CHAPTER 3

74.1K 1.1K 13
                                    

"HUWAG! BIBIGAY KO ANG TATLONG MILLION MAMAYANG GABI MISMO!"



Napatigil si Mr. Sy miski ako ay napatigil. Nagtataka ako. Saan naman kukuha si Dad ng tatlong million?!

Hinarap ni Mr. Sy ang dad ko. Halata parin sa mukha nito ang galit.


"Wag mo kong pinaglololoko Adriano at sasamain talaga tong anak mo sakin!"



"Hindi ako nagloloko kaya ko itong ibigay sayo ora mismo." Puno ng determinasyon ang boses ni Dad.


"At paano ako nakakasiguro na nagsasabi ka nga ng totoo ha?"




"Mamayang gabi 6:30pm puntahan mo ko dito at sabay pa natin i-withdraw ang tseke." Sabi ni Dad.


Kahit ako gulat na gulat! Kung may ilalaki pa ata ang mata ko siguro ay nagawa na.

Sumasakit ang ulo ko! Tatlong million?!!! Saan namang lupalop ng sanlibutan makakakuha ng ganoong kalaking pera ang mahal na tatay ko? Kahit kumayod pa kaming dalawa sa bawat segundo ng buhay namin hindi kami makakaipon ng ganong kalaking halaga ng pera!

Ano na ba talaga ang nagyayari?



GOD. Bakit nagkaganito kami?





Di parin tumitigil ang pag agos ng mga luha ko. Nag-aalala ako para kay dad,para sa sarili ko para samin.




"Okay,, sige. One last chance Victor, kung hindi.." Tumingin nanaman sakin tong hinayupak na matandang panot na "...akin na ang anak mo." At ngumisi pa talaga ang Hudas! Grabe. Nagsitayuan ang mga balahibo ko! Nakakadiri!


Kung hindi lang talaga ako nagpapalakas kay Lord mapapatay ko na 'tong sugo ni Satan eh!

"Pangako,mamayang gabi, tatlong million. Sayo na."



Pagkasabi ni dad nun ay umalis na sila Mr. Sy tangay ang ibang gamit namin. Buti nalang hindi mahahalaga yung kinuha. Pero gulong-gulo parin ako sa sitwasyon.











Umakyat si dad at may kinuha, maya-maya bumaba narin siya at may tinawagan.


"Sige panyero. Salamat talaga. oo.. pumunta ka nalang dito mamayang 5:30."



"Oo, sige . Mamaya nalang natin pag-usapan ang plano mo. .... Sige. Salamat."


Nakatitig lang ako kay dad. Pagkatapos niyang makipagusap ay hinarap niya na ko at umupo sa tapat ko.


"Anak.."


"DAD! Ano ba talaga nangyayari? Ibebenta nyo ko dun sa asungot na matandang yun?! Dad naman! Paano niyo sa'kin 'to nagawa?" mangiyak ngiyak kong sabi.


"Vhea! makinig ka muna sakin please oh." seryosong sabi ng dad ko.


Natameme naman ako. Bago magsalita si dad eh inatake nanaman siya ng matinding ubo. Pulang pula na si dad kaya kinabahan nako.






"Dito ka muna dad kunin ko lang ang gamot mo tsaka tubig."


Nagmamadali akong pumunta sa kusina at kumuha ng gamot at tubig at inabot kay Dad. Pagkatapos uminom ng gamot.. tumigil na siya sa pag ubo at maayos na ang lagay. Hinagod ko naman ang kanyang likod hanggang sa sabihin niyang okay na siya.


"Dad, okay ka na?" Nagaalalang tanong ko rito.



"Oo.. salamat"


Ilang sandali din kami nagpakiramdaman. Walang nagsasalita. Hinihintay ko lang si dad ang magsalita.





"Vhea anak. Alam ko naguguluhan ka ngayon. Naiintinihan kita.. Anak, siguro kailangan ko na talaga tong sabihin sayo 'to.. "





"Ano ba yun dad? Get straight to the point dad." Kinakabahang tanong ko rito.





"Anak,bago mamatay ang mommy mo, may binilin siya sakin na kailangan kong tuparin. Akala ko nakalimutan niya na yun pero hindi pa pala.. akala ko nabaon na yun ng panahong nakalipas pero hindi pa pala.."

"..May bestfriend kami dati ng mommy mo na nagngangalang Rico at Linda. Palagi kaming magkakasamang apat nung mga bata pa kami, hanggang sa isang araw napagkatuwaan namin na dapat ipakasal ang mga anak namin balang araw. Makalipas ng isang taon pagkatapos mamatay ang mommy mo, dinalaw ko siya sa puntod niya ng may nakita akong mag-asawa na umiiyak dun. Nang lapitan ko sila, nagulat ako dahil sila sina Rico at Linda. Nalaman nila ang tungkol sa utang ko at inofferan akong tutulungan nila ako. Pero kapalit nun ay ang pagpapakasal mo sa anak nila. Di ako pumayag anak dahil alam kong tutol ka pero sa nangyari kanina buo na ang desisyon ko Vhea. Ikakasal ka sa anak nila. Hindi ko kayang hayaan ka kay Mr. Sy. Maniwala ka anak, hindi kita ipinagkanulo kay Mr. Sy. Alam ko na may gusto siya sa'yo, pero hindi ako pumayag na ikaw ang kapalit sa lahat ng utang ko sakanya. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Patawarin mo ako!" Umiiyak na sabi ni Dad.

Ilang minuto ko muna bago ko isinaloob ang mga sinabi ni Dad. Ano daw ulit sabi niya?


"Ano ulit yun dad?" Tanong ulit niya.




"Anak.. Ikakasal ka."







"Ah.. yun naman pala akala ko ika--"

Teka.

.

.

.

.

.

Napatayo siya. "WHAT?!"

------
Follow me. @kendeyss
Twitter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon