapos bigla nalang ako hinawakan ni hans sa kamay tapos kumaway-kaway pa siya sa mga tao feeling artista ang peg niya eh. Dumiretso na kami sa upuan namin sa may harapan.. tapos nakatutok samin yung spotlight. Pinakain muna namin ang mga bisita syempre pati narin kami. Basta lahat. Tsaka nagsimula na ang program.



"Let's welcome Jan Hanni Torres the sister of the groom."



Kanina ko lang pala nakilala si Hanni. Napakulit niya .. She fifteen years old palang and two years age gap pero napakalaking bulas niya. Ang tangkad di mo aakalaing fifteen years old na siya. Kararating lang niya sa mula sa Paris dahil dun muna siya nakatira sa uncle nila.

"Hello mga people! Unang una sa lahat gusto kong i-welcome si ate Vhea sa family. Mamaya na kita dadambahin ng yakap ate ha? Ngayon moment ko muna 'to. Palagyan naman ako ng spotlight oh.."



Nagtawanan ang mga tao sa kabibohan nitong batang to.

"Yan! Good. Thanks! Anyways, I want to say congratulations to the newlyweds I hope that forever na kayo. Magmahalan kayo ha? Kundi naku lagot kayo sakin. Ate Vhea, sinasabi ko sayo habaan mo na ang pasensya mo sa kuya ko. Tapos kuya wag mong sasaktan si ate Vhea ah. Kundi labas-bahay ka kasi kampi sila mommy kay ate Vhea! Yun lang .. ay gusto ko ng kambal ha!"



Nagpalakpakan ang tao.. kasama na ko.

"Naturingan ko pa namang kapatid." rinig kong sabi ni Hans sa tabi ko.






"Next up, on stage is Mr. And Mrs. Torres parents of the groom."



"To the newlyweds congratulations. I hope you'll cherish each other. Never sleep if you have problems unsolved." sabi ni tita Linda.

"Anak, Hans, alagaan mo ang asawa mo. I know you can do it.. I know you are a matured man. Son I'm so proud of you hindi ko lang masabi yun but totoo ito. Pero ngayon you have your own life.. nandito lang kami ng mommy mo at kapatid mo kung may problema ka. I love you anak!"



tinignan ko naman si Hans .. nakangiti siya at teary eyed na. Nakakatuwa naman!




"For the bride's side, here is her close friend Allynna Marie Nieves"





"Hi friend. Super friend. Best friend. Close friend. Lahat ng may friend ako na ata yun. Haha. I'm so happy for you dahil I know na aalagaan ka ni Hans. Hoy Hans huwag mong pababayaan yang kaibigan ko ha! Pag nakita ko yang umiyak ng dahil sayo papagulpi kita sa mafia! Makulong na kung makulong.. magkakamatayan talaga tayo ! Ikaw Vhea, syempre alagaan mo din ang asawa mo. Maging mabait ka.. wag ka na msaydong makulit, okay. Congrats sainyo. Sana forever kayo!"



Natouch naman ako dun. Mahal ko talaga tong kaibigan ko na ito. Siya lang kasi ang tumanggap sakin kahit na ang dami ko na sakanyang utang.



"Lastly.. Mr. Victor Adriano father of the bride."





"Anak. My princess.. dapat siguro di na kita tatawaging princess. May asawa ka na eh.. uhm, anak I'm sorry dahil alam ko may tampo ka sakin pero para sayo lahat ng ginawa ko anak. Ayokong maghirap ka pa, gusto ko lumigaya ka at alam kong si Hans ang makapagbibigay saiyo nun. Hans, anak na kita.. sayo ko pagkakatiwala ang nag-iisang prinsesa ko ha? Wag mo siyang pababayaan ha? Alam ko hindi mo siya pababayaan.. Magmahalan kayo at magtiwala sa isa't-isa. Anak, Vhea alam ko masayang masaya ngayon ang mommy mo. Tandaan mo lagi na nandito ako at mommy mo na magbabantay sayo. Mahal na mahal kita anak."



Tumulo na ang mga luha ko. Alam ko na masayang masaya ngayon si Dad at ako naman ay masaya naman din dahil pinagkatiwala niya ko kay hans na unti-unti ko nang nakikilala. Alam kong mabait na tao ang naging asawa ko, at hindi nagkamali si Dad dun. Maya-maya iniabot sakin ni Hans ang panyo. Tinanggap ko naman.



"Thank you." sabi ko ng nakangiti.









"Salamat sa mga nagsabi ng kani-kanilang mensahe sa bagong kasal.. We all hope and pray for your lifetime happiness and now here is a special number from Kris Alonzo, Hans' cousin."





May mga sumayaw kanina na pinsan ni Hans, tapos ngayon naman may kumanta. Ang laki pala ng pamilya ni Hans habang ako si Dad at Ynna lang ang kilala ko. Habang pinapanuod ang kumakanta.. may iniabot sakin si Hans.



Isang box na pahaba at color red. Di ko alam kung ano ang laman kaya tinanong ko siya.

"Ano ito?"



"Open it and see for yourself."

Binuksan ko at tumambad ang isang kwintas na may pendant na letter V.

Kinuha ni hans ang kwintas at isinuot sakin.

"Wedding gift ko sayo".



"Hans, di ka na sana nag-abala."



"Thank you lang di pa masabi."



"Thank you Hans. I love it" sabay ngiti ko pa.



Ngumiti naman siya. Ang gwapo talaga niya lalo na pag ngumingiti. Lalo na pag lumalabas ang dimples niya. Tinignan ko ang regalo ni Hans, mukhang mamahalin. Aalagaan ko to. Kasi first gift niya sakin ito eh. Speaking of gift..





"Hans sandali lang ha?"



"San ka pupunta? Samahan na kita."



"Hindi saglit lang ako. Jan ka nalang .. hintayin mo ko."

--------
Follow @kendeyss
Twiiter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon