"WHAT?!"
What the hell! Ikakasal ako?
Hindi nga ako makukuha ng matandang Sy na iyon, pero ipapakasal naman ako sa isang hindi ko kilala!
Like hello!!! Seventeen years old palang ako! Eh naglalaro pa nga ako minsan ng piko sa mga batang kapitbahay ko tapos ngayon ikakasal ako sa hindi ko namang kilalang tao, wait.. ikakasal ako sa taong di ko mahal!!!!!!!!
Gusto ko na talagang mamatay..nakatulala lang ako at nagsimula na kong umiyak..
"D-dad.. bakit mo naman ako ginaganito? Di mo nga ako binenta sa matandang intsik na yun pero ibebenta niyo naman ako sa lalaking di ko naman kilala at mahal!" Iyak ko.
Tuluyan na akong umiyak.. eh ikaw ba naman ang ipakasal sa isang estranghero matutuwa ka ba?
"Anak.. I'm sorry pero mas mabuti na'ng ikasal ka sa anak ng kaibigan ko kesa dun sa intsik na yun na alam kong papahirapan ka lang, maniwala ka anak kung may choice lang ako.. pero mabait naman si Hans eh. Nakita ko na ang binata na iyon at alam ko magugustuhan mo siya. Nakilala ko siya nang minsan inaya akong kumain ng mag-asawa." Mahabang paliwanag ni Dad.
Ah kahit na! Kahit na bang mabait at gwapo yang Hans na iyan pake ko!? Ako parin ang dehado dito. Ah laban kung laban!
"Pero dad. Sana inuna nyo muna ang mararamdaman ko. Dad ang dami ko pang pangarap sa buhay.. iaahon ko pa kayo sa hirap dad. Babangon ulit tayo.. Dad, magsusumikap ako wag niyo lang ituloy itong kahibangan nyo!"
"Buo na ang pasya ko Vhea, tumatanda narin ako at kailangan mo nang may mag-aalaga sayo. Hindi ako parati nasa tabi mo anak, para rin ito sa iyo anak... Alam ko hin--" Hindi na naituloy ni dad ang litanya niya nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Dad at binuksan ang pinto.
"VICTOR."
"RICO."
Rico? Siya yung bestfriend ni Dad.
"Pasok ka.. Siya nga pala si Vhea." Pakilala sakin ni Dad.
"Wow, ang ganda naman pala ng mamanugangin ko. Hello hija. Ako si Rico Noel Torres. Just call me "papa" tutal eh magiging asawa ka naman din ng anak ko." Masayang bati sakin nito.
"Ah, eh hello po sir." Nahihiyang sabi ko.
Nakipagshake hands lang ako. Papa ka jan! Di ako papayag sa gusto nyong mangyari no! ASA!
"Hahaha. Nakakatawa talaga tong anak mo Victor, halatang gulat parin. Hayaan muna natin siya iabsorb ang mga nangyayari.. ano tara na?"
"Oo, sige. Oh paano Vhea, aalis na kami. I-lock mo nalang ang pinto kung papasok ka na sa trabaho mo. Kumain ka na din bago umuwi ha. Mamaya pagdating ko mag-usap pa tayo." paalam ni dad at tsaka humalik sa pisngi ko.
"Sige,dad ingat po."
"Sige hija. Mauna na kami. Ingat ka ha?" paalam naman ni Tito Rico.
Wow.. Tito. Feeling close na ko. Eh paano naman kasi nawala ang inis ko kasi hindi halatang nasa mid 40's na siya pero ang gwapo parin. Paano pa kaya ang anak nito?
Ha? anong bang pinagiisip ko.. dapat galit ako. Oo tama! Dapat hindi ako nagpapadala sa tukso..
"S-sige po. Mag-iingat po kayo.."
Tuluyan na silang umalis. Pero ako lutang parin ang isip..
Totoo ba 'to? Ang daming nangyari. Tapos na ba ang maliligayang araw ko?
Ikakasal na ba talaga ako?
------
Follow me. @kendeyss
Twitter/Instagram/Ask.fm
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.