"Hans.."
Napatingin ako sa likod ko at nakita ang isang parang manika. Sobrang ganda niya. Natitibo ako.
"Ezza.. ano'ng ginagawa mo dito?" Gulat na sabi ni Hans. Tila nag-iba ang ekspresyon nito. Iyong mga mata niya biglang nabuhay.
"Ah, magte-take out kasi ako ng.."
"Lasagna delight." agad na patong na sabi ni Hans.
Nakakahalata na ako. Feeling ko may something.
Ngumiti lang yung babae.
"Siya nga pala Ezza.. si Vhea. Vhea si Ezza girl-- ahhh. Ano, kaibigan ko."
"Hello Ezza." sabi ko at ngumiti ako.
"Sino siya?" sabi ni Ezza na parang may halong inis,na galit na ewan.
Napataas ang kilay ko. Ano'ng problema nito?
"Ah.. ano kaibi--"
"Fiancé ko." putol ni Hans sa sasabihin ko.
"Ah, I see." Matabang na sabi nito.
Ngumiti lang ako sa babae ng balingan ako pero ang taray niya tumingin parang lalamunin ako ng buhay. Ah! Tama lang pala sa kanya ang mukhang manika eh. Kamukha niya si chaka doll. Dukutin ko mata niya eh!
"Hans pwede ba tayo mag-usap.. Privately." sabi ni Ezza at tumingin sakin na parang inirapan ako.
Dukutin ko talaga mata mo eh! Aba.. hindi ako uurong sa laban!
"Sorry Ezza, but we have to go. We have to prepare for our wedding." sabi ni Hans at bigla nalang niya ko hinila papuntang parking.
"Get in." pumasok naman ako sa kotse. Habang nagda-drive siya tahimik lang kami pareho. Pero may dugo talaga kong pakilamera kaya nagtanong na ko.
"Ex mo?" Sadyang pina cool ko lang ang boses ko para di mahalatang nanginginig na ko.
"None of your fucking business."
Napanguso ako. Sunget talaga! Parang nagtatanong lang eh. Buti nga hindi niya ito pinahiya sa tapat nung chaka doll na iyon eh!
"Sunget."
"What?"
"Wala sabi ko baka nga hindi kayo kasi maganda siya ikaw..." ano sasabihin ko.. naku.. daldal kasi eh. "...ikaw.. ano ..parang pinagsukluban ng langit at lupa."
Bigla niyang pinaharurot ang kotse. Napakapit naman ako bigla sa sobrang bilis. Parang lalabas na ang kaluluwa ko sa katawan.
"HOY HANS! DAHAN DAHAN NAMAN!"
"SHUT UP!"vnapatigil ako dun ah. Katakot! Aba.. sinigawan ako ng mokong. Umurong ata dila ko. Ilang minuto tumigil na kami.
"Hans.."
"Shut up okay?"
As usual.. natameme nanaman ako. Ba't kaya niya ko napapatahimik eh kahit si Ynna nga di ako napapatigil sa daldal ko eh.
"Look.. Ms. Vhea.. hindi porke't ikakasal na tayo you have the right to meddle with my life. Ganon din ako sayo so if it doesn't concern our family wala dapat tayong pakelam sa isa't isa since magpapakasal lang naman tayo dahil ito ay arranged na."

BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.