Saktong seven am nakarating si Hans sa tapat ng bahay nila Vhea. Kumatok siya at ang dad ni Vhea ang nagbukas."Goodmorning po tito, si Vhea po?" Magalang na tanong niya.
"Ah Hans, tulog pa siya eh. May usapan ba kayo ngayon?'
Nainis si Hans dahil ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay. Pero wala siyang choice kung hindi hintayin si Vhea. Mukhang nananadya pa ito..
"Opo. Dapat sana ready na siya."
"Ganoon ba? Nako talaga itong bata na ito! Sige gigisingin ko na at pagmamadaliin ko. Kumain ka muna sa loob." Aya sakanya ni Tito Victor.
Pumasok na sila sa loob at nagkape muna si Hans habang pinasok naman ni Victor ang kwarto ng anak at ginising.
"Vhea, gising. May usapan pala kayo ni Hans. Nakahilata ka parin jan! Tayo anak maligo na."
Nawala antok ni Vhea nang maalala niya ang usapan nila ni Hans.
Oo nga pala!
Dali dali siyang naligo at nagbihis. Siguro mga thirty minutes ay tapos na siya. Bumaba na siya at sumubo lang ng kaunting kanin at hotdog at uminom ng tubig at tsaka umalis na kasama ni Hans.
Sa kotse.. hindi umiimik si Hans pati si Vhea. Nahihiya si Vhea dahil ayaw talaga maghintay ni Hans. Tsaka baka kung magsalita siya, bigla nalang siya bigwasan nito.
"Hans sorry na." Hindi na siya nakatiis.
"May magagawa pa ba yang sorry mo? Late na tayo.." Halata sa tono ng boses ni Hans na aburido na ito.
"Nandito na tayo. Baba!" Mariing utos nito.
"Huh? Di ka sasama?"
"Magsusuot ba ko ng gown? Hindi naman 'di ba? Susunduin nalang kita dito pag tapos ka na kaya tawagan mo nalang ako."
Wala ng nagawa si Vhea kaya sumunod nalang siya. Agad na pinaharurot ni Hans ang kotse. Pumasok na si Vhea sa loob at agad siyang sinalubong ng isang babae na nagpakilala bilang designer.
Sukat doon.. sukat dito.. hilo na siya dahil aligaga ang mga tauhan sa shop. Pasadya lahat ng gown niya kaya kailangan tama ang mga measurements na makukuha. Pagod na siya kakasukat ng mga gown.. tapos magpapalit ulit. Paulit ulit,. Gutom na rin siya.
"Ma'am Vhea.. okay na po. Pwede na po kayo magpahinga." Agad namang tumango si Vhea at tinawagan si Hans.
"Tapos na ko."
(Andito na ko sa labas.)
Nagulat naman si Vhea. Agad agad?Nandito na si Hans. Parang Flash lang.
Nagpaalam na siya sa mga tao sa loob ng shop at lumabas na.
Nakita niya ang kotse ni Hans kaya pumasok na siya.
"Ang bilis mo naman." Komento niya.
"Hindi ako katulad mo na tatamad tamad at mabagal kumilos.."
"Nalate lang ako ng gising kasi late na ako natatapos sa trabaho ko. Pero hindi ako tamad." Katwiran niya.
"Okay, I don't need your explanation anyway."
Naiinis na si Vhea kay Hans. Parang ayaw nito sakanya. Kung ganoon, Bakit pa ito magpapakasal sakanya kung ayaw naman pala nito sakanya?
Wala pang isang oras naihatid na ni Hans si Vhea sa bahay.
"Sige, sala--"
Hindi na naituloy ni Vhea ang sasabihin ng bigla bigla nalang umalis si Hans.
"JERK!!!! MABANGGA KA SANA!"
__________________
*VICTOR'S POV*
Kakaalis lang nila Vhea. Natutuwa ako dahil sa tingin ko maayos naman ang samahan ni Vhea at ni Hans.
Maya maya umiinom ako ng kape ng bigla nalang umatake ang ubo ko. Ang sakit sa dibdib!
Mabilis na kong uminom ng gamot. Nang maging okay na ko.. biglang may kumatok.
"O, Rico napadalaw ka?"
"Napag-isipan mo na ba?"
"Ah, tungkol ba dun?"
"Pumayag ka na Vic, alalang-alala na kami ni Linda. Paano pa kaya ang anak mo? Gawin mo to para sa anak mo."
"Pero di ko siya ata kayan iwanan."
"Hindi naman matagal eh."
"Osige.. hay! Pagkatapos nalang ng kasal nila tsaka ko nalang sasabihin."
_____________
*VHEA'S POV*
Pagkauwi ko sa bahay wala na si dad. Pumasok na siguro sa work niya sa restaurant na pinapasukan niya bilang cook. Grabe lang talaga pagod ko ngayon. Inaantok pa talaga ko. Umakyat na ko sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama ko. Gutom narin ako pero mas gusto ko talagang matulog. Pinikit ko ang mga mata ko at hinihintay ko nalang na makatulog na ko. Pero bigla nalang nag-flash sa isip ko ang mukha ni Hans.
Mabilis akong napabangon. Kainis! Ba't ko ba iniisip yung kumag na yun? Nakakainis na talaga ugali nun! Badtrip na talaga .. sobra! Ba't kaya may ganung tao pa na binuhay. Sinalo nga lahat ng kagwapuhan pero ni isang puting budhi walang nasungkit. Dahil inis na ko.. wala na ko sa mood matulog.
Humanda ka Jakob Hans Torres.. akala mo masaya akong maging asawa? Huh! Pwes, ipaparamdam ko sayo ang "ideal" wife mo.
------
Follow @kendeyss
Twiiter/Instagram/Ask.fm
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.