CHAPTER 7
Vhea's POV
"Hello?" Sagot ko sa cellphone ko.
(Vhea, si Ynna to.)
"Oh, Ynna, ang aga pa ah. Napatawag ka?"
(Eh, Gusto ko lang sabihin na wala daw tayong pasok mamaya. Nagtext kasi yung Prof sakin. Eh una na kitang sinabihan. Malakas ka sakin eh.)
"Oh?!"
Pagkarinig na pagkarinig ko ng salitang "Walang pasok" nabuhay ang lahat ng cells ko sa katawan. Hahahaha!
"Ayos! Haayy.. makakatulog pa ko ng mas mahaba. Salamat Ynna!"
(Sus ikaw pa osige.. )
"AH! Ynna!" Pigil ko rito.
(Oh, bakit? May problema ba?)
"Ah.. ano. Wala wala.. bukas ko nalang sasabihin. Sige na.. Bye!"
(Oh, Okay. Bye din!)
Binaba ko na yung phone ko. Nakahiga pa rin ako ngayon pero gising na gising parin ako. Gusto ko sana sabihin kay Ynna tungkol sa kasal pero ayoko naman sa phone lang kaya bukas ko nalang sasabihin sakanya. I can't believe it. Mamaya ko na makikilala ang magiging asungot... ay este asawa ko. Ewan ko.. parang naeexcite ako? Siyempre curious ako. Pero nangingibabaw parin ang inis ko!
Naalala ko lang yung pinagusapan namin ni Dad kagabi pagdating ko.
*FLASHBACK*
Pagkatapos ng ilang saglit pumasok na ko sa bahay.
"Dad."
Nagulat si Dad at dali-daling pinunasan ang mga luha niya. Ayaw niya talaga ipakita sakin na umiiyak siya.
"Oh,nanjan ka na pala.. upo ka anak."
"Ayos na po ba yung problema kay Mr. Sy?" Tanong niya.
"Oo, anak mga 6:45 pumunta na siya dito.. siguro kaalis mo lang yun. Kasama namin si Tito Rico mo ng magwithdraw. Wala na tayong problema anak.."
Ngumiti nalang ako pero hindi yung ngiti na makikita mo pati sa mata.
"That's good."
Tahimik lang kami ni Dad. Rinig namin ang mga kulisap.. ganyan katahimik. Kaya nagsalita na ko.
"Dad, payag na ko."
Nakatingin lang sakin si Dad na tila hindi maintindihan ang sinasabi ko.
"Payag na po ko magpakasal sa anak ni Tito Rico."
"Totoo anak?"
Tumango ako. Kitang kita sa mukha ng dad ko ang labis na tuwa. Bigla nalang ako niyakap ni Dad. Napaiyak nalang ako ng tahimik habang niyayakap niya ko at hinahaplos ang mga hibla ng buhok ko.
"Hindi ka magsisisi sa desisyon mo anak. I'm sorry Vhea kung wala akong magawa pero mas makakabuti narin ito para sayo. May magbabantay na talaga sayo ng tuluyan.."
Iyak lang ako ng iyak hangga't sa hilahin na ko ng antok.
*END OF FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
Arranged For You [Fin]
Teen FictionNapilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.