"Ang sweet naman nila!"
'Bagay na bagay!"
"Kisss!!!!"
Bigla nalang ako natauhan at agad na tumayo. Feeling ko kamatis na ang mukha ko dahil sa pagkapula. Sobrang nakakahiya talaga yung nangyari!
Pwedeng i-rewind?
Inalalayan naman ako ni Hans. Gentleman naman pala kahit papano. Hinawakan naman niya ko sa sa bewang at hinila palapit sa kanya.. Ramdam ko din na inilapit niya ang bibig niya sa may bandang tenga ko..
"Okay na sana eh. Prinsesa ka na kung tutuusin dahil sa itsura mo.. kaya lang.."
Lumunok naman ako.. grabe! Why does his voice brings shivers all over me? Nakakakiliti ang hininga niya..
"K-kaya lang a-ano?" Utal kong tanong.
"Hmm.. Kaya lang tatanga tanga ka nga lang"
Naikuyom ko naman ang mga palad ko. Pwede pasampal?! Isa lang talaga!
"Let's give them way to have their dance.."
Magrereact na sana ako kaya lang bigla nagsalita yung emcee.
Dance.. Ano to JS Prom?
Pumunta naman kami sa gitna at sumayaw na. Napakalapit namin sa isa't isa .. Nagse-sway lang kami nakahawak siya sa bewang ko at ako naman sa mga balikat niya. Naalala ko nanaman yung nakita ko kanina.. lungkot sa mga mata niya .. bakit kaya? Dahil kaya sa isa ko pang nakita kanina sa may poolside?
Ang dami kong nakita noh?
Naalala ko nanaman yung halik na namagitan sakanila nung babae. Naiinis talaga ko. Niloloko lang pala niya ko. Wait.. Teka.. Pause right there. Saan ko naman napulot yung niloloko niya ako? Eh hindi naman talaga kami.. eh hindi naman niya ko mahal and most importantly hindi ko siya mahal. Tama! Oo .. tama. Naiinis lang ako kasi may mahal pala siyang babae tapos pumayag siya magpakasal sakin. Edi sana malaya pa ko ngayon!
Tinignan ko si Hans sa mukha.. walang kaemo-emosyon. Tss.. may babae talagang nagkagusto sa mokong na to? Unbelievable! Nakaharap nga yung mukha niya sakin pero nakatingin sa ibang direksyon ang mukha niya kaya ayos lang na titigan siya.
"I hate people that stares at me."
Tapos tumingin siya sakin. Hala.. ang lakas naman ng pakiramdam nito.
"Hoy! Ang kapal din ha! Tinitignan ko lang kung paano ko ba pipirasuhin yang pagmumukha mo."
But instead of answering back ngumiti lang siya. Pero hindi yung todo.
"May problema ka ba Hans?" Hindi ko napigilang magtanong. Usisera talaga ako eh.
"Upo na tayo.. pagod na ko."
Umupo naman kami sa may stage.. I mean nasa stage kasi yung pwesto namin. As in para lang samin. So kitang kita namin ang kabuuan ng venue.
"You know.. pwede mo naman ako pagsabihan ng problema.. I can listen." Sinubukan ko ulit siya kausapin.
"Don't bother. I don't share my problems."
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.