EZZA'S POVI was really determined to have Hans back.
I was a fool when I let him go.
Dapat pinaglaban ko siya pero naduwag ako.
Kaya nang makapagisip-isip ako dali dali na kong bumalik dito sa Pilipinas.
I tried calling him pero unattended na ang number.
Mukhang nagpalit na ito ng number. Kaya pumunta nalang ako sa university para magenroll at makita na rin siya..
Pero kamalas-malasan wala si Hans doon at sila Jayden lang ang nakita ko. I asked them where Hans is pero sabi nila hindi daw ito pumasok.
Syempre I didn't believe them. Di ako tanga noh. Kaya sinabi ko na babalik nalang ako bukas.
Pauwi na ko pero nakita ko yung asawa ni Hans. Vhea? Yah. Vhea nga. I already saw her at hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya. Nagkita na kami nung sa restaurant. Remember?
Nang tinulungan ko siya mukhang di naman niya ko nakilala. Mas okay na yun. Eto pala ang kalaban ko kay Hans? Tsss. Piece of cake lang pala kung paano ko maagaw si Hans sa kanya eh.
Tapos ngayon pumunta ako sa bahay ni Jayden dahil gusto ko ngang makita si Hans. Pero as usual hindi nanaman niya sakin sinabi. Tinanong ko si Jayden kung nasan sila Ian at sabi naman niya nasa party daw. Di ko na nga hihingin tulong nila. Ako nalang ang kikilos mag-isa. Hans, mapapasakin ka ulit.
VHEA'S POV
Kiss.. kiss .. kiss
Ahhh! Di matanggal sa isip ko yung halik na yun.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya! Speaking of, nasaan ba yun si Hans?
Bumangon na ko at naghilamos tapos nagtoothbrush narin ako.Agad naman ako bumaba para hanapin si Hans. Wala siya sa sala at kusina. Pumunta ako sa may pool at ayun nga siya. Lumalangoy.
Di ko na siya ginulo at pumunta na ko sa kusina para kumain. Pagkatapos umakyat na ko at naligo.
Nakakainis naman pag walang pasok. Pareho kami ni Hans na walang pasok. Kakabagot kaya pag walang pasok.
Nag-ayos nalang ako ng mga gamit ko. Tapos nakita ko yung favorite na laro ko. Truth or dare game siya. Hugis itlog siya na may mga butas sa paligid nito tapos may nakalitaw na ulo. Then may mgasusi tapos pag sinuksok mo yung mga susi kung sino ang makakapaglitaw ng ulo ng manok yun yung gagawa ng truth or dare. Gets niyo? Intindihin niyo nalang. Nilabas ko iyon tapos bumaba. Sakto nakita ako ni Hans. Kaka-ahon lang niya sa pool.
"Ano yan?"
"Ha? Ah, truth or dare na itlog.Nakita ko sa mga gamit ko."
"Oh? Wow. Laro tayo."
"Sige ba!"
Sumalampak kami sa carpet sa sala namin tapos nilagay yung game sa center table. Inexplain ko kay Hans yung mechanics then nagsimula na kami. Unang nagtry ipasok yung susi ay si Hans, tapos ako. Hindi parin lumilitaw yung ulo, kaya tuloy lang. Salitan kami ng try. Nung ako na, pagkasuot ko ng susi sa may isang butas biglang lumitaw yung ulo.
Malas!
"Yes!! Talo ka."
"Truth."
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Fiksi RemajaNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.