HANS' POVMatapos ako kantahan kagabi ni Vhea umuwi na kami.
Pinagpaalam ko na siya kasi sa manager niya.
Habang nagdadrive ako, tahimik lang siya. Nahihiya siguro.
Ang ganda lang ng boses niya, parang nung mga oras na iyon na nakatingin lang ako sakanya at ganon din siya sakin gusto kong umakyat sa stage at halikan nalang siya. Di ko na alam ang pakiramdam na ito. Basta ang saya ko. Kaya kagabi kahit hindi na umiimik si Vhea, alam ko masaya din siya at ganon din ako.
============================
Kinabukasan ...
Nandito kami ngayon ni Vhea sa bahay nila daddy. Pinatawag kasi kami kaya ending dito kami magtatanghalian. Balak ko pa naman sana i-date asawa ko.
"Kumusta naman kayo?" tanong ni mommy.
"Okay naman, Ma." sagot ni Vhea.
"Okay na okay pa. Ba't nyo ba kami pinapunta dito, Ma? Di ko tuloy solo 'tong misis ko." sabay akbay kay Vhea.
"Huy, bitaw. Nakakahiya." sabi ni Vhea tapos tinanggal pa yung pagkakaakbay ko sakanya. Kainis.
"Nagkahiyaan pa ang mga ito. Natural lang yan hija. Buti nga at nangungulit yang si Hans eh. At ikaw lalaki! Aba.. masama bang makita namin kayo? Kung hindi pa kayo tatawagan hindi pa kayo mapapadpad dito ah! Nakakatampo ka anak ah!"
Haay. Nagdrama na naman ang mommy ko. Tsk. Lumapit na ko kay mommy bago ngumawa at niyakap siya sa likod.
"Mommy ko talaga, ayan napapala mo kakanuod ng mga korean movies masyado ka nang madrama. Syempre namimiss namin kayo, kaya nga nandito kami di ba? Wag na magtampo."
"Ang cute pala maglambing ni Hans sainyo Mama! Hahaha. Di ko akalaing ganyan siya!" sabi ni Vhea.
Tumingin naman ako sakanya at halatang nagpipigil ng tawa. ah. Ganon ha! Humanda ka.
"Ayan mommy, nagselos tuloy asawa ko sayo."
Pagkasabi ko bumitaw na ko kay mommy at nilapitan naman si Vhea at binuhat at pinakandong ko sakin. Tapos niyakap ko siya ng mahigpit.
"Oy! JAKOB HANS! Ibaba mo ko! Nakakahiya kay mama. Baka makita pa tayo ni dad at papa. Bitaw!"
"Ayoko nga, kiss mo muna ko." sabay nguso ko.
"Hahaha. Kayo talagang mga bata kayo oh! Hans ibaba mo na si Vhea at baka makita pa kayo ng papa nyo. Mamaya na yan pagkauwi ninyo."
Binitiwan ko naman siya at halatang namumula. Nakakatawa talaga. Ang cute niya! Halatang halata kasi ang puti niya. Maya maya bumaba na si Dad at Papa ni Vhea.
"Dad!" sigaw ni Vhea. Kakarindi ha! Ang tinis ng boses.
"Vhea! Anak! Tumataba ka ata?"
"Eh si Hans po eh. Kain ng kain kaya nahahawa tuloy ako."
"Hoy hindi ah! Baliktad ata! Wag ka maniwala diyan Pa!"
"Tse! Dad. Kamusta ka na? Hindi na ba masyado sumasakit dibdib mo?"
"Ayos naman anak. Nagpapagamot na at so far so good. Positive naman lahat ng sinasabi ng doctor."
Pinapagamot pala ng pamilya namin si Papa Vic. Kasi nga may sakit siya. Yung sobrang ubo. Kaya ganyan nalang ang pag-aalala ni Vhea.
Matapos naman ng mga kamustahan at kwentuhan kumain na kami.
"Hans, puntahan nyo nga ni Vhea yung garage."
"Bakit dad?"
"Basta."
Sunod naman kami ni Vhea..kaya pagbukas ng garage bumungad samin ni Vhea ang isang black Mercedez Benz.
Napatigil kami ni Vhea sa sobrang gulat sa nakita.
"Hans, may sticky note oh!" Tinuro niya yung note na nakadikit sa salamin ng kotse.
' Here's your car son. Dalhin mo si Vhea sa magagandang lugar gamit ito.'
Nagulat ako sa note. Sa akin ito? Wow.
"Hans, sayo pala iyan eh. Ang ganda."
Nang makita namin ang kotse at sinuri. Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Sir Hans, punta daw kayo sa daddy nyo."
Ah, sige po manang. Iniwan ko muna si Vhea, na nakikipagkwentuhan kay mommy. Si papa Vic naman kasi nagpahinga sa kwarto nito. Pumunta na ko kay Dad na nasa may mini library.
"Dad?"
"Oh, did you like your car?"
"Yes dad. Pero di ko naman po birthday ah?"
"Nakalimutan mo na ba ang pinagusapan natin? Ayan na ang hinihingi mong kapalit sa pagpapakasal kay Vhea."
Di ako nakasagot. Naalala niyo naman siguro yung kondisyon ko sa pagpapakasal kay Vhea di ba? Pero hindi ko na nga natatandaan yun.
"About naman dun sa resort, nailipat ko na din iyon sa pangalan mo so by tomorrow it's all yours.. nakausap ko na kasi ang asawa mo at tinanong ko trato mo sakanya ang sabi naman eh mabait at mapagmahal ka daw. Sobrang alaga mo daw siya. I'm happy na tinupad mo ang usapan natin son. Keep it up!"
Di na ko nakasagot kay dad. Tumango nalang ako.
Pagkalabas ko sa library nakita ko si Vhea na nakatayo malapit sa library nakatalikod siya sakin. Pero halatang umiiyak. Narinig niya ba kami ni Dad?
Nang maisip kong posible nga iyon, mabilis na dinaluhong ng kaba ang dibdib ko.
No!
"Vhea.. kanina ka pa ba diyan?"
"Palabas lang pala lahat? Damn you!" Umiiyak na sigaw nito sakin.
"Teka, I can explain Vhea." Habol ko sakanya.
Pero hindi niya ko pinakinggan. Bigla nalang siya lumabas at tumakbo.
Hinanap ko siya sa kabuuan ng bahay. Hindi ko siya makita. Nakita ako ni mommy, kalalabas lang niya sa kusina may dalang cupcakes.
"Mommy si Vhea?"
"Hindi mo ba kasama? Pinatawag kita sakanya eh. Sabi ko kain tayo cupcakes. Eto nga oh."
Di ko na sinagot si mommy. Lumabas na ko at nakasalubong ko naman si manang.
"Manang si Vhea?"
"Ah. Nakita ko ngang tumatakbo siya palabas. Di nga ko pinansin eh."
Nagpasalamat na ko kay manang at sumakay na sa kotse ko. Hindi yung bago ah. Yung luma syempre. Hinanap ko siya sa buong subdivision. Hanap lang ako ng hanap. Hindi ako uuwi hangga't di ko siya nahahanap.
Sana pakinggan niya muna ang explanation ko. Kasi alam ko na hindi ko kaya kapag galit siya sakin.
=================
Follow @kendeyss (Twitter/Ig/Ask.fm)
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.