CHAPTER 12

56.3K 900 11
                                    



Two months later...



Mahigit two months na namin inaayos ang kasal ni Hans. Ay mali mali~



Let me rephrase that...





Mahigit two months na inaayos ng mga magulang namin ni Hans ang kasal namin. Oo, sila ang nag-aayos. Kami ni Hans? Eto, hihintayin lang namin ang araw na iyon which is next month na. Tapos next week ang engagement party namin. So bale ang role lang namin ay sisipot mismo sa event na yun at aarte na parang maayos kami ni Hans.


Ako, nandito sa bahay ng hinayupak na Hans na yan. Eh paano nagtext kanina na pumunta daw ako dito. Napapansin ko rin na two months narin akong sunud-sunuran sakanya ah. Ngayon ko lang talaga napansin. Sa loob ng two months hindi nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Dedma parin kahit kailan.


"Ah.. manang Rossie nasaan na po ba si Hans?"


"Pababa na siya ma'am."


"Ah, ganu ho ba? Sige po.. salamat."


Kanina pa yung baba niya ha. Ang tagal ko nang naghihintay. Sasapukin ko talaga to kapag nakababa eh..



Ilang minuto pa ang nakalipas at Hallelujah! Ang mahal na hari ay bumababa na sa eleganteng hagdan nila.






"Kanina ka pa ba nanjan?"





Nang-aasar ba 'to? Lechugas. Ang sarap hambalusin ng vase na katabi ko.



"Ay, hindi. Ngayon ngayon lang mahal na kamahalan!" sarkastikong sagot ko.



"Ba't mo ba ko pinapunta dito? Istorbo ka eh."





"Masama bang papuntahin kita dito? Gusto ko lang naman makita ang magigig misis ko."





Umupo naman talaga sa tabi ko. O Diyos ko.. ayoko po magkasala!

Hinawakan ko naman ang noo niya na kunwari tinitignan ko kung may sakit.




"Wala ka namang sakit.. nakahithit ka ba?"


Tinanggal niya ang kamay ko sa noo niya at biglang sumeryoso ang mukha.






"Don't ever touch me again. Understand?"

Oh, kita mo itong kutong lupang 'to! Kanina nagbibiro tapos maya-maya magsusungit.

Nagulat ako sa pagiiba ng mood niya. Di nalang ako nagsalita at tahimik na tumango nalang ako. Lumayo naman na siya sakin at umupo sa may tapat ko.

"Kaya kita pinapunta dito dahil may food tasting tayo."



"Huh? Eh diba nagawa na natin yung last month?"


"Para sa engagement 'to, dahil busy sila mommy sa kasal tayo nalang daw gumawa nito. Tsaka puro desserts daw ang iseserve nila ngayon."





Grabe! Ganito ba talaga kapag ikakasal? Ang hassle. Pero nung nabanggit ang desserts bigla naman kuminang ang mata ko.


Buti nalang pala di pa ko kumakain.. kanina pa nagwawala ang aking mga alipores sa tiyan ko.



"Oh, tara na. Gutom na ko." Tumayo na ko at hinila ko na si Hans.


"Hoy, teka maghintay nga ka. Patay gutom ka ba? Sandali.. Oy. Vhea!"

Pero di ko siya pinapakinggan. Eh pag ako nakarinig na kahit anong may kaugnayan sa desserts. Sugod ako. Lalo na ang mga pastries.. kaya nga kinuha kong course is Culinary Arts eh. Na-inspire ako sa Masterchef, sa Top Chef just Desserts at iba pang cooking shows.


Nakarating na kami sa kotse ni Hans.



"ANO BA? BINGI KA BA?"

"Sorry na.. na-excite lang naman ako!" Ngi-ngiting sabi ko.

Pero di parin kami umaalis . Hindi nga kami gumagalaw eh.. bakit kaya? Nagandahan na ata sakin tong si Hans eh pano nakatitig lang siya sakin.


"Huy! Hans.. di pa ba tayo aalis?"


Kumunot ang noo niya tapos bigla nalang siya ngumiti. Hep! Hindi lang yun! Lumalapit din siya sakin.. eh wala na kong aatrasan kasi nasa likod ko na yung kotse. Hahalikan ba ko nito? Ay.. naku. Papayag ba ko? Ewan.. ayan na.. ang lapit na niya.. nang.. nang.. itaas niya ang kamay niya.

"Paano ko makakaalis kung hawak mo parin ang kamay ko?"

Ano daw? Napatingin naman ako sa kamay namin. Oo nga.. hawak ko pa yung kamay niya,.








Anak ng! Bigla ko siyang binitawan at nag-iwas ng tingin. Nakakahiya ka Vhea.. Nakakahiya ka talaga!


"A-ah.. a-ano.. kasi.. tara na nga!"



Agad nalang ako tumalikod tapos sumakay na sa kotse. Nakita ko pa siyang ngumisi at tsaka sumakay na din sa kotse.. Buong biyahe ay tahimik lang kami. Anong bago di ba? WALA.





Hayy. Siguro mga 30 minutes nakarating narin kami sa Sweetbite ang pinakasosyal na atang alam kong pastry shop. Get ready my dear stomach.. sasabak tayo sa giyera!


Pumasok na kami at kinausap naman ni Hans ang nasa may podium.



"Were here for the food tasting.. Jakob Hans Torres." Tinignan muna ng babae yung parang listahan ng mga may meeting,reservatiions at iba pa.


"Ah.. here it is. Yes sir.. Please proceed to the function room.. Chef Pol will assist both of you."



Tumango nalang kami then hinanap na ang function room. Pagpasok namin..


Ang daming cakes. Ang daming sweets! Heaven pare! LANGIT!

Napansin siguro kami nung chef kaya pinaupo na kami. Magkatapat lang kami ngayon ni Hans habang isa isa sinasabi ng chef ang mga hinain niya,

"This is the Strawberry & Pistachio Saint-Honoré.Two different kinds of pastry, two different kinds of cream, and two different flavors: pistachio and strawberry."



"And this one is the Gooey Coffee Cake it tastes better because of its gooeyness. I am sure that you will enjoy this saucy coffee flavored cake."

Ang dami pang ineexplain samin nung chef pero di ko na pinapakinggan. Basta ako subo dito.. subo doon. Ang sarap. Sa sobrang sarap napapapikit pa ako! Yung iba ngang pastries parang ayoko kainin kasi ang ganda tignan eh.. pero nanghahalina ang itsura kaya kinain ko na rin.

This is heaven talaga!.

Pagktapos namin magtaste.. uhm. Well si Hans nagtaste ako kumain talaga as in LAMON. Eh masarap kaya!


"Nakapili ka na?"

"Huh? Ah.. hindi eh."

"Lahat nang sinerve satin nilantakan mo tapos wala kang mapili??!"


"Eh lahat naman kasi masarap!"



Lumapit naman yung chef samin para kunin yung mga oorderin namin.

"Nakapilli na po ba kayo?"

Magsasalita na sana ko pero umepal nanaman si Hans.



"Yes, We will order all of them."



"LAHAT?!" Bulalas ko.

------
Follow @kendeyss
Twiiter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon